Huminga ako ng malalim nang nandito ako sa tapat ng isang ospital. Walang nasa ospital, hindi porket nandito ako ngayon sa tapat ng ospital ay may kakilalang confined. Pwede namang magaapply dito. They want to test my skills as a doctor bago ko makuha ang posisyon. Umalis na kasi sa dating pinapasukan ko kasi naman napakamanyak ng dating boss ko. Bwesit! Mukhang hinuhubaran ako sa isipan.
"Good morning, ma'am. Sino pong pasyente ang bibisitahin niyo?" Tanong ni manong guard.
"Wala po akong bibisitahin na pasyente, manong. I just want to talk with the owner of this hospital, may appointment po kasi ako sa kanya."
"Wala pa po si doc ngayon, ma'am."
"Mga anong oras po siya makakapasok ngayon?"
"Hmm..." Tiningnan ni manong guard yung relo niya para tingnan ang oras. "Sa tingin ko mamaya nandito na rin si doc."
"Pwede po bang pumasok sa loob o maghintay sa labas ng opisina niya? Ang init kasi dito sa labas, eh."
"Sure po. Nasa 2nd floor ang opisina ni doc at room 112."
"Salamat, manong." Pumasok na ako sa loob ng ospital. Ang laki naman dito parang hindi ospital. Kung wala lang sigurong pasyente dito hindi iisiping ospital ito. Baka nga isipin kong isa itong hotel.
Nang makarating na ako sa 2nd floor ay hinahanap ko yung sinasabi ni manong guard na opisina ng may ari nitong ospital. Hindi ko kasi alam ang pangalan. Si Callie lang ang nagrecommend sa akin na pumunta dito.
"Ah, heto." Sumilip ako sa glass door pero wala talagang tao pa sa loob. Umupo na muna ako dito sa waiting area dahil ang sabi ni manong guard ay dadating na rin siya mamaya.
Napatayo ako sa kinauupuan ko noong mabasa ko yung nakapaskal sa pader sa tabi ng opisinang ito.
"What?! Dr. Aizen Evergreen?!"
Pagsinuswerte ka naman talaga, oo. Sa daming ospital na pwede kong pasukan dito pa talaga na kasama ni Aizen. Pero wait! Kung pangalan niya ang nakapaskal dito ibig sabihin siya ang may ari nito?! Shit! Pag minalas ka naman.
"Yes? You called?" Napatingin ako noong may nagsalita. Nakangisi siya ngayon sa akin. Problema nito?
"Nagulat lang ako noong makita kong pangalan mo nakapaskal diyan. Hindi ko lang kasi inaasahan na ikaw pala ang may ari ng ospital."
"Pwes, simula ngayon ay maniwala ka na." Nagtawag siya ng isang guard para pabuksan ang pinto ng opisina niya. "Ikaw siguro yung sinasabi ni manong na naghihintay sa akin."
"Y-Yeah, ako nga."
"Sorry kung ngayon lang ako dumating kasi ang traffic."
"Hindi, ayos lang. Sanay na rin naman ako maghintay. At least nakarating nga kayo." Okay? May pagkasarcastic iyon ah.
"Okay. Whatever." Nang bumukas na yung pinto ay niluwagan na ni Aizen ang pinto. "Pumasok ka na at sa loob na tayo magusap."
Kahit kailan may pagkagentleman talaga ang lalaking ito. Niyaya niya akong pumasok pero sinaraduhan rin naman ako ng pinto. Psh.
"Bakit dito mo gustong pumasok, ms. Collins?" Tanong nito sa akin. Kibit balikat lang ako.
"Itong ospital mo kasi nirecommend sa akin ni Callie. Ang sabi niya bago pa lang itong ospital at maghahanap pa daw ng mga magagaling na doctors."
"I see.. Pero sabi dito sa resume mo ay wala ka pang karanasan magtrabaho sa isang ospital dahil nagtatrabaho ka noon sa isang kumpanya." Sabi niya habang nakatingin sa resume ko.
"Tama iyon."
"Sa anong dahilan kung bakit ka umalis sa kumpanya na dating pinapasukan mo? Mukhang maganda naman doon at malaki ang sahod."
BINABASA MO ANG
STATUS: Married With My Ex
RomanceSTATUS: In A Relationship With My Step Brother book 2 Sobrang nasaktan si Aizen noong hindi nagpakita si Aya sa kanya. He thought Aya loves him pero mukhang nagkamali siya sa inakala niya. Umalis ng bansa si Aizen na may sama ng loob kay Aya. Unexpe...