EPILOGUE
After years...
"Josh? Halika ka na. Baka ma-late na tayo." Sigaw ni Mama.
"Pababa na Ma." Sigaw ko pabalik.
Inayos ko ang neck tie ko at pinagpagan ang balikat ng black tux ko. Nang masiguro ko nang wala na akong nakalimutan at binitbit ko na ang maleta ko at bumaba na.
"Ang dami mo namang dala, anak?" Takang tanong ni Papa.
I just shrugged. "Ito na po yung mga kakailanganin ko eh."
Binigyan naman ako ng matamis na ngiti ni Mama. "Is that so?" Tumango ako. "Well, let's go. Kanina pa ang ate mo sa kotse."
"Mukhang mag-eenjoy kayo roon ah?" Malokong sani ni Papa.
Napatawa naman ako. "Mukha nga, Pa."
Lumakad kami palabas ng bahay at nilagay ko na muna ang luggage ko sa trunk ng kotse ko bago sumakay. Nakahiwalay sa amin si Mama at Papa ng sasakyan at kasabay ko naman si Ate.
"Sure ka na ba sa plano mo?" Biglang tanong nya habang nilalaro ang pamangkin ko.
"Yep." I simply answered. "Saan asawa mo?" Pag-iiba ko ng topic.
"Sabi ko sa kanya doon na maghintay sa church eh."
Naging tahimik ang naging byahe namin. Nakatulog na rin kasi si Baby kaya tahimik na rin si Ate. Habang papalapit kami ng papalapit sa pupuntahan namin ay mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko at panlalamig ng kamay ko.
Nauuna sa amin ang kotse ni Mama at Papa. Mas mauuna silang magpark kesa sa amin kaya naman may spare time pa ako to compose myself. Tanaw na tanaw ko na ang simbahan na napaka ganda ng pagkaka-ayos. Maraming tao sa labas na busy sa pagkuha ng pictures at pakikipag-usap. May mga mukha na bago dahil naging kaibigan namin noong nakaraang taon lang. May mga mukha namang luma HAHAHAHA. Sila yung mga dati pa naming kilala.
"Let's go?" Tanong ni Ate.
I nod at sabay kaming lumabas ng kotse. Nauna sa paglalakad si Mama at Papa paakyat sa pinto ng simbahan kung saan maraming tao.
"Nandyan na ang groom!" Sigaw ng isa.
Inalalayan ko si Ateng umakyat dahil mataas ang heels nya tapos naka dress pa. Isama mo pa na may bitbit syang baby.
"Nasan na ba ang asawa mo, ha?" Tanong ko habang inililibot ang mata ko.
"Nako. Teka, tatawagan ko."
"Oh. Akin na muna si Baby." Kinuha ko sa kanya ang pamangkin ko at hinayaan syang tawagan muna ang asawa nya. Bumalik din sya agad at kinuha sakin ang anak nya. "Nandun na sya sa loob. Puntahan lang namin." Sabi nya at tumango ako.
BINABASA MO ANG
Pansamantala (COMPLETED)
Teen FictionNot everything you want will be given to you even how much you excert efforts. And when the time comes, you should learn how to accept whatever may happen.