CHAPTER SIXTEEN

635 17 0
                                    


CHAPTER SIXTEEN

"Ivonne!"

Napangiti ako nang makita si Martin na kumakaway sa akin. Kinawayan ko siya pabalik bago tinakbo ang distansiya namin. Sabay sabay namang bumaling sa akin ang iba nang makarating ako sa kinaroroonan nila. Binati nila ako isa isa at ningitian.

"Ang tagal mo Ate Ivonne. Kanina ka pa namin hinihintay." Nakangusong ungot ni Carl. Ginulo ko ang buhok niya saka ngumisi ng malaki.

"Masyado kang excited. Wag kang mag alala, makakapaglaro ka na mamaya. Hintay hintay muna tayo a." I joked. They laughed and started teasing Carl. Napasimangot naman ang huli. Panay niyang iniilagan ang mga sundot ng kateam niya at iniirapan ang mga pagtutudyo.

Pinagmasdan ko sila habang nagkakasiyahan. I smiled at the scene. Kahit lagi kong nakikita to, hindi pa rin ako nagsasawang panuorin ang mga kulitan nila. They looked so carefree and genuine.

Nandito kami ngayun sa labas ng gate ng school. Ngayun na ang tournament nila at mukhang excited silang lahat. Ang lalaki ng mga ngiti nila at mukhang handa ng makipagbakbakan.

"Bakit niyo pala ako hinahanap, hindi pa naman ako late a. At anong ginagawa niyo dito labas?" Singit ko habang nakatingin sa wrist watch ko. Nangtataka ko silang tiningnan. We still have fifteen minutes before the departure time. We're still waiting for the other players and coaches to arrive. Marami na din ang nandito at nakapwesto na sa kanikanilang mga bus.


Nasa baba lang kami ng bus na naka assign sa amin. Hindi ko alam kong bakit nandito pa sila sa baba at nagtitiis kakatayo at sa lamig. Hindi pa mainit dahil hindi pa sumisikat ang araw pero masyado namang mahamog kaya malamig ang buong paligid. Pasado alas cinco palang ng umaga at alas sais ang departure time namin.

At sa lamig, hindi man lang sila nag abalang mag jacket man lang. Nakajersey shirt and shorts lang sila at mukhang hindi alintana ang lamig. Masyado yatang na excite ang mga gunggong. Nagsuot na nga ako ng makapal ng jacket pero sila, deadma ang lamig. Ang kakapal ng mga balat.

"Kanina ka pa kasi hinahanap ni Coach Phil. Pinababa niya din kami dahil may ibibilin daw siya."  Kibit balikat na sagot ni Andi. Maang akong napatitig sa kanya. Just by hearing his name made me sigh heavily.


It's been a week now since the day we talked in his office. And until now I'm still guilty lying to him. Kahit pilit kong sinisiksik sa isip ko na wala siyang dapat pakialam, lagi ko namang naiisip na meron siyang karapatan.


Assistant niya ako kaya may karapatan siyang malaman ang mga whereabouts ko. And me, being sick, I think he still have the right to know. Masakit lang isipin na yun lang ang dahilan kung bakit niya kailangan malaman ang mga ginagawa ko. At kahit nagtatampo ako sa kanya, kailangan namang isantabi muna ang personal na buhay pagdating sa trabaho.

Nagtatampo? I smirked at the thought.

Minsan natatawa ako sa sarili, lalo na kapag nakikita ko siyang sobrang busy sa mga ginagawa at walang pakialam sa mundo. I would stare at him for a long period of time as if my life depends on him. At mag iiwas agad ng tingin pagnahuhuli niya. Minsan nga uupo ako sa silya niya sa tuwing nauuna akong dumating sa opisina. I just want to smell his scent and feel his embrace, kahit sa upuan niya lang. I felt so pathetic, but I miss him. And that's the least thing I can do.


Sa loob ng isang linggong wala kaming pansinan, yun yung ginagawa ko. Sobrang busy na ang lahat, lalo na sa practice. Kaya hanggang tingin nalang ako sa kanya. Kahit gusto ko siyang lapitan at kausapin para magsorry ay hindi ko magawa. Bukod sa nawawalan ako ng lakas ng loob, ay wala naman siyang oras para pakinggan ako. I sighed.




The Mistress' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon