CHAPTER TEN

772 17 8
                                    


CHAPTER TEN

"Thank God, it's Saturday!" Nagising ako sa malakas na sigaw ni Kylie. Sa sobrang lakas, pwede na yatang panggising sa buong barangay. Himala yata at maagang nagising.


I glanced at the wall clock at the upper right corner of the room. 9:30, it's already 9:30 in the morning. Hindi naman pala maaga si Kylie, matagal lang talaga akong nagising. I groaned at myself. Sobrang inaantok pa ako at gusto ko pang matulog. If I didn't stress myself thinking, the whole night, I would have much better sleep. 




Tamad akong bumangon mula sa pagkakahiga. Nanlalabo pa ang mga mata ko sa sobrang bigat at sobrang hapdi kaya agad kong kinusot. Bumaling ako sa full length mirror sa tabi ng kama ko. Magulong buhok, magang mga mata, pagod na mukha at bagsak na mga balikat. I look like a mess.



I sighed heavily and closed my eyes. Bakit ko ba ginagawa to sa sarili ko? Is this really what happens when you let your heart empower rather than your mind?






Last week I was planning on ending these ridiculous feelings I have for him, but the moment I saw that man sitting in his chair, looking so mighty for his own good, my heart beats shamelessly loud that I can't hear what's running in my mind anymore. I wasn't caring about what my mind says, about the plan, about what is wrong or right, all gone. I only listened to my heart, that's beating for him from the very start.






Then, I will realize that it's all useless. Staying up late thinking about the how wrong to love a married man. Planning on ignoring him the next day. Requesting for an assignment on assisting the players to avoid him. It's all useless, I'll still miss him in the end. I'm still wishing that maybe someday, I can make all the wrongs in my head, be right ones.





Nahilamos ko ang mga kamay sa mukha ko at mariing sinabunutan ang sarili. Ano bang pinag iisip mo, Ivonne? Nababaliw ka na ba?


"Argh! Ang gaga ko!"


"Oo! Ang gaga mo nga. Hindi mo ba alam kung anong oras na?" Umayos ako ng upo nang pumasok si Kylie sa kwarto. Nakapameywang niya akong pinanliitan ng mata habang nakasandal sa dinding. At napansin ko ring bagong ligo siya at bihis na bihis. I looked at her with a confuse look.



"Bihis na bihis ka yata. Saan ka pupunta?" Tanong ko at pinasadahan siya ng tingin. Her lips exaggerately formed an 'o' saka ako binatukan.



"Gaga ka! Sinasabi mo bang nakalimutan mong gagawa tayo ng research paper ngayun!?"  She screamed at my ears that made me move away from her and cover my ears.


"Ano ba. Wala naman akong sinabing ganun ah." I reasoned out, still covering my ears. At naalala ko, ngayun nga pala usapan namin.



"Aba! Nagmama-angmaangan ka pa diyan. Mag-ayos ka na nga! Tingnan mo nga yang sarili mo, mukha kang aswang. Dinaig mo pa si Corazon eh."  Kylie said while walking out of my room. Agad umusok ang ilong ko sa sinabi niya.




"Ano!?" Grabe!



"At pakibilisan. Gutom na gutom na ako." She commanded before finally closing the door.



"Hindi kita ipagluluto ng pagkain!"


"Okay. Uubusin ko nalang Kit-kat mo!" Sigaw niya mula sa labas. Argh!


"Oo na! sandali lang!" kainis naman oh.

***********

"Ano nanaman bang ginawa mo kagabi at ang tagal mong nagising? Alam mo bang may muntik ng malipasan ng gutom kanina? Ay teka! May nangyari ba sa bahay niyo?" Nakasakay kami sa jeep at walang tigil sa kakatalak si Kylie sa tabi ko.





The Mistress' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon