Kabanata 11

24 3 0
                                    

Kabanata 11

"Uy... sorry na." Sabi nya habang kinakalabit ako.

Hindi ko sya pinansin. Tuloy pa rin ako sa paglalakad na parang wala akong kasama. Pero kahit hindi ko sya pinapanain, pinakikiramdaman ko pa rin sya. Baka mamaya kung ano na lang ang mangyari sa kanya kung tuluyan ko syang hindi papansinin eh.

Tatlong araw na ang lumipas simula noong nasapak ko yung Geo na yon. Maswerte ako kase  asa gazebo kami nung araw na yun kung hindi, baka suspended na ako ngayong araw. Hindi rin naman nagsumbong yung loko sa mga teachers nya. Duwag naman pala ang isang yun. Sa salita lang magaling pero kapag gagawa na, aatras. Pwe.

Yung mga pasa ni Megan ay unti-unti na ring nawawala. Hindi na sya gaanong pansinin dahil nagfefade na iyon. Hindi na rin daw masakit pero kapag nilapitan mo ang tingin sa braso nya ay makikita pa rin ang bakas non.

Simula noong nasapak ko si Geo, medyo lumayo ako kay Megan kagaya ngayon. Ako yung nahihiya sa ginawa ko kay Geo imbis na sya ang mahiya sa ginawa nya kay Megan. Akala ko hindi na ako papansinin ni Megan at magagalit sa akin dahil sa ginawa ko sa Geo na yun pero kabaliktaran ang nangyari. Simula noon ay lagi na akong sinusuyo ni Megan. Lagi syang nagsosorry dahil sinisisi nyq raw ang sarili nya. Kung hindi daw dahil sa kanya ay hindi naman daw ako mapapa away.

Siguro nga, kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako mapapa away, pero pakiramdam ko, obligasyon kong ipagtanggol sya. Kailangan at dapat ipagtanggol sya. Siguro naman kung iba ang makakakita sa kanya ng araw na yun ay gagawin ang ginawa ko lalo na at dehado sya sa Geo na yun. Ewan ko ba sa babaeng 'to, sinasaktan na sya ni Geo, humahabol-habol pa rin.

Napatigil ako sa paglalakad ng maramdam kong hindi na nakasunod sa akin si Megan. Nilingon ko sya at tama nga ako, wala na sya. Nilinga-linga ko ang buong paligid pero hindi ko sya makita sa dagat ng tao. Break time ngayon at marami talagang estudyante sa ganitong oras. Nasaan naman ang isang yun? Nako naman talaga.

"JOSHUA!" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. "Sorry na. Forgive me, please." Inabot nya sa akin ang pinitas nyang santan na nakatanim sa buong school. "Uy, sorry na nga eh."

Kunwaring galit kong kinuha ang santan na inabot nya at nagkunot noo. "Pumitas ka pa ng santan dyan. Mamaya ay may nakakita sayong care taker dyan, tapos ako ang mapapagalitan kase ako ang may hawak." Kunwaring inis na sabi ko. Well, part of that are true. Nakakatakot kaya ang care taker ng school.

Tila naunawaan nya ang ibig kong sabihin at nanlaki ang mga mata nya. Dali nyang kinuha sa akin ang santan at tumakbo sa malapit na basurahan at itinapon iyon. Bumalik sya sa akin na parang walang nangyaring pagpitas nya ng santan.

Ngumiti sya sa akin. "Sorry na ha? Bati na tayo?" Pangungulit nya.

"Ayoko." Ani ko at nilagpasan sya.

Lumingkis naman sya sa braso ko at isinandal ang ulo nya sa balikat ko habang naglalakad. "Uy sorry na eh. Sungit naman ne'to." Pagmamaktol nya.

"Ako pang masungit?"

"Joke lang, 'to naman di mabiro. Ang bait mo kaya." May bahid ng sarkasmong sabi nya.

Tago naman akong napangiti. Alam ko na naman na alam nya na hindi ko sya kayang tiisin. Alam ko rin naman na nag-iinarte lang ako. Bakit ba? Masama bang maramdaman ko rin naman na ako yung sinusuyo? Aba, lalaki ako at sa panahon natin ngayon, laging lalaki ang nanunuyo kesyo tama o mali kami. Kami ang nagpapakumbaba dahil... yeah, moody ang girls.

Pansamantala (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon