Kabanata 2
"Josh ano ba? Tara na!" Sigaw ng ate ko.
"Oo na. Pababa na nga eh." Natatamad kong sabi.
Papunta kasi kami ngayon sa boutique ng kaibigan ni Mama. Doon sya nagpagawa ng suite na gagamitin ko sa ball two days from now. Susukatin ko sya ngayon para maadjust kung sakali.
Kung pwede lang talaga na hindi na umattend sa pesteng ball na yan eh ginawa ko na. Kaso hindi pwede eh. Required kaming pumunta ron. May grades! Para sa grades!
"Yan! Perfect!" Giliw na sabi ng ate ko pagkaharap ko sa kanya suot-suot ang suite.
"Ang gwapo nitong kapatid mo, Janica. Manang mana sa Mama nyo." Kumplemento ng bakla.
"Syempre naman, Sugar." Pagmamayabang naman ni Ate.
Napaismid na lang ako sa usapan nila. Yeah. Gwapo nga raw ako pero hindi naman ako gusto ng babaeng mahal ko, eh anong mangyayari sakin nyan? Gwapo na lang ganon?
"Oh, hubarin mo na yan Josh. Masyado kang nasiyahan."
Tamad na tamad ulit akong pumasok sa fitting room para magbihis. Aish. I hate it.
Paglabas ko ay naabutan ko ang Ate ko na nagtitingin-tingin ng mga damit at pinapatong sa katawan nya. Para bang tinitignan kung babagay sa kanya.
"Te, tapos na."
Humarap sya sa akin at nangunot ang noo. "Bakit ba parang tamad na tamad ka sa buhay mo?" Tanong nya.
"Wala." Nag-iwas ako ng tingin.
"Bala ka sa buhay mo." Sabi nya at nag walk out.
Kawalk out walk out ba talaga ako?
Naiiling lang ako na sumunod sa kanya. Pero napahinto ako sa paglalakad ng tinawag ako nung bakla.
"Joshua." Malambing nyang sabi.
Lumingon ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay.
"Kung gipit ka... punta ka lang dito ha?" Sabay ngiti nya.
Napangiwi ako at iniwan na sya doon. Jusko. Kung magigipit man ako, mas pipiliin ko nang maging pulubi kesa sa lumapit sa kanya. Nakakaloka sya.
Tonight is the night where the ball will be held. Nandito na ako sa school ground. Marami ng tao. May ginawa silang stage doon at maraming ilaw. Maganda ang pagkaka ayos ng bawat detalye. May mga mesa at upuan sa may bandang gitna. Ang buffet table naman ay nasa bandang kaliwa dahil ang technical staff ang nasa kanan.
Umupo ako malapit sa buffet table. Siguro ay mga dalawang table ang pagitan. Dito na lang ako uupo, para naman madali lang sa akin na kumuha ng pagkain, hindi ako masyadong kita. Dito na rin ako uupo dahil... wala akong date ngayon. Ako lang mag-isa. Karamihan kasi sa mga may date ay nasa may bandang gitna. Eh di sila na may date. Ano naman? Parang yun lang. Psh.
Ilang minuto pa ang nakalipas ng mag-umpisa ang naturang ball. Luminga-linga ako pero hindi ko makita si Megan maski si Jenna. Kainis naman.
All through out ng event ay nakapalumbaba lang ako. Tagal naman matapos nito. Nagugutom na ko. Ang sarap pa naman ng pagkain nila doon.
BINABASA MO ANG
Pansamantala (COMPLETED)
Teen FictionNot everything you want will be given to you even how much you excert efforts. And when the time comes, you should learn how to accept whatever may happen.