Kabanata 13
Dahil sa naganap na away namin ni Geo sa canteen ay parehas kaming napatawan ng suspension. Sya ay for one week at ako naman for three days. Pangalawang araw na ng suspension ko at halos maburyong na ako rito sa bahay.
Hapon na at malapit na ang uwian nila Megan. Kahapon din ay ganito lang ang ginagawa ko habang nakahiga sa kama. Tuwing tumitingin ako sa orasan, naiisip ko kung may pasok ako ng araw na iyon, ganito ganyan ang ginagawa ko. Tuwing pumapatak ang oras ng break time, ganitong oras kumakain na ako sa canteen, kasama si Megan o si Jenna.
Bago ako napatawan ng suspension ay pinatawag muna ang mga magulang namin. Hindi naman nagalit si Mama at Papa ng sabihin ng guidance counselor na suspended ako. Nagalit sila kay Geo dahil sa ginawa nya kay Megan at sa akin. Isususpend din sana ng counselor si Megan pero hindi iyon hinayaan ni Mama at Papa. Wala naman daw kasi syang ginawang masama kaya hindi dapat sya masuspend. Hingi ng hingi ng paumanhin ang magulang ni Geo sa amin at kay Megan pero puro tango lang ang isinasagot namin. Maybe, we forgive him, yes. But not whole heartedly. Hindi naman na sila umapila ng masuspend si Geo for a week. Aminado naman daw kasi sila na may ibang ugali ang anak nila.
Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito. Iniluwa noon si Mama. Hindi sya tuluyang pumasok at sumandal lang sa pinto.
"Hindi ka ba talaga lalabas dyan, Joshua?"
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumingin sa kisame. "Wala naman akong gagawin, Ma. Dito na lang ako."
"Talaga? Kahit nandyan sa baba si Megan?" Mapanuya nyang tanong.
Napatingin naman ako sa kanya nang nanlalaki ang mga mata. "What did you say, Ma?" Tanong ko habang nakahiga pa rin.
"She's downstairs." Nakangiting sabi nya. "Go, fix yourself. Naghihintay na sya sayo." Huling sabi nya bago isara ang pinto at umalis.
Dali akong naligo at nagbihis. Bago bumaba ay tinignan ko pa muna ang sarili ko sa salamin. Nang sapalagay ko ay maayos na ang itsura ko ay dali na rin akong bumaba.
Naabutan ko si Mama at Megan na masayang nag-uusap habang naka upo sa couch. May cookies sa table na malamang ay ni-bake ni Mama. Tuluyan na akong bumaba at napatingin naman sila sa akin. Megan smiled at me and I smiled back. Naupo ako sa single couch na katabi ng couch na inuupuan nila.
"Oh pano, iwan ko na muna kayo." Ani Mama bago sya umalis.
Pag-alis ni Mama ay syang tahimik naming dalawa. Walang nagbabantang magsalita sa amin. Nakayuko lang sya habang pinaglalaruan ang mga daliri na nakapatong sa hita nya. Umiwas ako ng tingin nang nakita kong iaangat nya ang ulo nya. Kumuha ako ng cookie na nasa mesa at kinagatan iyon.
"J-Josh..."
Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik na kumakain. Hindi rin ako tumingin sa kanya.
"A-Alam kong... marami n-na akong kasalanan s-sayo. D-Dahil sakin, n-napapa away ka. I am r-really sorry."
BINABASA MO ANG
Pansamantala (COMPLETED)
Teen FictionNot everything you want will be given to you even how much you excert efforts. And when the time comes, you should learn how to accept whatever may happen.