Kabanata 12
"So, LQ kayo ngayon. Ganern?" Tanong ni Jenna pagkatapos kong ikwento sa kanya ang buong pangyayari.
Dalawang araw na rin ang lumipas simula noong nagalit sa akin si Megan ng hindi ko alam ang dahilan. Hanggang ngayon ay hindi nya pa rin ako kinakausap. Nagkakasalubong kami sa hallway pero para lang ako hangin na nadadaanan nya. Tuwing tinatawag ko naman sya ay hindi sya lumilingon at patuloy lang sa paglalakad. Hindi naman ako makapunta sa bahay nila dahil nga sa Mama nya.
Sa dalawang araw na lumipas, ngayon ko lang din nasabi kay Jenna ang buong pangyayari. Kahit pinipilit nya akong magkwento ay iniiba ko ang topic tapos wala na syang magagawa kung hindi ang sabayan ako dahil alam nyang hindi talaga ako magkukwento kung ayaw ko.
Kumakain kami ngayon sa canteen at napagpasyahan ko na ikwento na sa kanya ang tungkol sa amin ni Megan.
"Hindi naman LQ. Wala namang kami."
"Wushu. Ewan ko sayo." Uminom sya ng tubig at saka pinunasan ang bibig nya. "Seryoso nga. Hanggang ngayon, di ka pa rin pinapansin?"
Umiling ako at nilaro ang pagkain ko. "Hindi. Kahit text at call, wala."
"Kawawa ka naman lover boy. Naiitsapwera ka kapag hindi ka na kailangan. Tsk tsk." Sabi nya at umiling iling.
Binilog ko ang tissue na hawak ko at ibinato sa kanya. Nang iinis pa eh. "Gago ka."
Bigla namang syang natawa at binato rin sa akin ang tissue na may dobleng lakas. "Gago ka rin. Minura kita? Bwisit 'to."
Tumayo sya at pinagpag ang palda at damit nya. "Tara na. Malelate na tayo."
Walang gana akong tumayo sa upuan ko at kinuha ang bote ng tubig na binili ko kanina. Kailangan ko lang talaga ng kausap ngayon, kung hindi, mababaliw ako. Galit sa akin si Megan tapos galit pa sa akin si Jenna. Buti na nga lang ay nagka ayos na kami ni Jenna. Kahit papaano ay nabibigyan nya ako ng advice kung ano ang dapat na gawin ko.
Ang mga dumaang lesson ay wala lang sa akin. Hindi ko naintindihan ang mga itinuro ng teachers namin. Naka tingin ako sa board pero lumilipad ang utak ko. Nagsusulat ako pero hindi tungkol sa lesson kung hindi doodle. Minsan ay natutulala pa ako sa labas ng bintana at mapapabalik lang sa ulirat kapag sumisigaw ang teacher na nagdi discuss ng lesson sa harapan.
Nang mag-uwian na ay dinaanan ko na muna si Jenna sa classroom nya dahil wala na akong kasabay bumaba. Nauna na raw si Megan umuwi sabi ng mga kaklase nya.
"Jen." Tawag ko sa kanya.
"Oh? Bakit?" Tanong nya habang nagliligpit ng gamit.
"Sabay tayo bumaba." Nakangiti kong aya.
Sinarado nya muna ang bag nya at lumapit sa akin. "Sorry Josh. May tatapusin kaming roll play ng mga kagrupo ko. Baka matagalan pa akong umuwi. Mauna ka na."
Nawala ang ngiti ko sa labi. "Ganun ba? Okay lang. Una na ko. Good luck." Sabi ko at matipid na ngumiti.
Napatigil ako sa paglalakad ng maramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko sa bulsa ko kaya nilabas ko ito.
BINABASA MO ANG
Pansamantala (COMPLETED)
Teen FictionNot everything you want will be given to you even how much you excert efforts. And when the time comes, you should learn how to accept whatever may happen.