Kabanata 19

23 2 0
                                    

Kabanata 19

[ Oh ano, Mendez? Pupunta ka ba? ] tanong ni Coach mula sa kabilang linya.

Napakamot naman ako sa ulo ko. "Sige. Sige po Coach. Pupunta po ako."

[ Akala ko hindi ka talaga pupunta eh. Oh sya, sige na. ]

Pagkatapos ng tawag ay agad kong isunukbit sa balikat ko ang backpack ko at agad na bumaba. Magkakaroon kasi ng reunion ang team. Pang 5th year na kasi naming magkakasama. Simula kasi noong 1st year ay kami-kami na talaga ang magkakasama sa team, hindi nababawasan at patuloy na nadadagdagan. Syempre bawat year na lumilipas, may mga freshmen sa team namin. Kaya lang ang magaganap na reunion ay para lang sa mga seniors ng team. Yung mga dumating sa team noong 1st year to 2nd namin. Kung baga, yung nga naunang batch.

Nagulat nga ako ng personal pang tumawag sa akin ngayon. Tumawag na rin kasi ang iba kong mga ka team mates para ayain ako pero hindi ko naman sila masagot ng deretso kung sasama ba ako o hindi. Hindi naman sa ayokong pumunta, kaya lang, masyado na akong maraming ginagawa. Kaya rin siguro nakarating kay Coach ang rumor na hindi ako sasama dahil na rin sa kagagawan nila. Napatawag pa tuloy si Coach. Alangan namang hindian ko si Coach.

"Josh, papasok ka na anak?" Tanong ni Mama.

Nginitian ko sya at tumango. "Opo, Ma." Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa noo. "Una na po ako, Ma."

Ngumiti naman sya sa akin at pinunasan ang noo ko kahit wala namang dumi doon. "Mag-iingat ha?"

"Yes, Boss." Natatawang sabi ko.

Dumeretso agad ako kila Megan kaso hindi ako huminto sa harap ng bahay nila. Nakauwi na raw kasi ang Mama nya. Though hindi nya na pinapansin, napag-iinitan pa rin daw sya ng Mama nya. Mahirap na kapag makita ako ng Mama nya, mas pag-iinitan si Megan. Ilang bahay lang ang layo ko sa kanya kaya madali nya akong makikita. Tsaka, dito rin naman ako laging nakaparada nitong mga nakaraan dahil nga umuwi na ang dragon—este ang Mama nya.

Napangiti ako ng makita ko nang naglalakad papalapit sa pwesto ko si Megan. Hindi ko na sya pinagbuksan pa ng pinto dahil pinagbawalan nya ako. Baka daw kasi mahuli at makita pa kami ng Mama nya.

"Morning, Josh." Sabi nya habang kinakabit ang seatbelt.

"Good morning. Have you eaten your breakfast?"

"Yup yup yup. Ikaw?"

Sa totoo lang hindi pa pero... mas dadami ang tanong nya kaya naman, "Yeah."

"Good."

Habang nasa biyahe ay napag-usapan namin ang tungkol sa mga bagay-bagay. Mga plano namin sa buhay after college at kung ano-ano pa. Napag-usapan na rin namin yung tungkol sa plano ni Kuya Mico. So far, nakabili na raw si Kuya Mico ng condo unit nya kaya pwede ng tumira doon si Megan pero wag daw muna. Aayusin muna daw ni Kuya Mico ang unit bago patirahin si Megan doon. Gusto nya raw kasi na maayos na ang lahat kapag nakalipat na si Megan doon. Ayaw daw nyang may problema pa.

Malapit na kami sa school nang maalala ko yung tungkol sa reunion. Ang sabi ni coach ay sa isang beach daw gaganapin ang reunion. Kumpleto ang lahat at pwedeng magsama ng kaibigan. Magkikita-kita na lang daw kami sa tapat ng school namin noong highschool after class atsaka kami maghihintay para sa iba. Inalam na rin nila ang schedule ng mga kasama namin para kung sakaling matagal pa sila ay susunduin na lang sila roon, sayang ang oras kapag hinintay pa sila.

Ipinarada ko muna ang kotse sa parking lot bago humarap kay Megan at pigilan sya sa pagbaba.

Hawak-hawak ko ang left wrist nya nang taka syang tumingin sa akin. "Bakit Josh?"

"Ahm..." shet! Pano ba 'to? "Free ka ba simula Friday after class mo hanggang Sunday?" Shet!!! Pano kung hindi? Eh ngayon pa lang naiisip ko na yung gagawin kong pag-amin sa kanya sa beach. Siguro naman, romantic na yun lalo na yung malapit sa dagat? Sa ilalim ng bwan? May mga kandila sa paligid at mayroong nakakalat na rose petals? Tsaka ako aamin sa kanya. Romantic na ba yon? Eh paking tape! Pano kung hindi sya pwede? Alam ko, medyo busy talaga ang schedule ng isang estudyante lalo na kung Med student. Pano na?

Saglit syang lumingon sa labas at saka tumingin sa akin. "Free naman, bakit?"

F-Free daw sya? Napahawak ako sa dibdib ko at nakahingang maluwag at nagbuntong hininga. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. Buti naman.

"Huy? Anyare sayo?"

Agad naman akong napatingin sa kanya. "Ha?"

Binigyan nya lang ako ng bakit-look. "Ah... mayron kasing reunion ang team. Aayain sana kita."

Nanlaki ang mga mata nya at lumawak ang ngiti nya. "Talaga?" Tumango ako. "Wahhh. Omo. So, makikita ko ulit sila Coach?" Ngumiti naman ako at tumango. "Hala! Sige! Sige! Sasama ko!"

Ohyas beybe! This will gonna be the step 1 of my plan. At sisiguraduhin ko na hindi na ako papalpak ngayon. Sisiguraduhin ko na masasabi ko na ang totoo kong nararamdaman para kay Megan.

[ Mendez? Nasaan na kayo? ] tanong ni Coach sa kabilang linya.

Tumingin muna ako kay Megan na nasa passenger's seat bago sagutin si Coach. "On the way na po, Coach."

Narinig ko pa ang pagtawa ni Coach kaya napangiti rin ako.

[ Sinisigurado ko lang, Mendez. Baka mamaya eh pinaasa mo lang kami eh. ]

Bahagya naman akong napatawa. "Matatanggihan ba kita, Coach? At saka, kailan ka pang natutong humugot, Coach?" Natatawa kong tanong.

[ Bakit? Hindi ba bagay? ]

"Hindi Coach eh. Try nyo na lang ulit sa susunod." Pang-aasar ko pa.

[ Loko kang bata ka. Sige na, bilisan nyo. Iwanan ko kayo eh. ]

"Sige na Coach. Bye."

"Nandoon na raw sila?" Tanong ni Megan.

Saglit akong sumulyap sa kanya bago ko ibinalik ang tingin sa daan. "Nandoon na si Coach pero hindi ko alam kung kumpleto na ang mga kumag."

"Yiieee. Excited na ko." Sabi pa nya habang pumapalakpak.

Pagdating namin sa school ay may isang malaking van ang nakaparada sa harap. Siguro ay doon sila sasakay mamaya. Pagdating namin ay hindi pa kumpleto ang mga ugok kaya naman naghintay pa kami. Nang makumpleto naman ay naging maingay lalo ang paligid dahil sa asaran ng bawat isa. Maging si Coach at Megan ay nakisali na rin sa asaran.

Dahil masyado kaming marami, ang freshmen ay sa van nakasakay kasama si Coach. Samantalang kami naman ay nakasakay sa mga sasakyan namin, convoy tuloy ang nangyari. Dahil malayo pa ang byahe ay pinatulog ko na muna si Megan at sinabihang gigisingin na lang kung kinakailangan.

Shit. Kailangan kong mapaghandaan nang mabuti ang gagawin kong pag-amin kay Megan mamaya. Its now or never na mga tsong! At sa ilang beses na pagiging epic fail ng mga plano ko, sa tingin nyo ba hahayaan ko na lang na maging epic fail na naman 'to? No no no way highway.

***

VOTE. COMMENT. SHARE

~ Reiniebels ;)

Pansamantala (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon