Kabanata 10
It's Monday again. New day. Start of the week. Monday ang pinaka ayaw na araw ng lahat ng tao. Itong araw na 'to, ang lahat ng tao ay napaka busy. Panibagong trabaho na naman ang kailangang tapusin para sa may mga trabaho. Panibagong lessons at assignments para sa mga estudyante katulad ko.
It's been two days simula noong umalis si Kuya Mico sa bahay nila. I wonder kung saan sya tumitira ngayon. Hindi ko rin alam kung ano na ang nangyari kay Megan simula noong araw na iyon. Nangako ako kay Kuya Mico na ako ang magiging mata at tenga nya pero wala man lang akong balita kay Megan. Hindi nya ako tinatawagan o tinetext man lang. Hinihintay ko lang syang tumawag dahil alam kong sa oras na malaman nya na wala na ang Kuya nya, alam kong tatawag sya sa akin. Ako ang una nyang kakausapin, pero mukhang mali ako. Naging tahimik sya nitong nakaraang dalawang araw.
Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako ng text at tawag nya. O kaya naman ay ang bigla nyang pagsulpot sa harapan ko habang umiiyak at bigla akong yayakapin. Pero wala.
Break time ngayon at naglalakad-lakad ako sa buong campus. Baka sakaling makita ko sya pero hindi ko sya makita. Wala sya sa class room nila pero wala rin sya sa canteen. Sinabi naman ng mga classmates nya na pumasok sya pero mukha pa rin daw syang may sakit kaya nag-aalala ako.
Every now and then ay chinecheck ko ang phone ko, baka sakaling nagtext na. Nilakasan ko rin ang volume ng phone ko pero wala parin. 30 minutes lang ang break time namin at 10 minutes na lang ay mag-uumpisa na ang klase. Ni anino nya, hindi ko pa rin nakikita.
Bumalik ako sa classroom at kinuha ang bag ko. Narinig ko pa ang isa kong kaklase na nagtatanong kung saan ako pupunta pero hindi ko na sya pinansin. Tumakbo ako pababa ng building namin at dumeretso sa oval. Baka sakaling nandun sya. Nabubuhayan ako ng pag-asa dahil hindi ko pa iyon napupuntahan kanina. Pero mukhang mali na naman ako. Hindi ko sya nakita doon.
"Nasaan ka na ba Meg?" Bulong ko sa sarili ko.
Tumakbo muli ako papunta sa library. Baka sakali na naman. Pagdating ko doon ay nilibot ko ang buong library. Bawat aisle ay nilibot ko. Bawat upuan. Umakyat din ako sa second floor pero wala pa rin. Napaupo ako sa isa sa upuan dahil sa kawalan ng pag-asa. Napahawak ako sa noo ko at tumungo sa mesa.
Nawawalan na ko ng ideya kung saan ko sya pwedeng mahanap. Sinubukan ko ulit tawagan ang phone nya pero tanging ring lang naririnig ko. Pinatay ko ito at tumakbo palabas ng library. Ayokong pumunta sa class room nila dahil baka mapagalitan ako ng teacher nila at mapabalik ako sa class room.
Para akong zombie na naglalakad sa kawalan. Lutang ang utak ko. Para na kong nababaliw. May sakit sya at nawawala pero hindi ko sya makita. Pero ang gusto kong mangyari, natupad na. Yeah. Nakita ko na sya. Masaya ako pero malungkot din. Masaya dahil alam kong okay na sya, nakita ko na sya eh. Pero malungkot dahil nalaman ko ang dahilan kung bakit wala sya sa class room nila.
Nasa gazebo sila. Yeah sila kasi dalawa sila. Kasama nya si Geo at halatang naiinis na sa kanya si Geo kakasunod nya. Panay ang hawak nya sa braso ni Geo pero marahas nyang tinatanggal ang braso nya mula sa pagkakahawak ni Megan.
Ang sakit sa puso. Ang sakit na makita syang nagkakandarapa kay Geo. Ang sakit makitang yung taong pinapahalagahan mo ay sinasayang lang ng iba. Ang sakit na yung babaeng hinahabol-habol mo, sa iba naghahabol. Iba yung hinahanap. Yung ginagawa mo naman yung lahat pero hindi ka pa rin nya makita. Hindi ka nya maramdaman. Siguro naman, alam nya yung pagkaka iba yung care ng isang kaibigan sa ka-ibigan.
I smiled bitterly. Tanggap ko na naman sa sarili ko na malabong maging kami, pero tuwing naiisip ko, masakit pa rin eh. Alam ko na wala na akong magagawa pero masakit pa rin. Masakit isipin.
BINABASA MO ANG
Pansamantala (COMPLETED)
Teen FictionNot everything you want will be given to you even how much you excert efforts. And when the time comes, you should learn how to accept whatever may happen.