Gabi na. Apat na oras bago matapos ang kaarawan ko. Pumikit muna ako at nanalangin ng taimtim. Nagpapasalamat parin ako sa Dios dahil kahit ganito, marami paring blessings ang dumadating sa buhay ko.

Kahit may ganito akong karamdaman, nagagawa ko paring mairaos ng masaya at makabuluhan ang bawat araw na nalalabi sa buhay ko.

Kahit alam 'kong malapit nang dumating ang oras na mama-maalam na ako sa mga mahal ko.

At kahit alam 'kong kailanman wala na akong pag-asang gumaling, magtitiis parin ako at gagawin 'kong maganda ang bawat araw na tatahakin ko.

~

"Vanessa? Gising kana. Vanessa?"

Nagising ako sa ilang pagtapik saakin ng aking pinsa----

"Rodora?! Nandito kana!?"

"Oo!" Masaya 'kong niyakap si Rodora.

"Na-miss kita! Sana hindi mo nalang ako iniwan!"

"Sana nga, Essa. Sana naging matapang nalang ako. Hindi ka sana nagkaganito. Kamusta na ang pakiramdam mo? Alas-dos ng madaling araw ng pumunta ako dito. Dito na rin ako natulog. Kamusta ka?"

"Maayos na ang pakiramdam ko. Hindi na ako nahihilo. Salamat sa  pag-punta mo Rodora."

"Alalang-alala ako sayo. Mabuti nalang at tinawagan ako ni Blaster para ipa-alam ang kalagayan mo."

Blaster?

"Oh sya, kumain kana agad, essa. Kailangan maging malakas kana ulit......"

"Lalakas pa ba ako? Konting panahon nalang, mamimiss kita. Mahal na mahal kita, pinsan. Lagi 'mong tatandaan yan."

"Essa wag mo naman akong paiyakin! Wag 'mong intindihin yun, basta kailangan maging masaya at malusog ka araw-araw okay? Come on! Kain kana!"



"Aayusin ko na ang mga gamit mo. Pwede kana raw umuwi sabi ng doctor."

Napangiti nalamang ako ng marinig ko iyon. Sa wakas, back to normal na ulit ang buhay ko!

Matapos ang ilang oras ay tuluyan na naming nilisan ang lugar na iyon. Sayang nga! Hindi ako nakapag-paalam kay Nurse Crystal! Tsk!

Narito na ulit kami sa condo ko! Namiss ko 'to! Nawala lang ako ng tatlong araw parang nawala na rin ako ng tatlong taon! Haha!

Kaagad akong humiga saaking malambot na kama at tuwang-tuwang tinignan ang aking cellphone. Hindi ko to nabuksan dahil nasa hospital ako.

Pag-bukas ko sa twitter,

Omg! I have 50k followers, and many people messaged me to greet me a birthday message!

Woah! Sobrang daming bumati!

Para makabawi, isa-isa ko talaga sila ng nireplyan. Ang daming natuwa kase napansin ko daw sila.

Nalaman rin pala nilang na-ospital ako. Nalaman rin nilang dinalaw ako ng spades sa hospital. Ang daming kinilig ang iba'y nainggit.

Ngunit mas nakakuha ng atensyon ko ang mga taong gumagamit ng hashtag na:

#VanBlas ❤

Which means......Vanessa and Blaster. Nagscroll ako ng nag-scroll. Ang daming umaagree sa #VanBlas. At ang iba'y pinagcoconnect ang picture ko at ni Blaster.

Sinikap 'kong mareplyan at mai-like ang lahat para malaman nilang na-appreciate ko sila.

Nagtweet naman ako ng:

"I'm back! Thank you so much guys! I appreciate you so bad! Medyo nahihilo parin pero ayos lang! Kakayanin!"

After 10 minutes, I got 6, 891 likes and 459 retweets.

Never Considered Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon