Chapter 23

5.6K 122 0
                                    

Nagulat na lang ako noong bumisita dito sa bahay si Callie. Himala wala yata siyang trabaho ngayon.

"Gising na pala ang sleeping beauty." Sabi ni Callie.

"Sleeping beauty ka diyan. Bakit ka ba nandito?"

"Pasalamat ka buntis ka kahit best friend kita pwede kitang awayin, no."

"Wow ah. Nagtatanong lang ako dahil alam ko namang busy ka sa restaurant."

"Tapos ko na rin ang mga ginagawa ko ngayon sa restaurant." Tumingin siya sa paligid ng bahay bago tumingin ulit sa akin. "Wala ba si Aizen?"

"Nasa kwarto ni Myke. Baka naglalaro ang dalawa."

Alam ko naman kung wala dito sa may sala si Aizen ay nasa kwarto namin, kung wala naman siya doon nasa kwarto lang siya ni Mykiel. Kung wala baka pumasok sa trabaho. Alam ko naman kung gaano siya kailangan sa ospital niya.

"Kailan ka pala manganganak?"

"Sabi ng doctor anytime pwede na ako manganak."

"Magkakaroon na pala kayo ng dalawa pang anak."

"Yep. Excited na nga yung dalawa sa pagdating ng kambal." Hinimas ko ang tyan ko habang nakangiti. "Musta ka na pala?"

"I don't know. Hindi kasi mawala sa isip ko yung sinabi sa akin ni Caleb noong birthday ni Mykie."

"Na gusto niya si Alex kaysa kay Luca?"

"Yes. Alam ko naman seryoso si Alex sa akin pero---"

"Pero hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa kanya. At si Luca ang gusto mo."

"Paano mo nalaman? Ganoon ba obvious?"

"Yes. Ang akala ko nga may pagasa si Alex sayo." Kumunot ang noo ng kaibigan ko. "Kasi naman nakita ko kayong dalawa noong kasal namin ni Aizen."

"Ah, yun ba. Gusto ni Alex na magkilala niya ako at enjoy naman akong kausap siya."

Ayaw ko naman sabihin kay Callie na nagiba ang expression ni Luca noong makita silang dalawa ni Alex noon. Baka umasa ang kaibigan ko at ayaw ko namang makita siyang umiyak pag hindi siya seryosuhin ni Luca.

"Let's make a deal, Callie."

"Huh? Ano naman ang pakulo mo, Aya?"

"Nahawa ako sa inyo ni Nika kaya pumayag ka na."

"Sige na nga. Ano ba iyon?"

"Sa loob ng isang buwan ay panigurado akong magkakagusto ka na kay Alex."

"Paano naman kung hindi? Ano ang gagawin ko sayo?"

"Kung hindi. Hindi na kita kukulitin. Kung saan ka masaya, masaya na rin ako para sayo. Pero tandaan mo yung sinabi mo sa akin noon?"

"Ang alin? Ang dami kong sinasabi sayo."

"Husband material si Alex at kani-kanila lang sinabi mo rin na masayang kausap si Alex. Pakiramdam ko ito na, eh."

Bumungtong hininga siya.

"Yeah, maybe I said that." May sinasabi pa siya pero hindi ko na maintindihan. Ano ba iyon?

"Ano ang sinasabi mo?"

"May sinasabi ba ako? Nagiimagine ka lang yata."

"May sinasabi ka pero wala naman ako maintindihan."

"Wala akong sinasabi." Denial talaga. Ayaw yata sabihin sa akin kung ano iyon.

Nakita kong bumaba ng hagdanan si Aizen pero mukhang hindi niya kasama si Mykiel.

STATUS: Married With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon