"Gising Vanessa! Gising na!"
"Vanessa ano ba?! Isa! Hindi ka pa babangon dyan? Magagalit na ako!"
"VA-NE-SSA!!!!!!"
Ay jusko! Mabilis akong napabangon dahil sa napaka-lakas na sigaw ng pinsan 'kong Rodora.
"Kakabwisit ka talaga, essa eh! Hindi tuloy ako naka-abot sa gig ng parokya! Kaasar ka!" binato pa ako ni Rodora ng unan nyang matigas.
Nag-unat-unat pa ako't naghikab-hikab habang iniisip ang sinabi saakin ni Rodora.
"Hey.....parokya? Anong oras?"
"Alas-sais ng gabi. Natulog ka kasi kaninang alas-tres. Sabi mo aalis tayo ng alas-tres pero natulog ka. Alas-otso na ngayon, essa. Nakakairita."
Natawa ako sa ginawa ko. Sinadya ko yun. Sinadya 'kong matulog at hindi samahan si Rodora. Bakit? Heto makinig kayo,
Si Rodora, idol na idol nyan ang Parokya Ni Edgar. Sa lahat ng banda, yan ang gustong-gusto nya. Walang gig na hindi nya pinupuntahan ito. Well, may isa na syang gig na na-miss. Itong gig na 'to kaninang 6 PM.
5 years ng fan si Rodora. Lahat ng t-shirts, cups, caps, bags, keychains, LAHAT ng gamit nya ang tatak ay parokya.
Then one night, Rodora met Gio. Gio is the drummer of the band. Actually, Gio is the least famous among all of them. He is cute though. White skin and chubby body. Not that fat.
Noon, napapansin 'kong gabi-gabi ay nagpupunta si Rodora sa isang club. Hindi naman gabi-gabi ang gig ng Parokya. Tinanong ko sya pero iniiwasan nyang sumagot. Weird.
One Saturday, birthday ni Rodora. Nagulat ako ng magpunta ang buong band ng Parokya dito sa condo namin. Although napaka-sosyal ng condong ito kaya siguro napadali ang pagpasok nila.
Habang nagsisikainan kami, napansin 'kong si Rodora at Gio ay magkatabi sa sofa. Naka-hawak rin si Gio sa bewang ni Rodora at doon ko napagtanto na may something sa kanila.
Weeks later, inamin na saakin ni Rodora na sila na nga ni Gio.
And now, they're still together. Actually 1 and a half year na sila. To be honest, medyo inis rin ako kay Rodora kase baliw na baliw sya kay Gio.
Minsan hindi na nakaka-attend sa church namin si Rodora para lang makipag-date kay Gio. Argh!
At ngayon, nagpunta ako sa Dauntless Manila. Isang club na sosyal. Kakatapos lang kase ng 2nd Sem ko sa college kaya it's me-time.
Sa isang sulok, napansin ko si Gio na nasa gitnang table. Nakangiti pa sya habang nagtetext at may hawak na bouquet of flowers. Mayroon rin syang dalang chocolates at isang maliit na box.
Napangiti ako sa nakita ko dahil alam 'kong para kay Rodora yun. Tatawagan ko na sana si Rodora upang tanungin kung magkikita ba sila pero wala sa sarili 'kong naibaba ang cellphone nang may lumapit na napaka-ganda at napaka-seksing babae na nakasoot ng red dress at naka-cap ng white.
Nang magtagpo sila'y mabilis na hinalikan ni Gio ang babae sa labi at inulit pa ito ng tatlong beses! Sabik na sabik sya sa babaeng iyon.
Hindi ko alam pero nasasaktan ako para kay Rodora. Hindi pwede ito. Halos ma-adik ang pinsan ko sakanya, tapos gagaguhin nya lang!? No way!
I took so many pictures of them. Feeling ko nga puno na ang storage ko eh. I also took a video of them. Sakto habang nagvivideo ako, hinalikan ni Gio ang babae sa cheeks.
Nung maka-uwi na ko, nadatnan ko si Rodora na nagluluto.
"Gabi na ah, bakit nagluluto kapa? Ang bango naman nyan!"
"Eh si Gio kase pauwi na sya sa work. Kailangan ko syang dalhan ng pagkain! Kawawa naman yun! Ayokong mamayat si Honey ko!"
Natulala na lang ako sa sinabi nya. Teka mukhang mahirap ang sitwasyong ito. Hindi ito ang perfect timing eh.
Pinagmasdan 'kong mabuti si Rodora. Ang laki na ng eyebags nya. Namamayat na sya. Hindi na sya nakakapag-excercise tulad noon. Palagi syang gumagawa ng efforts para kay Gio. Imbis na sya ang sunduin ni Gio sa school, sya ang sumusundo kay Gio. At ito pa ngayon, balak pa yatang puntahan ang gagong si Gio.
Hindi nya nga siguro alam.
"Bukas nga pala, may gig ulit ang Parokya! Sasamahan mo ako ah? Ayaw kasing pumayag ni Gio na umalis ako ng mag-isa. Mag-aaway kami nun."
"Anong oras ba?" sinubukan 'kong ngumiti sakanya.
"Ala-sais ng gabi. Aalis tayo ng alas-tres!"
"O--okay."
"Tulog na 'ko. Goodnight, Dora" paalam ko saka pumasok sa aking silid.
Argh! Naiinis ako! Paano ko masasabi to kay Rodora? Gago ka talaga Gio! Wala 'kang kwentang lalake! Ang sarap mong katayin! Hindi kana naawa kay Rodora! Nakakagigil kaaaaaaa!
Alas-dos na ng madaling araw ako nakatulog para makaisip ng paraan para sa pinaka-mamahal 'kong pinsan.
At nakaisip na ako ng paraan!
Hindi kami pupunta sa gig nila bukas! Matutulog ako ng mahimbing at gigising ng ala-sais! Kailangan unti-unting manlamig si Rodora kay Gio. Sa pamamagitan ng hindi nya pagpunta sa gigs ni Gio.
And one of the best fact about Rodora is, hindi sya pumupunta sa gigs ng parokya without someone by her side which is ALWAYS ME.
Kinakailangan 'kong mag-isip ng acceptable reasons kung bakit hindi ko sya masasamahan.
Gio, you're so panget!

BINABASA MO ANG
Never Considered
FanfictionShe was a fan, a huge fan of somebody glamorous. It's so funny when 'fate' takes the action on a connection. Well, is she still a fan? or someone else MORE THAN a fan?