Missing Chapters!

78 2 9
                                    

Missing Chapters!

Jenna's Point Of View

Do you know how painful it was to see your love one hurting? At first, I don't know but I can tell you now at sobrang sakit. Yung bang hindi mo maramdaman kung maaawa ka ba o masasaktan o magagalit.

Kagaya na lang nito ni Joshua. Hindi ko alam kung anong problema nya sa buhay nya at naisipan pa nyang pumunta rito sa kasal ni Megan at Geo. Ang lakas pa ng loob nya at hindi lang basta pumunta sya, KUMANTA PA!

Kanina habang naglalakad ako, kitang kita ko ang itsura ng mga taong nakakakilala sa kanilang dalawa. Yung mga mata nilang puno ng awa, lungkot, awa, pagtataka, panghihinayang lalo na nung nakita nila si Josh. How can I blame them? Eh kahit ako, ganun din ang nararamdaman ko, may kasama nga lang na galit.

Ewan ko ba pero ito lang ata ang kasal na napuntahan ko na hindi ako masaya at napipilitan lang. Labag nga sa loob ko na pumunta rito eh. Itong si Josh lang naman talaga ang mapilit. Tsaka hindi ko rin matanggihan si Megan, para kasing napakasama ko naman para tanggihan ang imbitasyon nya.

Nang matapos ang entourage ay hinanap agad ng mata ko si Josh at hindi naman ako nabigo. Nandon sya sa harapan na parang tangang kumakanta habang umiiyak. Nung time na yon, sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko. Wala na nga akong paki alam kay Megan na naglalakad na papuntang altar.

Kahit na hindi ko 'to kasal, bigla na lang nag-flashback ang mga memories na matagal ko nang kinikimkim.

I remember this memory when I first discover our favorite resto. Mas lalo tuloy ako nainis kay Megan. Tsk.

( KABANATA 1 )

I was walking along the corridor going to Joshua's room when I saw him talking to a girl. Hindi ko sya gaanong namumukhaan, maybe, isa sa mga nagkakagusto kay Joshua. Hindi man sya kasing sikat ng mga varsity players ng basketball, sikat pa rin sya.

Naghintay na muna ako ng ilan pang minuto bago ako lumapit sa kanya dahil bigla na lang tumakbo yung girl. Mukha pa syang bugnot na bugnot.

"San naman ba tayo pupunta?" Iritang tanong nya.

"Wag ka na ngang magreklamo dyan. Daming alam eh. Sumama ka na lang." Iritang sagot ko.

"Parang sasabihin lang kung saan."

Hindi ko na lang sya sinagot pa at hinatak na lang sya papunta doon sa isang resto na malapit sa university na malapit din sa bahay. I just discovered it last day and I must say, sobrang sarap ng mga dishes na inooffer nila. Kaya lang, tinawagan naman sya ni Megan. Ano pa bang magagawa ko? Matik na yun na kapag isa si Megan sa pagpipilian, talo ka na. Walang tanong-tanong.

*****

My first subject that I was marked as late. Medyo napagalitan pa ako nung teacher na yun, jusko.

( KABANATA 8 )

Ilang araw na kaming hindi nagkaka-usap ni Josh dahil sa nangyaring sagutan naming dalawa. Nakaka inis na kasi yung pagiging masyadong martyr nya kay Megan. Yung kulang na lang, ihampas ko yung ulo nya sa pader ng paulit-ulit para matauhan sya.

Napalingon ako sa bintana nang makarinig ako ng mabibilis na yabag ng sapatos. Mula yoon sa dulong room, kung doon galing yon, sa room nina Joshua yon. Nakita ko na lang ang tumatakbong si Joshua. Mabilis ang pangyayari at nakalagpas na sya sa room namin.

Agad akong nagtaas ng kamay ay nag-excuse sa teacher namin at nagpaalam na magccr lang. Hinanap ko si Joshua. Takbo ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa clinic. Kakapasok nya pa lang sa clinic kaya naman marahan akong sumunod. Sumilip ako sa pinto ng clinic at doon nakita ko si Josh habang hawak-hawak ang kamay ni Megan.

Pansamantala (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon