CHAPTER 7

11 2 1
                                    

  Kris P.O.V

"I'm going to win this competition, not them but me."

Funny how it seems, but the puzzles are finding it's pieces to fit in now,

The question is, if they find their missing piece, are they going to matched up together or they'll just continue being apart.

Life is full of twist, you didn't know what in the world it'll turns out to be.

Wow. This is really... really interesting.

Maui's P.O.V

Nasa gymnasium kami ng school ngayon. Inaya kami nila Nathan na manood ng fight nila.

S4 vs Seniors.

Nangunguna si Zenneth sa pagcheer ng S4. Nakakatawa lang kasi parang si Linox lang ang kaniyang chinicheer.

Malaki ang chance ng S4 na matalo dahil kung sa labanan ng katawan lang ang pag-uusapan, agrabrayong agrabyado na ang S4 dahil dambuhala ang kalaban nila at balita ko pa'y varsity ang mga ito.

Halos magkasuntukan na nga sila noong start up sa game dahil sa pagngungutya ng mga seniors.

"Matinding labanan ito." Sabi ni Alex na nasa aking tabi.

"I agree. Lex...bili lang muna ako ng tubig."

Nag-excuse ako kay Alex dahil uhaw na uhaw na talaga ako kaya't pumunta ako ng cafeteria para bumili ng tubig.

Tatlo ang binili ko, para kay Alex, sa akin atsaka kay Nathan.

Nang makabalik ako sa bleachers, nagtaka ako dahil nagsitayuan ang mga tao, pati na rin si Alex.

"Lex...Anong nangyari dito? Tanong ko kay Alex sabay bigay ng isang mineral water sa kaniya.

" Nainjured si Linox." Sabi niya.

"Ah. Okay. Normal lang naman sa laro ang mainjured lex." Kampanteng sabi ko sa kaniya.

"Pero parang sinadya." Mahinang sabi niya.

"Papaanong sinadya?" Curious kong tanong.

''Noong magso-shoot na sana si Linox, nasupalpalan ni Ace ang kaniyang tira kaya natumba siya, pero nagulat kami dahil maraming dugo ang kumalat sa floor only to find out na may medyo hindi kalakihang pirasong bubog sa paa ni Linox." Sabi niya.

"Ha? Bakit nagkaroon ng bubog dito sa gymnasium? " tanong ko.

"Iyon nga rin ang pinagtakahan ko kasi narinig kong bulungan ng mga tagalinis dito na tiniyak nila na malinis ang gym at walang kung ano mang isang butil na basura na maaaring ikapahamak ng mga manlalaro."

Halatang hindi chismosa si Alex no?

Naalala ko kaagad ang nangyari sa amin sa dorm niya noong nakaraang araw.

Baka kagagawan iyon ng mama ni Linox.

Masisira na utak ko kakaisip kung bakit? At anong dahilan bakit nila ginagawa iyon kay Linox.

"Asan na si Linox at paano na ang laro?" Tanong ko.

"Nasa infirmary room si Linox, pero tuloy pa rin ang laro. Kung balak mo siyang puntahan, huwag na kasi hindi naman masyadong malala sugat niya, sabi niya pa nga sa teammates niya na babalik daw siya although hindi siya makakasali sa laro." Mungkahi ni Alex na para bang nababasa ang aking isip.

"...and speaking of who, andiyan na siya oh. " dagdag ni Alex.

Akala ko uupo si Linox sa front row, katabi ni Zenneth, nakita ko ngang tumayo pa si Zenneth para ilahad ang unoccupied space sa tabi niya, pero nilampasan niya lang ito ng hindi lumilingon sa kaniya.

What the???

Don't tell me?

Dito siya sa amin pupunta?

Tama nga ako, sa direksiyon nga siya namin pupunta.

"Vacant seat?" Maotoridad na sabi ni Linox kay Alex.

"Sa left side ni Maui, bakante." Sabi ni Alex.

Naku naman. Nakakailang. Because all eyes are on us.

"Pwede?" Tanong niya.

Tumango na lang ako sa kaniya, naisip ko rin kasi na maganda rin ito para matanong ko siya kung anong nangyari kanina.

Kinuha niya ang isang mineral water sa aking tabi. Pinabayaan ko na lang siyang inumin ang mineral water na dapat ay kay Nathan, naawa kasi ako sa kaniya tapos pawis na pawis na pa siya.

"Oh." Binigay ko sa kaniya panyo ko ng hindi tumitingin sa kaniya.

Kinuha niya ito't pinampunas sa kaniyang mukha at leeg.

"Salamat." Sabi niya.

"Welcome." Sabi ko.

"I know you want to ask something, but I can't tell anymore details about it because the more you'll know it, the more you'll regret it. " Walang emosyong sabi niya sa akin.

Napatango na lamang ako sa sinabi niya at itinuon ang pansin sa laro nila.

Buti na lang at nakahabol ang S4 sa pagkatambak ng mga Seniors.

"Tama nga't siguro na nainjured ako. " sabi niya.

"Bakit naman?" Tanong ko pabalik ng hindi tumitingin sa kaniya kasi hanggang ngayon naiilang pa rin ako sa kaniya.

"Kasi dahil sa akin natambakan kami ng score, at 'nung wala na ako sa laro, ang bilis ng pagrecover ng team para makuha ang momentum ng laro and they really did." Mapait niyang tawa.

"Don't laugh if you're just faking it." Sabi ko sa kaniya. Lintana ito ni Nathan, hiniram ko lang.

Tiningnan ko siya sa mata, and all I see is a complete darkness.

"Hindi dahil sayo kaya kayo natambakan okay? Infact 'nung nainjured ka considered as foul 'yun kay Ace. Alam mo ba kung bakit ang bilis ng pag-usad ng kateammates mo?
It is because they want to win for you especially getting rid of Ace.
Kung titingnan natin sila ngayon, we can connote that they are fighting over vengeance and force." Comfort ko sa kanya.

"You really think so?"

This time tumingin siya ng mataman sa aking mga mata.
Medyo kinabahan ako sa kaniyang titig, hindi ko alam kong bakit pero dapat magtiwala siya na hindi siya ang dahilan kung bakit natambakan sila kanina.

"Yes. Trust me." I replied firmly.

Hindi ko namalayang nagkatitigan na pala kami ni Linox. Binalik ko ang aking tingin sa laro at pilit na iniiba ang topic.

Nanalo ang S4 ng isang puntos laban sa Seniors. Buti na lang talaga at sharp shooter si Nathan kaya malaya niyang naihagis ang bola sa ring ng walang mintis.

Patakbong pumunta si Nathan sa aming direksyon, dala dala ang ngiti ng pagkapanalo.

Nathan suddenly hugged me.

"We've won." Bulong ni Nathan sa akin.

"Ah...eh. Oo nga." Naiilang kong sabi.

Kumalas si Nathan sa kaniyang yakap ng mapagtanto niyang maraming nakatingin sa amin kabilang na si Linox.

"Pare! Panalo tayo." Sabi ni Nathan kay Linox.

"Kita ko nga." Tipid na sagot ni Linox.

"Okay ka na ba ang paa mo Linox?" Nag-aalalang tanong ni Nathan.

"Okay lang ako." Sabi nito at tumayo na sa kaniyang kinauupuan.

"C.R lang muna ako."dagdag nito at dumiretso na sa kaniyang direksyon.

" Problema 'nun? Tanong ni Nathan.

"Bakit ako tinatanong mo?" Balik tanong ko sa kaniya.

"Menopause siguro." Sabi ni Nathan at humalagapak ng tawa.

"Ulol!" Asar ko sa kaniya.

"Atleast gwapo." Lakas na loob na sagot niya.

"Tarantadong ulol." Diin na pagkasabi ko.

"Atleast crush mo." Nakangiting sabi niya.

"Asa!" Sabi ko sa kaniya.

"Pahiram nga ng kamay mo." Utos niya sa akin.

"Ayoko nga baka lalagyan mo na naman ink. Bahala ka diyan sa buhay mo. Ugok!"

"Hindi ko lalagyan promise." Pagmamakaawa niya, at nagmukhang pato ang mukha, biruin niyo? Lalaking lalaki tapos nakapouty lips.

"Tsk! O' siya. " sabi ko at inilahad sa kaniya ang aking kamay.

"...try mong lagyan ng kung anong dumi diyan, at titiyakin kong bukas hindi ka na sisikatan ng araw." Banta ko sa kaniya.

Noong nahawakan na niya ang aking kamay. Nakangiting parang asong ulol ang tukmol.

"Uyyyyy... Tsansing ka ha. "Sabi ni Nathan sa akin.

Walang hiya! Ako pa sinabihan ng tsansing ng animal na ito! Agad kong binawi ang kamay ko sa kaniya.

"Ako pa talaga ang tsansing?" Sarkastikong sabi ko sa kaniya.

"Sabihin mo na kasi na crush mo ako." Pang-aasar niya sa akin.

Nilapit ko ang bibig ko sa kaniyang tenga, at bumulong.

"Gago ka ba?"

Akala niya siguro, hahalikan ko siya, hahaha.

Nakakatawa pagmumukha niya, pulang pula sa inis.

"Oo. Gago ako kaya gagawin ko ito."

Bigla niya akong hinalikan sa aking pisngi.

Gulat na gulat ako sa kaniyang ginawa.

*bogsh!*

Sinuntok ko siya ng malakas dahilan para mapatumba siya.

"Aray. " daing niya.

"Buti nga sayo." Sabi ko at binehlatan siya.

"Oh! Nathan anong nangyari sayo?" Tanong ni Miggy na kakarating lang.

"Pwede tulungan mo muna akong tumayo bago ka magtatanong diyan?" Annoyed na sabi ni Nathan.

"Pfft. Oo na. Hahaha"

Tawa rin ng tawa si Miggy sa nakatumbang posisyon ngayon ni Nathan.

"Nga pala...San si Alex?" Tanong ni Miggy.

"Nasa girls bathroom, gusto mong puntahan?" Biro ko sa kaniya.

"Tinatanong ko lang kung saan siya, kasi ako ang kapair niya kaya mayroon akong karapatang magtanong." Paliwanag niya.

"Oo na. Napakadefensive mo masyado." Biro ko ulit sa kaniya.

"H-hindi ah."

Hindi raw, haha. If I know gusto niya rin si Alex. Bakit hindi pa sila mag-aminang dalawa?
Bakit papaabutin pa nila sa tagu-taguan ng feelings, kung mutual naman ang kanilang nararamdaman?

Ang hirap pag buhay pag-ibig na ang pag-uusapan, dagdag lang iyan sa sakit sa ulo at puso kaya ako, hinding hindi ako magkakagusto kahit kanino.

Because loving is dying.

It gives you horrendous pains, that no one can understand.  

REVIVALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon