Nung nakita ko pala yung trailer ng Insidious 4 sa maliit na screen, pakiramdam ko may biglang susulpot sa gilid ko kapag nasa loob na kami.

Baka biglang may kumalabit sakin. Or baka may humila sa paa ko!

"Ano, tara na?"

Loko-loko to si Blaster. Parang hindi natatakot. Excited na excited pumasok. Ayoko pa nga eh! Natatakot ako!

"Ha....sige....tara"

Ang upuan namin ay sa bandang gitna. Nagtwitter muna ako habang naghihintay.

"Mahilig ka talagang magtwitter?"

Napatingin ako sakanya, "Twitter is life ako eh!"

"Kaya pala. I-tweet mo, AT THE MOMENT WITH SUPER POGING BLASTER! dali! Hahahaha"

"Ano? Okay na sana eh bakit may super pogi pa?"

"Bakit? Totoo naman ah?"

"Totoo ka dyan."

"Bakit? Hindi ba totoo?"

Lumapit sya sa mukha ko. Sobrang lapit. Dalawang urong nalang, magkikiss na kami.

Nagulat ako at na-stunned lang. Nakatingin ako sa mga mata nya. Kahit madilim, kitang kita ko ang magaganda nyang mata.

Bigla 'kong inurong ang aking mukha at inirapan sya.

"Manood na lang tayo, bwisit ka."

~

Sa unang part palang, alam 'kong may nakakatakot na nalalabas. Kaya agad akong nagtakip ng mukha.....

Ayan na, nawala yung bata.....
May kinakausap yung bata....

"WAAAAA!!!!!!" Napasigaw ako sa gulat ng biglang nagpakita ang nakakatakot na bata.

Takang-taka namang tumingin sakin si Blaster. Nung una tinatawanan nya lang ako.

Sa gitnang part, eto nanaman! Biglang bumukas yung pintong pula at lumabas yung kapreng may susing daliri.

"WAAAAA!!!!!!! WAAAAAA!!!!!!" napadoble na ang sigaw ko sa sobrang takot.

Napa-harap ako sa braso ni Blaster at hinihintay na matapos ang nakakatakot na scene.

"Uy, okay kalang? Mukhang aatakihin kana ah" natatawang tanong ni Blaster.

"Hindi ako nanonood ng horror sa sinehan. First time ko to...."

"Ano?!"

Ang bango bango nya. Dito na lang ako hanggang matapos yung palabas.

Charot.

Eto na, last part na. Natutulog na yung matanda. Siguro naman wala na talagang lalabas dito dahil nawala na yung kapre na may susing daliri. Whew! Grabe di ko kinaya. Hindi na talaga ko manonood ng nakakatakot sa sineha-----

"WAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!"

napasigaw nanaman ako at biglang napahawak sa kamay ni Blaster.

Nagulat ako dahil biglang humigpit ang hawak nya. Ininterwine nya ang mga daliri namin na ikinagulat ko.

Ayan! Hindi ko na tuloy alam kung matatakot pa ba 'ko o kikiligin! Bwisit!

"Ano yun? Bakit may biglang ganun?" inis na tanong ko.

Tumatawa sya at nakahawak parin sa kaliwang kamay ko. Bakit ba ayaw nya kong bitawan?

"Hahaha ewan ko. Ang ganda kaya"

Oo tama ka, Blaster. Sobrang ganda. Sobrang ganda ng ngiti mo. At ang sarap sarap 'mong titigan.

"Tapos na? Ta--tara na..."

Never Considered Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon