2 months later...
Matagal na rin noong nakauwi kami ni tito Caine ng Pilipinas. Hindi ko na rin kasi kayang makita si Aizen kasama ang girlfriend niya.
Naglabas ako ng malalim na hininga.
"Lalim noon ah." Tumingin ako kay Callie. Kasama ko siya ngayon sa bahay namin kasi may balak pala siyang magpatayo ng sariling restaurant dito. "May problema ba?"
Bago pa ako makasagot ay parang bumaliktad ang sikmura ko. Ano ang nangyari sa akin? At tumakbo ako papunta banyo para magduwal. Nilabas ko ang lahat na kinain ko kahapon.
"Hey, you okay, sis? Kung masama ang pakiramdam mo dapat magpatingin ka sa doctor."
"Ayos naman ako kaninang umaga pero ewan ko kung bakit biglang bumaliktad ang sikmura ko." Sabi ko pagkatapos ko hugasan ang bibig ko. May duda na agad ako sa nangyari sa akin ngayon, pinagaralan namin ito noong nagaaral ako para maging isang nurse. Licensed nurse na nga ako. "Samahan mo ko, Callie."
"Sure. Wala naman akong gagawin ngayon."
Pumunta na kami ng kaibigan ko sa kilalang doctor. Ang daming pasyente baka abutin kami ng siyam-siyam nito bago kami matawag. Mga ilang oras rin bago kami natawag ng assistant ng doctor kaya pumasok na kami ni Callie sa loob ng clinic. Maraming tinanong sa akin yung doctor dahil naiintidihan ko naman ang mga sinasabi niya pero natatawa ako sa itsura ni Callie dahil siguradong wala siyang maitindihan. Ngumiti sa amin yung doctor, dapat ba akong kabahan sa ngiti niya?
"Congratulation, misis. You are 2 months pregnant."
Parang huminto ang oras ko noong sinabi niyang buntis ako. Ako? Buntis? Shit! Tama ang hinala ko kanina. Pero paano ito?! Ayaw ko naman masira ng isang relasyon kung sasabihin ko kay Aizen ang tungkol sa bata nasa sinapupunan ko.
"Bibigyan kita ng vitamins dahil kailangan mong uminom everyday and also monthly check up." Binigay na sa akin yung reseta ng vitamins ko. Ano na ang gagawin ko? Ayaw kong isipin muna ang tungkol doon dahil makakasama sa bata.
"Sino ang ama?" Tanong ni Callie noong nakasakay na kami sa kotse niya.
"Ayaw ko pagusapan ang tungkol sa ama ng anak ko."
"Wow. Lalaking walang ama ang anak mo, Aya."
"Alam ko naman iyon. Kaya ko naman buhayin itong magisa na walang tulong ng ama niya at saka ayaw ko rin naman makasira ng isang relasyon pagsinabi ko sa kanya."
"Okay. I respect your decision."
Hinatid na ako ni Callie sa amin pero sa hindi inaasahan nakauwi na pala si tito Caine galing eskwelahan.
"Hello po, tito."
"Saan ka galing, hija?"
Hindi ako agad nakasagot dahil kusang tumulo ang luha ko.
"S-Sorry po." My voice cracked. Kinakabahan kasi ako sa magiging reaksyon ni tito Caine.
"Why? What's wrong?"
"B-Buntis po ako, tito."
"What?! Sino ang ama ng dinadala mong bata?"
Kailangan ko bang sabihin kay tito Caine ang katotohanan? Malamang. May karapatan siyang malaman kung sino ang ama nito. Dahil alam ko namang boto siya sa amin ni Aizen kahit wala na kami.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
"Si Aizen po."
"Si Aizen?! Kailangan mong sabihin sa kanya ang tungkol sa bata, Aya."
"Ayaw ko pong makasira ng isang relasyon, tito. Napagdesisyunan ko na pong papalakihin ko ang anak ko magisa."
"Hindi kita pipilitin sa ayaw mo pero kailangan mo rin sabihin sa kanya dahil hindi habang buhay ay matatago mo ang tungkol sa bata."
Present...
Nagpasya akong pumunta ng sementeryo kasama ang anak kong si Mykiel. His full name is Eizen Mykiel Collins and he is turning 6 years old this year pero mabuti na lang ni minsan ay hindi niya tinatanong sa akin ang tungkol sa ama niya dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Siguro kasal na si Aizen sa babaeng iyon.
Pagkarating namin ni Mykiel sa puntod ng mga magulang ko ay nagtataka ako kung bakit may tao. Isang lalaki.
"Mommy?" Napatingin ako kay Mykiel noong tinawag niya ako.
"Aya?" Inangat ko yung tingin para tingnan kung sino pero laking gulat ko. Si Aizen. Ano ang ginagawa niya rito.
"A-Aizen..." Parang nauubusan ako ng hangin. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ang tungkol kay Mykiel. Pero napansin kong nakatingin siya kay Mykiel.
"Is he your son?" Tanong niya sa akin. Wala siyang ideya na anak niya rin si Mykiel.
"Y-Yes." Bakit ba ako nauutal?!
"I see. Hindi ko alam kasal ka na pala."
"No, I'm a single mother." Lumuhod ako sa harap ni Mykiel habang hawak nito ang mga bulaklak na binili namin. "Baby boy, punta ka na sa puntod ng lolo't lola mo pero ingat ka lang sa paglalakad."
"Okay po, mommy." Naglakad na si Mykiel papunta sa puntod ng lolo't lola niya.
"Bakit ka pumayag na hindi panagutan ng ama ng anak mo?"
"Wala naman akong sinabing hindi ako pinagutan."
"Ang sabi mo isa kang single mother. Ibig sabihin hindi ka niya pinagutan."
"Walang alam ang ama ni Ei-- Mykiel na buntis ako noon dahil hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa bata."
Hindi pa akong handa para sabihin kay Aizen ang totoo. Pero hindi ko alam ang magiging reaksyon niya kung magkaroon man ako ng lakas na loob para sabihin sa kanya.
"Okay." Tumango tango na lang siya.
"Ano pala ang ginagawa mo dito sa Pilipinas?" Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.
"I'm getting married in 3 months."
Oh no! Huli na ba ako para malaman niya? Hindi naman ako papayag naging anak sa labas si Mykiel.
Nakita kong lumapit na si Aizen kung nasaan ang anak ko. Lumuhod siya sa harapan ng bata.
"Mykiel, right?" Tumango sa kanya yung anak ko.
"Kayo po, mister?"
"Aizen. Pwede mo kong tawaging tito Aizen." Ginulo ni Aizen ang buhok ni Mykiel. Sana hindi niya malaman na anak niya si Mykiel lalo na't ikakasal na siya. Sabi ko nga noon ay wala akong balak manira ng isang relasyon. Ganoon siguro kamahal ni Aizen kaya papakasalan niya yung babae. I don't care kung ano pa ang pangalan niya.
"Pwede ko po ba kayo tawaging daddy na lang? I don't have daddy po kasi." Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi ni Mykiel. Gusto niya maging daddy si Aizen.
"Okay, lad. Walang problema sa akin pero depende rin kung papayag ang mommy mo." Tumingin siya sa akin.
"Baby boy, ikakasal na ang tito Aizen mo baka kasi magalit sa atin ang fiancee niya." Biglang lumungkot ang anak ko. Gusto talaga niya maging daddy si Aizen. Ano ang gagawin ko?
"Ayos lang sa akin. Kakausapin ko na lang si Nika tungkol kay Mykiel at sigurado akong maiitinduhan niya ang tungkol sa bata."
"No. Huwag na, Aizen. Ayaw ko kasi makasira ng isang relasyon. At saka hindi mo kailangan gawin ito para sa anak ko."
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Kailangan ko na ba sabihin kay Aizen ang totoo bago mahuli ang lahat? Tama si tito Caine noon kailangan kong sabihin kay Aizen ang tungkol kay Mykiel kasi hindi ko matatago ang anak ko habang buhay sa ama niya. May karapatan siyang malaman tungkol sa bata at alam kong hindi lasing si Aizen noong panahong may nangyari sa amin dahil nakapagmaneho pa siya noong pabalik sa condo niya. Sigurado akong maalala niya na may nangyari sa aming dalawa. And he never say sorry what happened between us. Hindi rin naman ako nagsisi dumating sa buhay ko si Mykiel.
BINABASA MO ANG
STATUS: Married With My Ex
RomanceSTATUS: In A Relationship With My Step Brother book 2 Sobrang nasaktan si Aizen noong hindi nagpakita si Aya sa kanya. He thought Aya loves him pero mukhang nagkamali siya sa inakala niya. Umalis ng bansa si Aizen na may sama ng loob kay Aya. Unexpe...