Kabanata 17

21 2 0
                                    

Kabanata 17

Ilang araw na ang nakalipas at hanggang ngayon, medyo hindi pa rin okay si Jenna. Madalas ay tulala pa rin sya habang nakatingin sa kung saan. Minsan pa nga ay bigla na lang may tumulong luha sa mata nya kaya nataranta ako. Ayaw ko sanang maki alam sa problema nya kasi nga tungkol sa pamilya pero gustong gusto ko na syang matulungan. Nag-aalala ako sa kanya though nakakatawa na naman sya ngayon at nakakangiti, gusto kong makatulong sa problema nya. Kaya lang, baka lalong gumulo kapag naki alam ako.

Pero ngayon, isasantabi ko muna pansamantala si Jenna dahil poproblahin ko muna si Megan. Bawat araw, oras, minuto, at segundo ay may nagcoconfess sa kanya. Yung iba through letters, yung iba naman pakapalan ng mukha na humarap kay Megan. Parami ng parami ang katunggali ko sa bawat paglipas ng panahon at hindi ko gusto yun. Bawat araw, hindi ko maiwasang hindi matakot at kabahan. Natatakot akong baka isang araw, wala na sya sa akin at nakuha na sya ng iba. Kinakabahan, dahil hindi ko alam kung may pangyayarihan ba yung gagawin ko.

Kaya ngayon, gagawin ko na ang pangalawang plano. Actually, wala pa talaga akong plano. Nag-iisip pa lang ako. Wala naman kaming prof ngayon kaya okay lang mag-isip ng malalim. Kalahati sa mga classmates namin ay nagsialisan sa room. Yung iba naman, nanatili at nagkukwentuhan na lang. Si Jenna? Nasa tabi ko at natutulog. Wala tuloy akong mapagkuhaan ng ideya eh.

Nakalabas ang notebook at ballpen ko dahil kanina ko pa sinusulat dito yung mga naisip kong idea.

1. Magtapat sa romantic na lugar.

2. Dalhin sya sa beach.

3. Haranahin sya sa oval.

4. Surpresahin sa bahay nila.

So far, yan pa lang ang naiisip kong mga idea. Kaya lang, bawat idea, may hindi magandang dulot sakin at sa gagawin ko. Baka masira lang ang plano ko.

1. Magtapat sa romantic na lugar.

Kung gagawin ko 'to, ubos ang isang araw sa paghahanda pa lang. Syempre marami ring bibilhin para i-set up ang lugar. Kailangang ayusin at hindi yun kakayanin ng isang araw lang.

2. Dalhin sya sa beach.

Kung ito naman, ang layo-layo ng beach sa amin. Ang pinaka malapit na lugar na may dagat ay aabutin din kami ng isang araw para lang makarating doon. Baka kesa sa sumama sya sa akin ay piliin na lanh namin na magpahinga.

3. Haranahin sya sa oval.

Ito naman masyadong risky. Bawal ang pda sa school at yun ang kinakatakot ko. Kung magpapaalam naman ako sa dean, edi mas madali nyang malalaman ang gagawin ko. Syempre makaka agaw kami ng atensyon kung sakali.

4. Surpresahin sa bahay nila.

Ito naman, masyadong agaw buhay. Ayaw ko pang mamatay ng maaga noh. Malamang nandun ang Mama nya sa bahay nila. Pano ko 'to magagawa? Baka mamaya, mas pag-initan pa sya ng Mama nya. Bakit ko ba 'to sinulat? Tsk.

Ayan. Ayan ang pinoproblema ko simula kanina. Sabado na bukas at wala pa kong naiisip na pwedeng gawin. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip. Halos pigain ko na ngang mabuti yung utak ko eh. Kaso wala na. Latak na.

Sinubsob ko ang ulo ko sa desk ko at pumikit. Taeng buhay 'to. Bakit ba napakahirap umamin sa taong gusto nila? Aamin ka lang naman. Hindi ka naman mamamatay sa pag-amin pero nakakawala sa sarili.

"Huy? Okay ka lang?" Dinig kong tanong ni Jenna. Gising na pala sya.

Tinagilid ko ang ulo ko paharap sa kanya. "Gising ka na pala."

Pansamantala (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon