This is it. Mamayang gabi na pupunta si Aizen para sunduin kami dito sa bahay. Binibihisan ko na si Mykiel ng formal attire niya. Ang gwapo talaga ng anak ko kahit kailan. Nakuha kasi niya ang kagwapuhan sa daddy niya pero iniisip ko pa rin yung sinabi ni Callie sa akin bago siya umalis. Ngayon ko na ba sasabihin sa kanya kung ano ba talaga ang nararamdaman ko? Bahala na. Kung magkaroon man ako ng lakas na loob sabihin sa kanya.
Pagkatapos ko maligo at ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako dahil baka dumating na si Aizen.
"Wow, mommy! Ang ganda niyo po ngayon." Sabi ng anak ko.
"At kailan ka pa natutong mangbola, Myke?"
"Totoo po. At sinabi po ni daddy na maganda kayo." Kumunot ang noo ko. Daddy? Aizen?
"Damn, you look so gorgeous, wifey." Tumingala ako para tingnan. Si Aizen ngayon. Nandito na pala siya.
"Kanina ka pa ba dito?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah, pero okay lang na maghintay na matapos ka. Kung ikaw pa ang maghintay baka humugot ka na naman." Tinaasan ko siya ng isang kilay dahil tumatawa ito sa akin. Naalala ko yun. Kasi naman palagi na lang ako ang pinaghihintay. Hindi man lang gentleman.
Pinasakay na ni Aizen si Mykie sa backseat at noong sinarado na ni Aizen ang pinto.
"Daddy? Sinabi mo kay Myke na tawagin ka niyang daddy?"
"Yeah. Malalaman rin naman niya ang totoo."
"Nakuha mo na ang resulta?"
"Not yet. But I have a doubt Mykiel is my son. Hindi ako lasing noong gabing iyon, Aya kaya maalala ko ang mga nangyari." Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Nagulat ako ng pinagbuksan ako ni Aizen ng pinto kaya pumasok na ako sa loob ng sasakyan niya.
Isang tahimik ang buong biyahe namin dahil ayaw yata ni Aizen ang magpaisturbo habang nagmamaneho hanggang huminto na ang sasakyan niya sa tapat ng isang mansyon. Mayaman rin pala ang step father ni Aizen.
"We're here." Pinagbuksan niya ulit ako ng pinto. Aba, bumabawi ah. At kinuha naman niya si Mykiel sa likod.
Pagkapasok namin sa loob ay nakaramdam ako parang hindi kunportable dahil sa mga bisita. Mga businessman, yung iba anak ng senator tapos doctors. Naramdam kong hinawakan ni Aizen ang kamay ko.
"Huwag mong maliitin ang sarili mo sa mga nakikita mo ngayon, Aya. Mas magaling ka pa sa mga iyan." Bulong nito sa akin. Ginagawa ba ni Aizen ito para gumaan ang pakiramdam ko.
"Kuya Aizen. Ate Aya." May isang babae ang tumawag sa amin. Si Nika, ang incest lover ni Aizen kunwari. "Gosh. Sino iyang batang kasama niyo?"
"Si Eizen Mykiel." Magsasalita na sana ako para dugtungan ang sinabin ni Aizen pero nagsalita siyang muli. "Anak namin ni Aya."
Nagulat ako sa sinabi ni Aizen. Sinabi niya kay Nika na anak namin ni Mykiel. Totoo naman anak namin si Mykiel pero wala siyang alam sa katotohanan. Sinabi lang siguro ni Aizen ito dahil ayaw niyang paginitan ako ng mga tao dito at baka isipin nila pumatol si Aizen sa babaeng may anak.
"Really? Sabagay, medyo hawig mo nga siya, kuya Aiz." Napalunok ako. Hindi maitatanggi iyon. Hindi ko nga alam kung bakit hindi napapansin ni Aizen na hawig sila ni Mykiel.
"Where's your mom, Nika?"
"She is also your mom, kuya Aiz." Nakita kong inikot ni Aizen ang mga mata niya.
"Huwag mo ko simulan ngayong gabi, young lady. Where is she?"
"Kitchen, I guess. Or upstairs. I don't know hindi ko pa siya nakikita simulang umaga."
Tumingala ako sa itaas dahil napansin kong may parang nakatintin sa akin. Hindi nga ako nagkamali sa inakala. Si Bryce na iyon? Hindi ako pwede magkamali. Half brother ni Aizen si Bryce.
"Aizen, pwede ba kitang makausap?" Pagkuha ko ng atensyon ni Aizen. Si Mykiel naman ay nakipaglaro sa ibang bata.
"Yes, sure. Doon tayo sa pool area magusap para hindi maingay." Hinawakan na ni Aizen ulit ang kamay ko at pumunta kami sa pool area. Grabe ang ganda naman dito. "Wait me here. Kukuha lang ako ng maiinom nating dalawa para makapagusap tayong dalawa."
Hindi na niya hinintay ang sagot ko dahil pumasok na siya loob ng bahay. Humarap ulit ako sa pool dahil pinagmamasdan ko ang ganda ng view dito.
"Long time no see, Aya." Nilingon ko kung sino iyon, si Bryce pala. "I wasn't expected magkakabalikan pala kayo ulit ni Aizen."
"Hindi pa kami nagkakabalikan ni Aizen, Bryce. Don't assumed."
"Hindi ko alam na sobrang bulag ni Aizen dahil hindi niya alam na may anak siya sayo." Namilog ang mga mata ko. Nanigas ang buong katawan ko sa sinabi ni Bryce. Paano niya nalaman kung sino ama ni Mykiel. "I know very well. Eizen Mykiel Collins, who's turning 6 this year. You took his first name from his father.
"P-Paano mo nalaman ang tungkol diyan?"
"I have plenty of connections, Aya but I'm the right person who should tell Aizen about his son."
"Sasabihin ko sa kanya ang lahat once he got the results. Sasabihin ko ang katotohanan kahit pa kung sino ang ama ni Mykiel."
"Oh, well... Much better." Kibit balikat bago tuluyang umalis sa harapan ko. Nakita kong bumalik na si Aizen.
"You okay, wifey?" Tanong niya sa akin kaya tumango ako. Kinuha ko sa kanya ang isang inumin sa kamay niya. "Ano pala ang paguusapan natin?"
"Tanda mo pa noon kung gaano ko ayaw sayo? Yung panahong galit pa ako sayo." Humarapan ulit ako sa pool habang iniinom ang wine.
"Yes. Paano ko naman makakalimutan iyon? And believe me, I didn't mean it."
"I know." Tumingin ako sa reflection ko sa tubig ng pool. "Hindi ko naman inaasahan na magkakagusto ako sa katulad mo noon."
"Really?" Tumango ako sa kanya. Tanda ko pa umamin ako sa kanya. Hinding malabong nakalimutan na iyon ni Aizen.
"Ang totoong niyan." Napahawak ako ng dibdib ko dahil ang lalas ng kalabog ng puso ko. "Mahal pa rin kita hanggang ngayon, Zen."
"I know. Hindi ako naniniwalang sinabi mong hindi mo na ako mahal. Iniisip kong sinasabi mo lang iyon para saktan ako at kalimutan ka. Gusto man kitang kalimutan pero hindi ko magawa. Ikaw palagi ang lumalabas sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko. Yesterday, I realized how much I love you. Ayaw kong makita kang may kasamang ibang lalaki, especially my friends. Gusto ko ako lang ang kasama mo." Pinaharap ako ni Aizen kaya napatingin ako sa mga mata niya. "I was jealous everytime you talked about Caleb. Alam ko siya ang palagi mong kasama. He is your friend."
Pagkasabi niyang iyon ay hinalikan na niya ako sa labi. Iba ito sa naunang halik namin.
Kinabukasan...
Dito pala kami bahay ng step father niya natulog pagkatapos ng party. Kaya bumangon na ko pero may napansin akong tao nasa tabi ko, ang sarap ng tulog niya. Napapangiti ako sa tuwing naalala ko ang nangyari kagabi.
"You like to watch me while I'm sleeping?" Dahan-dahan nito minumulat ang mga mata at tumingin sa akin. Ngumiti na rin sa akin si Aizen.
"Ayaw ko pang bigyan ng kapatid si Mykiel."
"Why not? Mas mabuti ngang bigyan na natin siya ng kapatid."
Hindi na ako nakapagsalita pang muli. Alam kong mag ideya na si Aizen pero hindi lang niya sinasabi. Gusto siguro niya sa akin manggaling ang katotohanan.
"Masaya ako sa tuwing kasama si Mykiel, Aya. Gustong gusto niyang tawagin akong daddy kaya pumayag ako sa bata. But I don't know pero nakakaramdam akong lukso ng dugo sa tuwing kasama yung bata. Para bang tunay ko siyang anak."
Pero anak mo talaga siya, Aizen. Kaya lang hindi ko masabi sa kanya ng harap harapan baka hindi pa ako handang sabihin sa kanya.
BINABASA MO ANG
STATUS: Married With My Ex
RomanceSTATUS: In A Relationship With My Step Brother book 2 Sobrang nasaktan si Aizen noong hindi nagpakita si Aya sa kanya. He thought Aya loves him pero mukhang nagkamali siya sa inakala niya. Umalis ng bansa si Aizen na may sama ng loob kay Aya. Unexpe...