Umalis rin ako agad sa kwarto ni Niña dahil dumating na buong family nya. Nakakahiya naman kung nandun ako.
*Phone Buzzes*
*Charles Perilda messaged you*
Charles: Nasa St. Luke's ka daw ngayon?
Vanessa: Paano mo nalaman?
Charles: Sinabi sakin ni Blaster.
That guy. Why did he say so?
Vanessa: Oo pero, pauwi na rin ako.
Charles: Aw sayang. Sige, ingat ka! :)
Hindi muna ako umuwi para nagpagala-gala muna. Wala naman kase akong kasama sa bahay. Si Lucas nageemote pa.
Hay nako!
Naisip 'kong tignan nalang ulit ang pictures ko kasama ang IV OF SPADES kaya umupo muna ako sa bench at nagbrowse.
Wala 'pang ilang minuto, may lalaking umupo sa tabi ko.
Sa amoy palang, naiinis na 'ko. Sa porma palang, kilalang-kilala ko na. Tsk! Leche talaga!"Hi lil' sister"
"Lumayo ka sakin."
"Bakit naman ako lalayo? Pagkatapos ng ginawa mo saamin noon ng girlfriend ko?"
Tinignan ko sya ng masama.
"Gago ka talaga eh no? Akala ko ba si Rodora ang girlfriend mo? Napaka-manloloko mo talaga. Hindi ka na nahiya."
"Hey lil' sister chill ka lang."
Naglabas sya ng isang maliit na........cutter!?!
"Oh, wag 'kang sisigaw. Baka mapabilis ang pagkamatay mo!" natatawang sabi nya.
Tumayo ako at akmang tatakbo pero nahuli nya ang braso ko.
"Hindi ka nga sumigaw, tumakas ka naman! Tara dito tatapusin na natin ang buhay mo!"
"Tulooooooooong!!!!!!" malakas 'kong sigaw.
Hinila nya ng malakas ang kamay ko at pakiramdam ko magkakaroon ako ng pasa dahil doon.
"TULOOOOOOONG!!!" buong lakas parin akong sumigaw kahit nanginginig na ang katawan ko.
"Anak ng! Ang ingay mo! Tutuluyan na talaga kita!" Sinaksak nya ang braso ko pero mabuti nalang naka-iwas ako.
Sumisigaw ako habang patuloy na umiiyak. Hawak-hawak nya ang buhok ko at kinakaladkad ako papunta sa hindi ko alam na lugar.
Sa huling pagkakataon, sumigaw ako ng buong lakas.
"TULUNGAN NYO AKO! TULONG!"
"Wala ka nang magagawa. Katapusan mo na. Masyado ka kasing nangingielam. Paalam, lil' sister!"
Alam 'kong nakataas na ang kamay nya para saksakin ako sa leeg pero nakita ko nalang na biglang tumilapon yung cutter sa malayo.
"Mukha 'kang babae pero dapat umasta ka paring lalake."
"Sino kaba? Bakit ka nangingielam dito?" galit na galit na sigaw ni Gio.
"Ikaw, sino ka? Bakit papatayin mo sya?"
"Wala ka na dun! Kung ayaw 'mong patayin rin kita, umalis kana ngayon palang."
"Tsss.....ako? aalis? Gawain mo yun eh."
"Ang dami mong dada! Aalis ka ba o papatayin ko 'tong babae na to?"
Imbis na sumagot sya, tinignan nya ako. Nahihiya ako dahil pulang pula ang mata ko sa kaka-iyak. Sabog ang buhok ko dahil sa sinabunutan ako.

BINABASA MO ANG
Never Considered
FanfictionShe was a fan, a huge fan of somebody glamorous. It's so funny when 'fate' takes the action on a connection. Well, is she still a fan? or someone else MORE THAN a fan?