A/N : kahit walang magbabasa nito okay lang basta maipahayag ko lang 'yung kwento ko. ahe
Maui's P.OV
Kasalukuyan kaming nakikinig sa klase ni sir Gonzago nagbibigay ng mga ilang tips kung paano maging maganda yung pagdeliver ng aming mga gagawing kanta.
Ramdam ko sa aking likod na may mga matang nakaantabay sa akin at nanlilisik ang mga ito na tipong binabalatan ang aking katawan.
Patay ako nito kay Nathan. Hindi ko masabi ang nangyari kagabi sapagkat sabi ni Linox na kung sabihin ko daw sa ibang miyembro ng S4, magiging malaking gulo daw ito, dahil mga warfreak sila, at knowing na mama niya ang may gawa.
Ano na naman ang idadahilan ko sa kaniya? Lord please help me.
"Class have you been started your song composition?" Tanong ni Sir Gonzago.
Jusko Sir! Wag kang pahamak. Napa-yes na lang ako ng mahina para hindi mapagalitan at papuntahin sa harap.
Pagkatapos ng klase ay dali dali akong umalis sa aking kinauupuan, nagtaka rin si Alex pero inexplain ko sa kanya na emergency, kaya hindi muna ako makakasabay sa kaniya mamaya.
Bago pa man ako makalabas, hinila na agad ako ni Nathan at dali-dali akong ibinaba papunta sa wala masyadong katao-taong lugar.
I'm dead.
"Where do you think you're going?" He said angrily.
"Ah...eh pupunta lang ako ng CR kasi---"
Bago ko pa man matapos 'yung palusot ko ay galit niyang isinalampak ang kaniyang dalawang malalaking palad sa dingding, kung saan napapagitnaan ang aking ulo. Napapikit na lang ako sa sobrang lakas ng impact.
"TANG*NA MO MAUI! HINDI MO BA ALAM NA MAGDAMAG AKONG NAG-HINTAY SA IYO TINGIN MO UUBRA SA AKIN ANG PALUSOT MO!
MAUI, BUHAY KO ANG NAKATAYA SA ASIGNMENT NA ITO, KAYA WAG MONG TINGNAN ITO NA PARANG LARO LANG!!!"Alam ko sa mga oras na ngayon, maiiyak na ako, sapagkat naalala ko sa kaniya ang aking ama, hindi ko alam kong bakit, pero ganitong ganito ako sermon-nan ni papa.
Galit na galit siya and any minute from now, I think I'll breakdown.
Niyakap ko siya ng mahigpit, dahil tuluyan ng bumagsak ang mga taksil kong luha.
"Tama na please...*sobs* sorry *sobs* sorry na."
Gulat na gulat siya sa aking ginawa, subalit ako'y patuloy na nakayakap pa rin sa kaniya sapagkat hindi ko maikontrola ang aking emosyon.
"Huwag ka ng magalit...sa akin *sobs* I'm sorry"
Tuluyan na akong nagbreak down. Hindi maputol putol ang aking mga luha.
Luhang itinago ko these past few months.
Feeling ko'y kulang nalang ay dugo na ang aking mailuha.
Naramadaman ko na lang na napayakap na rin sa akin si Nathan.
"Shhh...tahan na. Hindi na ako magagalit."
Sa kaniyang mga yakap mas lalong napalakas ang aking iyak.
Patuloy lang siya sa pagpat sa aking likod habang ang isa niyang kamay ay hinihilod ang aking buhok.
"Sorry na, kung nasigawan kita. Hindi na mauulit." Sabi niya sa akin.
Nang bumalik na ako sa aking sarili, napakalas ako sa kaniyang mga bisig at napaupo't napasandal sa wall.
"Hahaha. Ikaw kasi. Naiyak tuloy ako." Mapakla kong tawa.
"Don't laugh, if you're just faking it." Sabi niya.
"Pasensya ka na kung magdamag kang naghintay sa akin. Kasi kagabi may masamang nangyari, at hindi ko maaring sabihin kahit kanino man. "
Nahimasmasan na rin sa galit si Nathan at kahit hindi niya man sabihin, nababasa ko sa kaniyang mga mata na "okay lang, I understand."
"Bakit nakataya ang iyong buhay para lang dito sa isang asignment?" Tanong ko sa kaniya.
"I don't aim for high grades myself, it was for my dad."
Bakas sa kaniya ang mga mata niyang purong kalungkutan ang makikita.
"Where's your father?" Tanong ko sa kaniya.
"Wala na siya."
Sumikip bigla ang puso ko sa sinabi niya. Pareho pala kami. Akala ko, nag-iisa lang ako sa mundong ito na may dala dalang sakit na ganito.
"Palagi kaming nag-aaway ng papa ko dati. Kesyo dapat daw katulad ako ni Linox na sikat at kilala. Sabi ko pa nga noon na,
Hindi ako si Linox kaya hindi ako magiging kung sino siya dahil kailan man hindi ako siya.Nilaro ko ang musika dahil 'yun ang gusto because I believe music isn't played by force.
'Noong panahong sinunod ko ang gusto niya, nag-aral akong mabuti at pinag-igihan ko ang training naging isa ako sa mga musikero na napili na mapabilang sa S4 na siyang mafefeatured sa t.v.
Nag celebrate kami, kasama ng aming mga parents, si papa todo puri kay Linox, samantalang ni isang congrats, walang akong nareceive sa kaniya dahil sabi niya na nakita niya nga ako sa t.v pero bilang shadow lang ni Linox.
Nagrebelde ako't hindi nagpakita sa kaniya ng mga ilang araw. Isang araw, nabalitaan ko na lang na nakaratay na pala siya sa hospital dahil may kumakalat na ang cancer sa kaniyang katawan.
Alam mo kung anong huling sabi niya sa akin?
Sabi niya, na makita niya lang akong mag-isang sumikat sa telebisyon gamit ang aking musika, kontento na siya.Matagal na panahon na ito pero sariwang sariwa pa rin ang sakit sa aking puso.
Kaya sabi ko sa aking sarili na kahit anong mangyari hihigitan ko si Linox. Magiging mas sikat ako sa kaniya.
At itong assignment na ito ang maaaring susi para 'dun."
Mangiyak ngiyak na ako dito sa kinauupuan ko sa kaniyang mga buhay.
"Alam kong hindi mo ako naiintindihan pero napakaimportante sa akin itonng assignment" Sabi niya.
"N-naiintindihan kita Nathan. We are the same but different at some points." Putol putol kong sabi sanhi ng mga luhang di matigil sa pagdaloy.
"How?" He asked curiously.
"Si P-papa...wala na rin."halos hindi ko mabigkas bigkas ang salitang ito sapagkat napakasakit. Upon saying those words made my heart in a million of thorns.
" At dahil sa pagkawala, hindi na muli akong umawit, dahil sa tuwing aawit ako...naaalala ko 'yung sakit... Hindi mawala wala. Kaya pasensya ka na kung todo iwas ako pagdating sa ganito, pero huwag kang mag-alala tutulungan kitang makakuha ng highest grade, without me singing. "
"How?" Tanong niya ulit.
"I'll rap and you sing. Deal? "
I asked and then we shake hands."Deal." He said at sabay kaming tumayo upang makapag ensayo.
This time, musika ang aming naging sandalan.
Music became an important part of an organ , where body cannot function without it.
