CHAPTER 4.2

11 2 0
                                    


  Maui's P.O.V

Saktong pagkasabi niya ng "unecessary noise", kumulo yung tiyan ko sa gutom.

" tsk!" Tanging nasabi niya.

Pinaglihi ba itong kumag na 'to sa "tsk"? Puro kasi tsk ng tsk.

" Here. eat this."

He handed me a dish full of shrimp, hindi ko alam kung anong pangalan pero tiyak kong pangmamahaling pagkain 'to.

Napalunok na lang ako ng laway sa sobrang sarap nitong tingnan, bawal kasi ako nito.

"May allergy ako nito." Sabi ko sa kaniya. At napa "ah ok" na lang siya't pumunta sa ref niya at naghalungkay kung anong puwedeng kainin.

"Here. Ramen Soup."
Binigay niya sa akin ang bowl ng ramen soup,
Hindi na ito mainit kasi diba nilagay na ito sa ref. Pero aarte pa ba ako?

Tiyan ko na ang kalaban ko kaya kakain na ako.

Umupo si Linox sa kabilang side at naggigitara.

Nakakaturn-on pala talaga pag nakikita mong mag lalaking nagigitara though hindi ako na turn-on, ang sungit niya kasi, pinaglihi ata ito ng sama ng loob.

"Nga pala, may hinihintay ka bang bisita?" Tanong ko sa kaniya habang pinapapak ang pagkain.

"Ako ang hinihintay hindi ang nag-aantay. Why?"

Sungit naman nito.

"Nakabukas kasi ang pinto mo, kaya ako nakapasok dito, so ineexpect ko na may bisita kang darating."

Napatigil siya sa pag gigitara ng marealized niya ang sinabi ko't pumunta sa pintuan at sinirado ito.

Nakakapagtaka siyang tingnan dahil nakita kong medyo nanginginig 'yung kamay niya, pero nagkalaon nawala rin ito at bumalik siya sa kaniyang puwesto.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"Anong bakit?" Tanong niya pabalik.

"Bakit parang hindi ka mapakali kanina?"

"Hindi ba?" Walang emosyon n'yang sabi.

Baka imahinasyon ko lang 'yung nakita ko kanina.

Nagulat kami ng biglang may nahulog na baso mula sa cabinet niya na mga lalagayan ng mga kitchen utensils.

"Linox... Parang may tao, bukod sa atin dito."

"Let's get out of here."

Sabi niya sa akin, kitang kita ko sa kaniyang mga mata ang pangamba at panganib, kaya naman nagpanic na ako't kung ano anong prayers ang lumalabas sa aking bibig.

"Our Father w-who art in heav---"

"Shut it! Shut it! Let's get out of here."

Irita niyang sabi para pakalmahin ako. Pero patuloy pa rin akong bumabanggit ng prayers kahit sa aking isipan lang.

"Do you know how to climb?" Tanong niya sa akin.

Expert ako sa pag-akyat kaya nag-nod ako sa kaniya bilang tugon.

Dahan dahan kaming pumunta sa kaniyang banyo, para doon daw kami dadaan.

Alam kong hindi ito panahon sa pag-alala ng mga bagay bagay pero hindi ko maiwasang maaalala sapagkat sa ganitong paraan rin ako tumakas 'nung pumuslit ako sa hospital room ni Linox.

Ang kaibahan lang ay dalawa kaming aakyat sa bintana ng CR palabas. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, kahit nasa panganib kami ngayon, I feel safe around him.

Patuloy pa rin kami sa pag-akyat, kapit kapit niya ako kaya alam kong makakatakas kami ng buo dito.

Mahamog, malakas ang hangin pero feeling ko'y ang gaan gaan ko't napadali ang pagbaba namin sa kaniyang dorm.

"Room number 80" sabi ko sa kaniya at bumaba kami papunta sa dorm ko.

Good thing at hindi kami nakita ng mga guards na nagbabantay sa dormitory. At luckily nakapasok kami sa aking room ng walang kahirap hirap.  

REVIVALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon