"Kamusta ka na dyan? I miss you! 4 days nalang birthday mo na. Hayaan mo, magdodouble gift nalang ako sayo next year."

"No need Rodora. Sobra sobra na 'tong natatanggap ko these past few days."

"Napakswerte mo talaga, Essa. Biruin mo yun? Trending na trending ka sa twitter! And what? 10k followers? Artista kana yata nyan eh?"

"Hahaha hindi ko rin alam. Siguro itinadhana yun."

"Imagine? Never akong ginanyan ng Parokya Band pero ikaw? You're so lucky!"

"Never mention that shitty band again please. Kamusta ka na nga pala? Moving on stage parin? You shouldn't be there na. Dapat nasa next level na." pagbalikwas ko sa topic.

"Anong level naman iyon?"

"Hmmm...Flirting stage?"

Tumawa lamang sya sa sinabi ko. Bakit? Tama naman diba?

"Hay nako, sige na, mag-iingat ka dyan. Kapag sumikat ka pa lalo wag mo akong kakalimutan ha?"

"Baliw! Bye na!"

Hindi ko na natapos ang pagkain ko dahil sa dami ng nagdidirect message saakin sa twitter, sa facebook at sa Instagram.

May mga pictures rin ako na inupload nila. Nakaka-taba sila ng puso. Nagiging emotional tuloy ako.

Teka nga, namimiss ko na si Lucas ah. Mapuntahan nga yun sa condo nya. Aasarin ko sya dahil na-notice ako ng spades. Ano kayang magiging reaksyon nya?

~

Nang makarating ako sa 8th floor ng condo unit ni Lucas, napansin 'kong bukas ang pinto.

Feeling ko wala sya dito.

"Lucas?"

"Lucas?"

"Are you there?"

Ilang beses ko syang tinawag pero walang sumasagot. Ah baka siguro nasa baba lang yun.

Mabilis akong sumakay ng elavator dahil alam ko na kung nasaan sya.

Nakangiti ako habang naglalakad papunta sa playground dito sa baba. Palagi dito si Lucas dala dala ang laptop nya.

Wala 'pang ilang minuto nakita ko na syang nakaupo sa swing!

"Luca----"

Agad akong nagtago sa pader ng makita si Niña na nakatayo sa harap nya. Umiiyak si Niña dahil humahagulgol ito.

Nagulat ako dahil bigla nalang lumuhod si Niña sa harapan nya.

"Please, give me a chance. This time I'll be better. I'll give everything you want. Please Lucas, just give me one more chance....."

Napa-awang nalamang ang bibig ko ng makitang umiiyak rin si Lucas.

"Hindi na siguro pwede, Niña. Ang tagal 'mong nawala. Ang dami na 'ring nagbago." sagot naman ni Lucas.

"Why? Do you love someone else now? Hindi na ba ako ang nandyan? Wala na ba ako sa mundo mo? Sino na? Sino na Lucas? Sino nang mas naka-angat saakin?"

Niña's voice getting louder. Oh no, Lucas hates that.

"Stop shouting! Hindi mo ba maintindihan na ayoko na sayo? Tapos na tayo dahil niloko mo lang ako. Didn't you realize that he is my bestfriend pero sya pa ang pinatulan mo. Why Niña? because I am not around? Matagal na 'kong nakalimot. Please, leave me alone. Ayoko na."

So ayun pala ang dahilan ng break-up nila?

Hindi ako makapaniwala. Si Niña? Magloloko?

"Lucas I am not perfect please let me fix all of these!"

Never Considered Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon