Pinauwi ko na agad si Lucas. Nung una nahirapan pa ako dahil sabi nya doon nalang daw sya sa condo ko matutulog dahil wala naman daw syang gagawin sa condo nya.
Hay nako! Buang talaga yung lalakeng yun! Buti nalang at tumawag sakanya si Niña! Ayun, magkikita sila ngayon sa Rockwell. Goodluck sakanila. I hope they have a good shot together.
5 PM na ngayon at kakatapos ko lang maligo. Ano kayang magandang sootin? Gig ng IV of Spades ang pupuntahan ko. Mostly, fans are wearing formal attire.
Teka, what if gayahin ko ang porma ng IV of Spades to tonight? Yeah, kahit ngayong gabi lang! It would be fun!
Naghanap na ako ng brown pants at polo na animal printed. Nagsoot rin ako ng mahabang necklace at medyo high heels na semi-boots.
Natutuwa ako sa soot ngayon! Feeling ko ako yung pang-lima sa IV of Spades hahahaha!
~
Woah. Medyo maraming tao. Karamihan nasa labas pa. Bakit kaya hindi pa sila pumasok?
"Ah kuya, saan po ang entrance?" tanong ko sa lalaking naka-yellow na may tatak na 'staff' sa likod ng shirt nya.
"Dito po ma'am. Nakapagbayad na po ba kayo ng entrance fee?"
Ha? May entrance fee ba?
"Saan magbabayad?"
Itinuro nya saakin ang counter. Agad akong pumunta doon.
"Ate, how much po?"
"450 ma'am."
WHAT!?!?!
Bakit hindi binanggit sa twitter na may entrance fee? Omg. Humugot ako ng wallet sa aking bulsa. Mabuti nalang at nagdala ako ng 500 pesos.
500 minus 450 equals 50.
Saan aabot ang 50 ko? Hahaha.
Bahala na nga!
"Ate ito po."
~
Nandito na ako sa loob. Kaya naman pala maraming nasa labas dahil hindi rin yata nila alam na may fee pala. Loko-loko talaga yung nag-post nun.
Kaya advice ko sa lahat ng magpupunta sa kahit anong gigs, prepare some money.
7:15 PM
Ang tagal naman. Gustong-gusto ko na silang makita! Nasa pangalawang table ako sa harapan. Medyo maaga rin kase ang pasok ko.
50 pesos nalang pera ko kaya isang cocktail nalang ang binili ko. Hahaha! Natatawa ako sa sarili ko. Sa susunod nga, pagiipunan ko na ang mga gigs na 'to.
Pinagmamasdan 'kong muli ang mga litrato namin ng IV of Spades. Sana maulit ulit yung ganitong moment. Zinoom ko ang picture kay Blaster. Tinitigan ko lang ang mata nyang nakangiti.
Hindi ko ma-ialis ang tingin ko. Para akong na-hypnotized.
".......the IV of Spades!"
hindi ko namalayan na kanina pa pala may nagiintroduction sa stage.
Inihanda ko ang camera ko at pinicturan sila. Ito nanaman, napakabilis nanaman ng tibok ng puso ko.
"Good evening, ladies and gentlemen. I hope you're enjoying tonight!" Paunang salita ni Zild.
"Yes we are!" sagot naman ng babaeng nasa likod.
Teka parang gusto ko 'ring sumigaw ah, wala nama si Lucas dito. Hehehe!
"Go IV OF SPADES!"
masayang sumigaw ako nang magsimula na silang tumugtog.
"Where have you been my disco, my disco..."

BINABASA MO ANG
Never Considered
FanfictionShe was a fan, a huge fan of somebody glamorous. It's so funny when 'fate' takes the action on a connection. Well, is she still a fan? or someone else MORE THAN a fan?