Alas-dose na ng tanghali at umalis na ang buong banda maliban kay Blaster. Ayaw nga rin akong iwanan ni Charles pero pinilit sya nila Zild. Ewan ko rin kung bakit. Basta nung makalabas na ang lahat, tinitigan kami ni Zild at bigla syang ngumiti.

Naka-bukas ang TV na nasa bandang itaas ng pader. Naka-upo lang talaga si Blaster sa tabi ko. Ilang beses ko syang pinilit na paka-inin o lumabas muna para magpahangin pero ayaw nya, nalulungkot sya kapag pinagtatabuyan ko sya naaawa tuloy ako kaya tumatahimik nalang ako.

"Blaster, bakit ka ganyan?" wala sa sariling tanong ko. Totoo naman eh, bakit ba sya ganito sakin? I mean, fan nya lang ako. Paano kami umabot sa ganito? Bakit ganun? Parang nagmumukhang imposible na ang mga nangyayare para sakin.

Tumingin sya sakin at tinignan ang kamay ko.

"Diba sabi ko sa'yo, hindi kita pababayaang mag-isa? Mag-kaibigan tayo diba? Ayokong malungkot ka lalo na may sakit ka ngayon. Please Vanessa, I'm going to stay here until you're out. Hindi ako lalabas hangga't hindi ka rin lumalabas. Aalagaan kita. Sorry kung makulit ako pero ito lang ang kaya 'kong gawin para sayo..."

"Ano? Eto 'lang'? Hindi mo dapat ni-la-'lang' yun. Sobra sobra na 'tong ginagawa mo eh. Kaibigan kita oo pero parang ka-pamilya na kita sa ginagawa mong to eh. Blaster I alread told you a million times na hindi ako mawawala. Na-over fatigue lang ako sabi ng doktor. This is not a cancer. This is not something else. I am so fine."

Napa-irap ako ng may halong kalungkutan.

"Ayun na nga eh, simpleng sakit lang yan pero alalang-alala na 'ko sayo. Ayoko nang maulit pa yung ganitong scenario. Pwede naman tayong palaging magkasama pero ayoko dito sa hospital. Gusto ko maayos ang kalagayan mo. You are a special friend of mine and please note to yourself that it's my responsibility to take care of you every single day."

Sige na. Ayoko na. Hindi na ako makikipagtalo pa sakanya. Sa sinabi nyang yan, sapat na para maintindihan ko.

Tumingin ako sa malayo at huminga ng malalim. Birthday ko ba talaga? Hindi ko inaasahan ang ganitong pangyayari.

"Hey, don't be sad. It's your birthday." Ipinatong nya ang kanyang kamay sa ibabaw ng kamay ko at saka iyon minasahe.

"Yes. I know."

"Happy birthday, Van!" Isang napakalaking ngiti ang ibinigay nya saakin at kasabay noon ay ang paghalik nya sa aking kamay.

dugdugdugdugdugdugdugdug
dugdugdugdugdugdugdugdug

Naramdaman ko ang labi nya! Dumampi ang labi nya sa kamay ko! Nananaginip ba ako!? Totoo ba 'to!? Hinalikan ni Blaster Mitchelle Silonga, ang super duper crush and idol ko ang kamay ko!?!

HOLY COW!

"VANESSA!" napatingin kaming pareho sa taong nagsalita mula sa bumukas na pintuan.

Oh great, he's there.

"What the hell happened to you!? Sobrang nag-alala ako alam mo ba yun?" Mabilis na lumapit si Lucas sa tabi ko at hinawak-hawakan ang braso ko.

"Tell me, anong nangyare?"

"Nothing. Fatigue lang. I'm fine." Tipid na sagot ko habang nakatingin sa TV.

"I told you to take care of yourse---"

"Inaalagaan ko naman ang sarili ko. Maayos naman ako ah, normal lang ang makaranas ng ganito ang isang tao"

"Vanessa what are you saying? Ano na ba talagang nangyayare sayo?"

Hindi ko sya pinansin at patuloy na nanonood sa TV.

Walang anu-ano'y kinuha nya ang remote control at pinatay ang telebisyon.

Never Considered Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon