Malapit na kami ikasal ni Aizen kaya maghahanda na kaming pareho. Ang pagkaalam ko ay kasama niya si Alex, ang kanyang best man. Ang swerte ni Callie dahil gwapo ang maging best man ni Aizen at naalala ko yung sinabi niya sa akin na hindi na niya aawayin si Aizen kung gwapo ang magiging best man nito.
Habang nandito kami ni Callie sa mall dahil ang gusto niya daw bumili ng bagong damit.
"Aya?" Napalingon ako noong may tumawag sa akin. It's Alex.
"Oh, ang akala ko ba kasama ka ni Aizen."
"Yep, pero nagkahiwalay rin kami kasi may emergency ang tumawag sa kanya galing ospital. I think he has a patient."
Ang akala ko ba hindi tumatamggap si Aizen ng calls kung hindi oras ng trabaho niya.
"And day off rin ng ibang surgeon kaya kailangan pumunta ni Aizen." Tumango ako sa kanya. Napansin ko na si Callie na lumabas na galing sa fitting room. "Is she your friend, Aya?"
"Ah, yeah! Si Callie best friend ko. Callie, si Alex." Pagpakilala ko sa dalawa pero napatulala itong kaibigan ko. Sabi na nga ba magugutushan niya si Alex.
"Um, nice to meet you." Nakangiting sabi nito kay Callie.
"Huh? Y-Yeah, same with you." Utal nito. Nakakahiya ka, Callie. Narinig ko naman ang mahina ng tawa ni Alex.
"Hindi ko inaasahan na maganda ka pala sa personal. Palagi ka kasi kinukwento ni Aya sa akin." Napatingin sa akin si Callie kaya ngumisi ako sa kanya. "Ah, hindi ka naman sinisiraan ng kaibigan mo sa akin. I think I like you."
Pati ako ay nagulat sa pagamin ni Alex. Seryoso?! Kakilala pa lang nilang dalawa.
"Huh? Ano kasi... parang weird kasi... kakilala pa lang natin at hindi pa natin ganoon kilala ang isa't isa."
"You're right. Um, how about labas tayo kahit minsan?"
"Hindi ba busy ka sa trabaho mo, Alex?" Singit ko sa kanila.
"Yeah, mahirap talaga ang doctor lalo na't head ako ng radiology. Marami rin kasing intern students na tinuturuan ko pero titingnan ko kung kailan ako hindi busy."
Nakita kong ngumiti si Callie. Parang alam ko na ang ibig sabihin ng ngiti niyang iyan at mukhang nakalimutan na niya ang pagkagusto niya kay Luca. Matinong tao si Alex hindi katulad ni Luca. Mas kumportable ako kung si Alex ang sagutin niya if ever mangligaw.
"Okay. Walang problema sa akin."
"Great. Kunin ko na lang yung number mo at tawagan o text na lang kita kung kailan." Binigay naman ni Callie ang number niya at tumunog ang phone nito. Mukhang nag-missed call si Alex sa kanya. "Save my number. Anyway, I have to go. Nice to meet you again, Callie."
"Yeah, me too."
Naglalakad na kami ni Callie papunta sa food court pero ako todo kilig sa mga naksihan ko.
"Ikaw ah. Mukhang babawiin mo na yung sinabi mo noon sa amin ni Nika." Yung ngiti ko abot hanggang tenga na. Kinikilig kasi ako. Magkakaroon nang love life si Callie, malapit na. Naamoy ko na.
"Yeah, binabawi ko na ang sinabi ko noong gabing iyon. Tama nga kayo ni Niks. Gwapo siya at mukhang mabait rin."
"Mabait talaga iyon."
Naghahanap kami ng masarap na kainin dito sa food court pero parang hindi ko gusto ang mga pagkain dito. Hindi ko alam kung bakit.
"Maghahanap lang ako ng mauupuan natin. Baka mahirapan tayo." Sabi ko sa kanya habang nakapila siya.
"Mabuti pa nga."
Naghahanap na ako ng mauupuan namin at mabuti na lang meron pang bakante. Nakita ko rin hinanap ako ni Callie kaya tinawag ko siya at mabuti na lang napansin niya agad.
"Bili ka ng kakainin mo." Sabi nito paglagay niya ng pagkain sa harap namin. Bigla ako napatakip ng ilong. "What's wrong?"
"Nakaamoy ako ng mabaho. Hindi ko alam kung saan galing ang amoy na iyon."
"Wala naman ako naamoy ah." Napatingin bigla sa akin si Callie. "Don't tell me you're pregnant again, Aya."
"Me? Pregnant? Imposible, Callie." Bigla ko naalala yung gabing umuwi ako ng lasing. Hindi kaya... No, imposible! May usapan kami ni Aizen.
"Pagpatingin ka na kaya para makasigurado."
"I'm fine. Mawawala rin yung naamoy maya-maya."
Kinabukasan...
Sumabay ako kay Aizen pumasok kaya yung ibang babae mapa pasyente, nurse o doctor ay napatingin sa amin. Ayaw kasi bitawan ni Aizen ang kamay ko.
"Bro, bawal PDA dito." Sambit ni Alex pagkakita sa amin.
"Inggit ka? Maghanap ka kasi ng girlfriend mo." Sagot ni Aizen.
"Me? Nah, baka magulat ka na lang may girlfriend na ako kasi may nakilala ako. I know she is the one."
Si Callie ba ang tinutukoy niya? Baka. Baka hindi.
"Nah." Sagot ulit pero huli na dahil nakaalis na si Alex.
Nang makarating na kami ni Aizen sa clinic niya ay biglang bumaliktad ang sikmura. Alala ko okay na ang lahat. Tumakbo ako sa banyo para magduwal.
"Ayos ka lang, wifey?" Alam kong nagaalala sa akin si Aizen. Naghugas na rin ako ng bibig pagkatapos.
"Hindi ko alam. Simula pa kahapon ako ganito."
"Kailan ka huling nagkaroon ng period?" Tanong niya kaya kumunot ang noo ko.
"Two months ago." Bigla siyang ngumiti. Ano meron? Bakit ngumiti ang lalaking ito?!
"I'm a doctor kaya imposibleng magkamali ako ng hinala, Aya. And you should know that too dahil graduate ka ng medisina."
Nanlaki ang mga mata ko sa gustong sabihin ni Aizen.
"Buntis ako?"
"Hindi mo pa ba alam?" Umiling ako ng ulo. "Magpatingin ka na. I know someone. Baka on duty pa siya."
Sabay kami ni Aizen pumunta sa clinic ng OB. Kinakabahan ako. May usapan kami, eh. Bwesit naman kasi naglasing pa kasi ako. Kung may bunga talaga ay wala na ako magagawa dahil nandito na sa sinapupunan ko yung bata.
"Hello." Masiglang bati sa akin ng doctora.
"Dra. Patricia, naparito kami ng fiancee ko dahil bigla magduwal siya kanina. Gusto ko lang makumpira kung positive ba ang hinala ko."
"Ikakasal ka na pala hindi mo man lang sinabi sa akin." May pagtatampo sa boses nito.
"Hindi mo pa ba nakuha ang invitation?"
"Nakuha ko na pero hindi ko pa binabasa. Wedding invitation mo pala iyon."
"Yes. But anyway, pwede na bang check up si Aya?"
"Sure. Aya, humiga ka na muna doon."
Sinumulan na tingnan ng doctora kung buntis ba talaga. Napatingin na ako sa monitor dahil may two babies nakita doon. Waa! Twins ang sunod na anak namin.
"Congrats to the both of you. Positive ang hinala mo, dr. Aizen."
Tumingin ako kay Aizen dahil hindi mawala ang ngiti nito sa mga labi.
"Ilang buwan na buntis si Aya?"
"She is 8 weeks pregnant."
Tama rin ang hinala ni Callie na baka buntis ako. Kung sino pa ang nakapagtapos ng medisina pero hindi naniniwalang buntis.
Nagpaalam na kami kay dra. Patricia at pagkalabas namin ay siniil ako ng halik ni Aizen.
"Thank you, Aya. Best wedding gift. Napaaga nga lang." Hinawakan niya ang tyan ko. Hindi pa nga siya malaki.
"Hindi ka marunong tumupad sa usapan natin, Aizen. Ang sabi ko sa honeymoon na."
"Ano magagawa ko? You seduced me that night."
"Kahit magalit pa ako sayo ay wala na ako magagawa." I sighed, hinawakan ko rin ang tyan ko. "May dalawang bata nasa sinapupunan ko."
"That's right. At magiging kuya na si Mykiel."
BINABASA MO ANG
STATUS: Married With My Ex
RomanceSTATUS: In A Relationship With My Step Brother book 2 Sobrang nasaktan si Aizen noong hindi nagpakita si Aya sa kanya. He thought Aya loves him pero mukhang nagkamali siya sa inakala niya. Umalis ng bansa si Aizen na may sama ng loob kay Aya. Unexpe...