CHAPTER 6

17 1 1
                                    

  

Alex P.O.V

"Wrong key ka na naman. Again"

"Sorry Miggy." Tanging naisambit ko sa kaniya dahil makailang beses na kaming pabalik balik sa isang nota. Napakataas kasi ng part na ito kaya sa tuwing papalapit na kami sa linyang ito, hindi ko maiwasang babaan, kasi hindi ko talaga kaya pero konting practice pa at makakaya ko rin ito.

"Kaya mo pa?" Tanong niya.

"Kakayanin ko." I said confidently.

"Just remember, why are we doing and putting so much effort on this." He said smiling though alam kong seryoso siya dito nakuha niya pa ring ngumiti sa akin.

Kaya siguro ako nahulog kay Miggy dahil hindi lang sa kagwapohan niya kundi sa kabaitan niya.

Tama siya, dapat isipin kong mabuti kung bakit namin ito ginagawa.

Bata pa lang ako, pangarap ko ng maging isang tanyag na musikero and I think this is the chance I've been waiting for ages.

"Alright. Let's take a rest for a while."

Sabi niya sa akin habang nakaupo sa aking gilid.

Kilig na kilig naman ako.

Pinanood na lang muna namin sila Zenneth, Kris, Maui, at Nathan na ino-occupy ang corners ng rooftop na ito.

Sa right side puwesto nila Zenneth at Linox.

Mag-iisang oras ng hinihintay ni Zenneth si Linox kaya kating kati na siya sa kaniyang kinalalagyan, kasi ni isang linya ng kanta wala pa rin siyang nagagawa kasi inaantay niya kuno si Linox.

Natatawa na lang ako sa kinalalagyan niya para kasi siyang kiti-kiti. Haha

Sa right side naman ni Zenneth, prenteng naka-upo si Kris, bitbit ang kaniyang gitara, nagtransfer kasi 'yung kapair niya na si Kelly Zelcon.

Hindi ko alam kung anong rason pero umalis lang na parang bula si Kelly then nabalitaan na lang namin na nasa ibang school na siya kaya ngayon, walang kapares si Kris.

May mga ibang babae na gustong magback-out sa mga kapares nila dahil gusto nilang makapartner si Kris pero hindi pinayagan ni Sir Gonzago. Kaya naman siguro ni Kris ang mag-isa diba? Sikat naman siya kaya a piece of cake lang ito sa kanya.

Sa right side naman namin ni Miggy, nakapuwesto sina Nathan at Maui.

Ang galing lang kasi dati rati nagpipikonan silang dalawa tapos ngayon ang saya saya nila tingnan, para bagang nagkakasundo sila sa lahat ng bagay. Akala ko talaga maleleft behind sila sa amin kasi hindi marunong kumanta si Maui at mainitin ang ulo ni Nathan, pero kami pa ata itong mas naleft behind.

"Look at them. I thought they are the worst partner among us, but I guess not."

Pareho pala kami ng tinitingnan ni Miggy, nakakainggit kasi nakikita ko ang determinasyon sa kanilang mga mata, tipong hindi nagpapapigil at tipong hindi matitigil.

They've found each other's strength.

Maui's P.O.V

Matapos ang malalimang pag-uusap namin ni Nathan, nagkasundo kami at nagsimulang mag ensayo dito sa rooftop. Hindi namin alintana ang mga kasama naming nagpapractice dito maliban sa amin kasi sabi niya isipin ko daw na kami lang dalawa ang nandito para hindi ako kabahan.

Napag-alaman ko ring ang laki pala ng sira ng ulo nitong si Nathan, yung tipong akala mo seryosong seryoso, maya maya'y tatawa't kung ano anong pinag gagawa sa akin.

REVIVALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon