Kabanata 6
"Dear Lord, salamat po sa paggabay nyo po sa amin papunta sa event na ito. Nawa po ay gabayan nyo rin po si Joshua sa kanyang laban sa araw na ito. Nawa po ay makakuha kami ng panalo mula rito. Hinihiling namin ito sa pangalan ni Hesus..."
"AMEN!" Sigaw naming lahat.
"Brixx! Matalo o manalo si Josh sa labang ito, KAKAIN PA RIN TAYO!" Sigaw ni coach na mas ikinaingay namin. Napapatingin na rin sa gawi namin ang ibang taong malapit sa amin sa sobrang ingay namin.
Nakakahiya pero WALA KAMING PAKE!
"B-R-I-X-X WHO'S THAT?" Tanong ni coach.
"B-R-I-X-X THAT'S OUR FAMILY!" Sigaw namin.
Nilagay ni coach ang kanang kamay nya sa harapan namin at isa-isa naming pinatong ang kanang kamay namin doon.
"B-R-I-X-X THAT'S OUR FAMILY!" Sigaw naming lahat at nagtatatalon.
Ito ang maganda kay coach. Kaya nyang paangatin ang confidence ng team. Pinaparamdam nya sa amin na ayos lang matalo basta ginawa mo ang best mo. Lagi nya ring pinapa alala sa amin na hindi masama ang pagkatalo. Minsan, mas kinakailangan mo pa iyon para mas mapagbuti mo pa sa susunod. Dahil sa pagkatalo mo, malalaman mo kung ano ang mga maling nagawa mo kung bakit ka natalo, at dahil don, mas pagbubutihan mo pa sa bagay na iyon.
Alam kong mahirap para kay coach ang ganitong klaseng sport. Mag-isa lang ang mga alaga nya sa pagsali sa contest at mabigat ang pressure na hatid nun sa kanya. Mas okay sa kanya kung marami kami dahil kayang pagsamasamahin ang mga ideya namin para manalo. Pero sa sport na ito, tanging puso, isip at sarili mo lang ang dala mo. Wala kang maaasahan na sasalo sayo kapag pakiramdam mo, matatalo ka na. Lalamunin mo ang lahat ng pagkatalo mo. Mas nakakahiyang matalo ng mag-isa. Dahil kapag mag-isa ka, wala kang ibang masisisi sa pagkatalo mo. Ikaw at ikaw ang sasalo sa lahat ng iyon. Sayo ang lahat ng sisi.
Nang mag 7 na ay syang umpisa ng laro. Pinapunta kami sa gitna ng gymnasium para bumunot ng number. Pang pito ako sa sasalang. Matagal-tagal pa pero mas nakakakaba. Mas okay na medyo mahuhuli ako dahil mapag hahandaan ko. Makikita ko ang maaaring pagkakamali nila at maiiwasan kong gawin. Pero nakakakaba dahil kapag may mga naunang mas magaling sayo, mawawala ka sa sarili at lalamunin ka ng kaba. Hating-hati ang nararamdaman ko ngayon.
Sa unang round, simple lang ang obstacle. Dadaan ang arrow sa 10 bilog na magkaka iba ng size at kailangang matamaan mo ang bulls eye. Hanggang tatlong trial ang pwede mong gawin pero may bawas na sa puntos. 5 points ang bawas dito. 20 points ang maximum points na pwedeng makuha. Kapag hindi mo natamaan sa bulls eye o hindi mo nagawang maitama sa board ang arrow, automatic ay wala kang points sa round na iyon.
"Joshua Martin Mendez." Anunsyo ng emcee. "From Brixx National High School."
Nagbow ako sa apat na bahagi ng gymnasium. Pagkabow ko sa harapan nila Jenna at Megan ay halatang kabado silang dalawa. Nangisi ako sa mga itsura nila. Para silang natataeng dalawa.
Umikot ako sa kanila at hinarap ang obstacle. Bitbit ko sa kaliwang kamay ko ang pana at nakasabit naman sa likod ko ang lalagyan ng arrow.
Itinaas ko na ang pana ko at kumuha sa likod ko ng isang arrow. Ipinikit ko ang kaliwang mata ko upang mas maganda ang pag-asinta sa target. Nang masiguro ko na, na hindi tatama sa mga bilog ang pana at dederetso sa target ay agad ko itong pinakawalan.
BINABASA MO ANG
Pansamantala (COMPLETED)
Fiksi RemajaNot everything you want will be given to you even how much you excert efforts. And when the time comes, you should learn how to accept whatever may happen.