"Babalik na muna ako sa Cavite, Vanessa."

"Bakit? Ano nanamang problema?" nag-aalalang tanong ko sa aking pinsan.

"Wala. Gusto ko lang munang mag-stay doon para makapagpahinga. Mas maayos kasi doon at mas tahimik kaysa dito. Saka ayoko na 'ring makita si Gio. Salamat nga pala at sinabi mo saakin lahat ng nakita mo."

Oo. Noong gabing iyon, nagkaroon na ako ng lakas ng loob na sabihin ang lahat kay Rodora. Walang tigil ang pag-iyak nya nung makita nya lahat ng pictures. Nasasaktan ako para sakanya.

Sa totoo lang, kulang pa nga ang nangyari kay Gio. Hindi nga nya ikamamatay yun. Nakakabwisit parin sya.

"Ganun ba? Kung makakabuti iyan sayo, sige. Babalik ka pa naman diba?"

"Oo naman Vanessa. Siguro matapos ang isang taon."

Ano!?!

"Ha? Bakit ang tagal naman yata ng isang taon?" gulat 'kong tanong.

"Syempre, hindi naman madaling mag-move on eh."

Hay nako. Tama sya. Hindi ko sya mapipigilan sa desisyon nya dahil sya naman talaga ang pinaka-nasaktan.

Wala akong makakasama sa loob ng isang taon.

"Mag-iingat ka doon ah? Magkikita pa tayo ah?"

"Oo nga. Ikaw talaga!"

Niyakap nya ako ng mahigpit. Mamimiss ko 'tong pinsan ko. Sa buong buhay ko sya ang palagi 'kong karamay.

Sabi nga nila, sa mundong ito, ang unang-una 'mong magiging matalik na kaibigay ay walang iba kundi ang pinsan mo  : )

~

*ON VIDEO CHAT*

"Magandang tanghali, darling!"

Agad akong binati ni Lucas nang sagutin ko ang tawag nya. Ang ganda rin ng ngiti nya. Kumbaga sa babae, blooming sya. Mukhang inlove sya. Teka, kanino naman kaya?

"Hi! Ang ganda yata ng ngiti mo ngayon?"

"Sure ka? Hindi naman. Palagi naman akong ganito."

"Hindi eh. Sa nakikita ko, mukha 'kang inlove. Uy! Mukhang magkakaroon na talaga ng official "darling" ang darling ko!"

Tumawa lang sya at uminom ng kape.

"Let's meet?" biglang anyaya nya.

"Saan naman?"

"Kahit saan wag lang sa--"

"sa gig ng IV of Spades?" pinutol ko na sya dahil alam ko namang iyon ang sasabihin nya.

Sa lahat naman ng bagay magkasundo kami eh, bakit naman sa favorite band ko pa? Nakakalungkot.

Kung sino pa yung inaasahan 'kong palagi akong sasamahan, yun pa yung nagtutulak saakin palayo doon sa kinasisiyahan ko.

Wait, ang lalim naman nun.

"Hey, darling. You okay?"

Naalimpungatan ako ng magsalita multi sya.

"Oo oo. So saan nga pala?"

"Alam ko na. Magbihis kana and I'll fetch you there at 12 PM."

"O--okay..."

~

"Saan ba talaga tayo pupunta?"

"Basta hahaha chill ka lang."

Teka, parang alam ko na kung saang lugar to ah.

Maya-maya lang, tumigil kami sa isang napakagandang bahay.

Never Considered Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon