Kabanata 15
It's the day that I will confess to her. Kailangan kong masabi ang nararamdaman ko para sa kanya para maging aware sya. Hindi ko kayang may ibang lalaki ang nagkakagusto sa kanya. I can't stand on the thought that she will like another man except me. Hindi ko kakayanin.
"Uy? San ba tayo pupunta?" Tanong ni Jenna habang naglalakad kami.
Nasa mall kami ngayon dahil may two hours kaming vacant. "May bibilhin lang."
"Eh ano nga?" Kunot noo nyang tanong.
"Basta sumama ka na lang."
Pagkarating namin sa isang boutique ay agad akong pumasok doon at nagtitingin ng magandang bilhin.
"Huy? Bakit tayo nandito? Sinong bibigyan mo ng bulaklak?"
Yes. We are here in a flower boutique. Balak ko kasing ibigay ito kay Megan mamaya kapag nakapagconfess na ako.
"Mamili ka ng dalawang bouquet na maganda. Yung maganda ah?" Sabi ko sa kanya habang tumitingin-tingin din.
"Bakit dalawa?"
"Basta mamili ka na lang." Pagalit kong sabi. Daming tanong eh.
"Tanginang 'to, ikaw na nga lang nag-uutos. Che!" Sabi nya at naglakad palayo.
Kaya ko sya isinama rito dahil babae sya at kapag pumipili sila ng isang bagay para sa iba, ina-apply muna nila sa sarili nila. Para bang tinatanong na muna nila ang sarili nila na kung yun ba yung ireregalo sa kanya, magugustuhan nya ba? Parang ganun. Tsaka mabusisi sila sa mga bagay-bagay. Talagang pipiliin nila ang maganda.
Pumunta sya sa harap ko nang nakasimangot habang hawak-hawak ang dalawang bulaklak. "Ayan na ho, ser."
Ang isang bouquet ay purong red roses at ang isa naman ay assorted na bulaklak. Napangiti ako. It is very beautiful. Kinuha ko sa kanya ang dalawang bouquet at dinala ito sa counter.
"Thanks." Nakangiti kong sabi sa kanya pero inirapan nya lang ako.
Binigyan ako ng staff ng boutique ng dalawang card at pen pagkatapos ay umalis sya. Tumingin ako kay Jenna na nasa tabi ko pero tinitignan ang bulaklak na nasa tabi nya.
"Jen?" Tawag ko.
"Oh?" Sagot nya nang hindi tumitingin sa akin.
"Kung ikaw bibigyan ng bulaklak, anong gusto mo?"
"Ewan. Basta kahit ano, maa-appreciate ko naman." Sabi nya habang nakatingin pa rin sa bulaklak.
Napangiti ako at tinuon ang atensyon ko sa card. Nang matapos ko ng sulatan ang dalawang card ay tinignan ko ito pareho, magkamukha ng design ang dalawang card. Napahatsing si Jenna kaya naman nabitawan ko ang dalawang card. Nagsorry naman sya at nginitian ko na lang. Kinuha ko na ang dalawang card at nilagay ko na ito sa pagitan ng mga bulaklak, baka mamaya tuluyan ng mawala eh.
"Tara na." Aya ko.
Pagbalik namin sa kotse ay nilapag ko ang red roses sa back seat at saka ang assorted na bulaklak hanggang sa makasakay kami ni Jenna.
BINABASA MO ANG
Pansamantala (COMPLETED)
Teen FictionNot everything you want will be given to you even how much you excert efforts. And when the time comes, you should learn how to accept whatever may happen.