Nakatingin parin ako sa cellphone ko.
Nakatingin sa mga numerong paulit-ulit na umiikot sa utak ko.
Ito daw ang numerong tatawagan ko kahit anong oras kapag nalulungkot ako.
Itong mga numero na magsisilbing koneskyon saaming dalawa kahit malayo kami sa isa't-isa.
Natatandaan ko pa kung paano hinatak ni Blaster saaking kamay ang aking cellphone at doon inilagay ang number nya.
~
Byernes na ngayon. Birthday ko na pala bukas. Hindi na siguro ako maghahangad pa ng kahit ano dahil sobra sobra na ang natatanggap ko.
Kuntento na ako. Okay na 'ko.
Maraming salamat, Lord!
"Hello? Rodora?"
"Oh, napatawag ka essa? May problema ba?"
"Talaga 'bang hihintayin mo 'pang matapos ang isang taon bago ka dumito ulit?"
"Essa...."
"Okay naiintindihan kita. Tinanong ko lang naman."
Huminga ako ng malalim at napatingin nalang sa kawalan.
"I'm sorry. Mapapatagal pa talaga ako dito."
"Okay lang. Ingat ka."
Hindi parin ako kinakausap ni Lucas hanggang ngayon. Ayoko rin naman syang makita.
Dumaan nga pala si Niña kanina dito sa condo. Nagbigay sya ng isang maliit na cake. Sya daw ang nagbake nun para sakin. Babalik na kase sya sa Canada ngayong araw kaya hindi na nya maaabutan ang kaarawan ko bukas.
Mag-a-alas dos na ng tanghali at hindi ko parin alam ang gagawin ko. Tila ba tumigil ang mundo 'kong parang kahapon ay masaya.
Pagpasok ko sa kwarto, bigla nalang akong nakaramdam ng matinding hilo.
Napaupo ako sa kama at pinilit na hindi intindihin ang sakit na nadarama ko.
Hinawakan ko ang cellphone at dahan-dahang tumayo para uminom ng tubig.
Pag-inom ko'y bigla 'kong nabitawan ang babasaging baso at nabasag ito sa sahig. Kasabay ng pag-ingay nito ay ang mas lalong pagsakit ng ulo ko.
Bumaba ako para pulutin ang mga basag na parte ng baso ngunit parang nanlalabo ang mga mata ko.
Na-mali tuloy ang dampot ko sa bubog at tuluyan akong nasugatan sa kamay. Pagkakita ko ng maraming dugong umaagos, doon tuluyang nawalan ako ng hininga at umiikot-ikot ang paningin ko.....
Pagdilat palang ng mga mata ko. Alam ko na agad kung nasaan ako. Nahihilo parin talaga ako.
Teka bakit sobrang init ko? Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan ko mula paa hanggang sa ulo.Ah, ano 'bang nangyayare sakin?
"S--si...sino ka?" nanginginig at mahinang tanong ko sa lalaking nakatalikod sakin.
Matangkad sya at mukhang maputi. Mayroon syang tinatawagan sa kanyang cellphone.
Nang humarap sya, unti-unti 'kong nakilala ang mukha nya.
"Mabuti gising kana!" He seems worried.
"Paano ako napunta dito?"
"Pumunta kase ako sa condo mo kahapon. Dapat ngayon ako pupunta kase ngayon ang birthday mo diba?"
Ha? Birthday ko na? 27 na?
Ang malas ko naman.
"Kaso kase gusto na talaga kitang makita. At mabuti nalang pumunta ako dahil pagpasok ko, nakita kitang walang malay. Ang dami 'ring dugo sa kamay mo. Anong nararamdaman mo? Okay ka na ba?"

BINABASA MO ANG
Never Considered
FanfictionShe was a fan, a huge fan of somebody glamorous. It's so funny when 'fate' takes the action on a connection. Well, is she still a fan? or someone else MORE THAN a fan?