Kabanata 9

31 3 0
                                    

Kabanata 9

It's been 1 hour at hanggang ngayon, hindi pa rin gumigising si Megan. Nakatagilid lang ang pwesto nya dahil sabi ng nurse kanina ay may period sya ngayon. Sumabay pa sa physical pain nya.

Si Kuya Mico ay nagluluto pa rin hanggang ngayon. Hindi ko alam kung bakit ang tagal nyang magluto dahil hindi naman ako makalabas. Natatakot ako. Baka makita ako ng Mama nila, baka lalo lang pagalitan si Kuya Mico. Hindi ko man lang sya matulungan sa paghahanda.

Naguguilty din ako sa ginawa kong ito. Nakita si Kuya Mico ng Mama nila kung saang resto kami nagkita. Akala nya, nagsisinungaling si Kuya Mico kanina. Hindi ko alam kung gusto nya ba talagang lumayas si Kuya Mico dito o nasabi nya lang yun dahil galit sya. But for now, alam kong binabalewala muna ni Kuya Mico ang sinabi ng Mama nya dahil kay Megan. Alam kong nag-aalala na sya kay Megan ngayon. Hindi pa nya nakikita si Megan at alam kong kung ano-ano na ang pumapasok sa utak nya ngayon.

Napalingon ako sa pintuan ng bumukas ito. Tumayo ako at kinuha sa kanya ang tray na may pagkain. Kahit ganito man lang ay natulungan ko sya.

"Kuya..."

He gave me a bitter smile. "Alam kong narinig mo yung mga sinabi ni Mama kanina. Wag mo ng isipin yun."

Lumapit sya kay Megan at hinawi ang pawis na nasa noo nito. Inayos nya rin ang buhok ni Megan na nakaharang sa mukha nya. He checked Megan's body. And there he saw the bruises that I was talking about. May ilan pang sugat na makikita.

"You still asleep eh? You might be so tired huh?" Then a tear fall from his eyes while he's smiling. I don't even know how he could do that. "Just sleep until you want but don't you dare to fall asleep forever. Just sleep until your body recover for what happen then you must wake up."

Napaka sakit na sa akin na ganito ang nagyari kay Megan. Hindi ko matanggap na sa ganitong kamurang edad ay nararansan nya ang bagay na ito. I can't think anything I can do for Megan. But seeing Kuya Mico right now, he is in deep pain than mine. My pain right now is shallow compare to Kuya Mico's. He can't do anything as well as me. He can't report it to police because Megan doesn't want to. He once attempted to report it but Megan threw tantrums. She doesn't want her Mother rot in jail. She still love her Mother even though she is receiving this kind of treatment from her. She still have a kind heart for her Mom. She's still thinking of what may happen to her Mom once she was in jail.

Lumakad ako papalapit kay Kuya. "Kuya... yung sinabi ng Mama mo na umalis ka na rito, does she mean it?" Tanong ko habang nakatingin kay Megan na mahimbing na natutulog.

"Unfortunately, yes."

"Aalis ka?" I look at him.

He gave me a little smile then he nod. "Yeah."

"How about Meg? Ikaw na lang ang kakampi nya rito. Pano na sya kung mag-isa na lang sya?" Tumaas na ang boses ko. Hindi ko maaatim na mag-isa lang dito si Megan. Kung ganito nga na nandito pa sya, ganito na ang naabot nya. What if umalis pa sya? Ano na lang ang mangyayari kay Megan? Baka isang araw mabalitaan ko na lang, patay na sya.

"Hindi ko sya pababayaan. Kukunin ko naman sya kapag kaya ko na. Kapag may trabaho na ko at saka maayos na matutuluyan."

Pansamantala (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon