Kabanata 18

18 2 0
                                    

Kabanata 18

Nung araw ding yun ay inayos ko yung nilagay ko sa oval. Pinalipad ko na rin yung mga lobo na inayos ko kanina. Hinagis ko rin sa malayo yung mga bato na ginamit ko, baka makasagabal sa gagamit ng oval sa Monday eh. Binalik ko na rin sa classroom yung upuan na nilabas ko. Syempre pinunasan ko na muna yung upuan bago ako umalis.

Buti na lang hindi nabasa yung gitara ko. Well, hindi ko naman kasi nilabas yun kanina. Nakalagay pa rin sya sa lalagyanan nya kanina.

Palabas na sana ako ng school ng tawagin ako ng guard na kinausap ko kanina. Nakapayong pa sya dahil wala sya sa guard house.

"Po?" Sagot ko sa kanya.

"Aalis ka na? Dumating na ba yung hinihintay mo? Basang basa ka na hijo." Bakas ang pagkabahala sa mukha nya.

Ngumiti naman ako para maging ayos na rin ang pakiramdam nya. "Hindi raw po sya makakapunta eh. Tsaka, ayos lang po ako. Ang sarap nga pong maligo sa ulan eh."

Bahagya naman syang ngumiti. "Nako, itong batang ito. Oh sya, mag-ingat sa pag-uwi ah?"

Ngumiti naman ako at nag thumbs up. "Opo."

Tumalikod na ako at nag-umpisang maglakad palayo. Hindi pa ako nakakalayo ay bigla na lang lumakas pa ang ulan. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko. Trip kong lakarin pauwi sa bahay kesa sa sumakay sa kotse ko. Ipapakuha ko na lang siguro yun mamaya pag-uwi ko.

Habang naglalakad ako, wala akong ibang maramdaman kung hindi ang pagkirot at pagbigat ng dibdib ko. Bumuhos ang luha ko kasabay ng pagbuhos ng pagbuhos ng ulan. Hindi ko na pinigilan pa ang mga luha ko. Bakit pa eh hindi naman sila makikita dahil na rin sa ulan.

Ewan ko ba. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Sabi ko dati, hinding hindi ako aamin kay Megan dahil alam kong may magbabago sa aming dalawa. Kaya lang, hindi ko maisip na may kasama syang ibang lalaki bukod sakin. Hindi ko kakayaning makita syang masaya sa piling ng iba.

Ito ang mahirap sa mga umaasa. Wala kang kasiguraduhan sa taong gusto mo. Hindi ka mapalalagay dahil baka mamaya isang araw, wala ka na lang sa kanya. Wala ka na dahil meron ng iba. Syempre, manghihinayang ka at hindi mawawala ang mga 'sana'. Sana ikaw ang nasa tabi nya. Sana ikaw yung karamay nya. Sana ikae yung lagi nyang kasama. Sana. Sana.

Mahirap ang umasa sa wala pero mas mahirap ang umasa sa parang meron. Parang gusto ka rin nya. Parang mahal ka rin nya. Parang nagseselos sya. Parang kayo... pero hindi.

Parang gusto ka rin nya, pero concern lang pala sayo. Parang mahal ka rin nya, pero as a friend lang pala. Parang nagseselos sya, yun pala, kailangan ka lang nya at nagagalit lang pala sya dahil nawawala ang atensyon mo sa kanya. Parang kayo... yung tipong talo nyo pa yung couple minsan. Nagsasabihan ng 'i love you' pero wala lang pala. Lagi kayong magkasama pero bonding lang pala. Parang kayo... pero hindi. Hindi kayo. Akala mo lang. Kasi aminin man natin o hindi, kapag gusto natin ang isang tao, syempre sa bawat galaw nya, mag-iisip ka ng higit pa doon at hindi natin maiiwasan yun. Oo maraming nagsasabing 'Nag-assume ka kasi kaya ka nasasaktan' pero hindi naman natin maiiwasan yun. Syempre nandun yung thought na, 'baka'. Baka parehas kami ng nararamdaman. Baka gusto nya rin ako. Baka concern din sya kagaya ko at marami pang iba.

Syempre dahil gusto mo sya, kikiligin ka sa mga simpleng pag-aalala nya sayo. Pero minsan, hindi naman na kasalanan yun ng taong nagkakagusto sayo. Minsan, may kasalanan din sila. Nagbibigay at nagpapakita kasi sila ng mga bagay na hindi nararapat sa 'pagkakaibigan' lang. Kaya hindi maiiwasan ng mga tao na mag-assume dahil binibigyan sila ng mga bagay na hindi naman dapat. Kaya wag nyo isisi ang lahat sa mga sinasabihan nyong 'assuming', hindi lahat, kasalanan namin. Wag kayong ano. Sadyang may mga paasa lang talagang tao at kami itong mga nabiktima at nag-assume at umasa.

Pansamantala (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon