"Welcome back Rodora!!!!!"

Masaya 'kong sinalubong si Rodora sa lobby.

"Abaaaa! Isang araw lang akong nawala, namiss mo agad ako? Ikaw ah."

"Hindi noh! Ang boring kase sa taas kase mag-isa lang ako palagi. Pero ngayong nandito kana, may kasama na ko!" paliwanag ko.

"Ha? Hindi nagpunta dito si Gio?"

Gio nanaman? Tsk.

"What do you mean?"

"Tinawagan ko kase sya to check you here. Sabi ko kahit katukin mo lang at alamin if she's okay. Sabi nya pa nga na okay lang na gawin nya yun kase para ka daw nyang little sister."

What the hell, Gio? Little sister huh? Kadiri ka.

"Nope. Hindi sya pumunta."

Naiinis nanaman ako. Pinapaasa nya si Rodora eh! Mukha syang unggoy!

"Ganoon ba? Teka nga itetext ko."

"No! Wag!.........I mean, wag muna kase diba nasa trabaho sya. No phone policy doon diba? Hehe"

Iyan nalamang ang ginawa 'kong palusot para hindi na nya i-text si Gio. Gusto ko na talagang sabihin sakanya ang totoo. Tuwing gabi nakatitig ako sa pictures ni Gio at nung babae sa club. Nag-iisip parin ako ng perfect timing.

"Oo nga. Buti naalala mo. Baka magalit saakin yun kapag tinext ko sya."

Oh really? Anong klaseng boyfriend ang magagalit kapag girlfriend ang unang nag-text?

Pumasok na kami sa elevator. I clicked the button 16.

"Balita ko dumating na daw si Lucas mo!" masayang sabi nya

"Teka, Lucas ko? Ano yun?"

"Sus! Kunwari ka pa eh nung bata pa tayo darling na agad ang tawagan nyo!"

"Oy ikaw ah! Wala yun!"

"Hindi! Kinikilig ka!"

"Ako? Hindi no! Alam mo, bestfriend ko lang si Lucas. Trip lang namin yung darling darling na yun. Wala yun!"

"Kinikilig si Vanessa!"

"Shhhh shut up!"

~

Medyo malapit na pala ang birthday ko. April 18 na ngayon. April 27 ang kaarawan ko. Ano kayang pwede 'kong gawin? Magtatravel nanaman ulit ba ako mag-isa?

Parang gusto ko nalang manood ng IV of Spades buong maghapon sa araw na iyon.

Kaso mukhang imposible.......

imposible nga.

"Essa may bisita tayo!"

"Huh? Sino?"

"Biglaan eh. Nasa lobby na daw sila."

"Sino? Sinong sila?"

"Ang Parokya"

"WHAT!?!"

"Go. Mag-ayos ka na."

Nagkulong lang ako sa kwarto. Anong mag-ayos? I don't care if nakaganito lang ako. Wala nga akong balak lumabas. Ayokong makita sila.

Kung dati gustong-gusto 'kong mapakinggan ang musika nila, ngayon ayoko na. At kinasusuklaman ko na.

TOK

TOK

TOK

TOK

TOK

Never Considered Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon