CHAPTER 3

10 1 0
                                    

  Maui's P.O.V

It was thursday, Monday 'nung una kong pasok dito sa School.

Maganda 'yung school, complete equipments, materials and tools.
Pati Dorms may kaniya kaniyang T.V. tapos may elavator pa bawat floor.

Naassign ako sa room number 80, pinakahuling room sa 4th foor. Kalapit lang kami ng room number ni Alex, bale nasa room 79 siya.

5 storey yung building, each floor may 20 rooms, kung iaadd up nasa 100 rooms lahat

Kasalukuyan akong nagpapahinga sa malabot na kama ng silid ko. Muntik na akong makatulog ng may kumatok sa aking pintuan.

Binuksan ko ito't bumungad sa akin ang pagmumukha ng aking matalik na kaibigan.

"Kailangan?" Pabiro kong sabi.

"Grabe siya oh." Sagot niya.

"Anyway, ba't hindi ka pa bihis?"

"Bakit? Ano bang meron?"

"P.E class kaya natin kay Ma'am Hidalgo, tingnan mo pa sa sched. mo"

Bakas na bakas ang excitement sa kaniyang pagmumukha habang nag-eexplain si Alex.

"Uhm... Lex. Masakit kasi ulo ko kaya, absent muna ako."

"Eyyy. Naman eh. Bakit ngayon pa. Anyway, kumuha ka na ba ng excuse slip sa infirmary para payagan kang magpahinga sa class na 'to? Kung hindi sasamahan kitang kumuha." Pag-aalalang tanong niya.

"Nakakuha na ako't naibigay ko na kay Ma'am, kaya 'wag ka ng mag-alala."

"O' siya sige. Mauna na ako, magpahinga kang mabuti"

Isisirado ko na sana ang pinto nang bigla itong hinarangan ni Alex.

"Nga pala pinapasabi ni Miggy, na magpapractice daw ang S4 sa rooftop after class." Pahabol na sabi nito at agad na umalis.

What a life!
Practice? Hassle!

Tiningnan ko ang next sched ko after ng P.E class.

"Instrument lesson ni Ma'am Cales."

Kailan ba matatapos, yung puro music na subject dito?

Tatlo lang ata ang acads dito, ang math, science atsaka english, tapos lahat na ay related sa music.

Crap! I just want a peaceful education without music involved.

Imbes na makatulog ako'y, hindi na lang sa kakaisip sa desisisyon na ginawa ko.

Argh! Andito na eh. Wala ng bawian.

After an hour, natiyak kong tapos na ang klase ni Ma'am Hidalgo. Kaya pumunta na ako sa room ni Ma'am Cales para umattend ng klase niya.

Nathan's P.O.V

"Iba talaga ang mga gwapo, palaging panalo, haha. Nakita mo yung pag sprint nung junior high school na bata? Walastik kakaiba, kakaiba ang pagbagsak niya hahaha."

Natatawa kong sabi kina Linox.

"Having looks, doesn't always win. Being a predator, isn't always a predator, sometimes a predator becomes a prey once his heart has been tamed of a new predator, and with that you'll lose everything" Sabi ni Kris.

"Wow! Pare nosebleed ako dun. Hahaha."

Tinawanan ko na lang ang pinagsasabi ni Kris, hindi ko kasi naiintindihan ang pinagsasabi niya.

Pabalik na kami ng room para sa next class namin.

"Kris, gaano ba katerror si Ma'am Cales?" Tanong ni Miggy.

REVIVALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon