Chapter 19

5K 125 1
                                    

Today is the day! Ang araw ng kasal namin ni Aizen pero bigla na lang tumulo ang luha ko noong naalala ko ang mga magulang ko.

"Gosh, Aya. Nasira na ang make up mo." Bungad ni Callie. Kasama ko kasi sila ni Nika.

"Sorry. I missed my parents."

"It's okay, ate Aya. Kung saan man ang mga magulang mo ay paniguradong proud sila sayo." Sabi ni Nika.

"Tama si Niks. Kaya huwag ka na umiyak at malapit na magsimula ang seremonya."

"Pupunta ba si Caleb?" Tanong ko. I missed Caleb. Matagal na ang huling pagkikita naming dalawa. Ang sabi ni Callie ay sobrang busy daw sa trabaho.

"Ayaw ko man sabihin sayo ito pero walang balak pumunta si Caleb." Nalungkot ako sa sinabi ni Callie. Walang balak si Caleb.

"Who's Caleb?" Tanong ni Nika. Hindi pa pala niya nakilala si Caleb.

"Kakambal ko na crush ni Aya noong high school kami."

"Si Aizen kasi ang pinakamataas sa kanilang dalawa ni Caleb. Kaya siguro si Aizen ang pinili ko."

Nagsimula na ang sermenyo ng kasal namin ni Aizen. Masaya ako dahil ikakasal na ako sa lalaking laman ng puso ko.

"Do you Aizen Evergreen take Aya Collins as your wedded wife?"

"I do."

"Do you Aya Collins take Aizen Evergreen as your wedded husband?"

Hindi ako nakasagot agad kaya pinisil ni Aizen ang kamay ko.

"I do."

After saying I do. Kailangan namin mag-exchange vows.

"We maybe hate each other before pero iba ang nararamdaman ko noon. Hindi ko alam nagkakagusto na pala ako sayo pero noong grumaduate tayo ng elementary ay hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi na kita kaklase pero mabuti nakapaglaro ang tadhana para sa atin dahil nagkita ulit tayo. We've been classmate for 10 years. Masaya ako na maging girlfriend ka for 2 years kahit alam nating maraming huhusga sa atin but in the end hindi pala tayo magkapatid." Napangiti ako sa tuwing naalala ko iyon habang may luhang pumapatak. Am I crying? Hormones? O tears of joy? Ugh, maybe both. "Nagkahiwalay man tayo pero sa hindi inaasahan ay nagkita ulit tayong on my graduation and after 6 years hindi ko alam na may anak pala ako sayo. Kaya masayang masaya ako na ikaw ang ina ng mga anak ko. I love you."

Nakita kong may luha na ang pumapatak sa mata ni Aizen. Umiiyak rin siya.

"Kahit malaki ang kasalanan ko sayo noon ay nagawan mo pa rin akong mahalin. Noong nalaman kong may girlfriend ka na ay masaktan ako ng lubusan dahil ang iniisip ko ay kung huli na ba ako para mahalin mo ulit ako. After 6 years nagkita ulit tayo sa sementeryo pero binalita mo sa akin na ikakasal ka na kaya lalo akong nasaktan dahil may anak tayo. Pero sa tuwing magkasama kayo ng anak natin at nakikita kong masaya siya ay masaya na rin ako. Ikaw lang ang lalaking minahal ko ng ganito. Ikaw lang ang lalaking gusto ko makasa habang buhay. Ikaw lang ang lalaking nagpatibok ng puso ko. I love you."

"And now I pronounce you husband and wife. You may kiss the bride."

Tinaas na muna ni Aizen ang suot kong belo bago siniil ng halik. Ang mga bisita namin ay nagpalakpakan. Pagkatapos ay nagpicturan na. Kaming tatlo ang una, family picture. Buhat ni Aizen si Mykiel. Tapos ang family ni Aizen, si Callie and lastly yung mga tropa ni Aizen.

Pumunta na kami ngayon sa reception. Magkakasiyahan lahat na bisita namin.

"Kumain ka lang kumain, wifey. Para maging malusog ang kambal." Todo alaga nga sa akin ni Aizen noong nalaman naming buntis ako.

"Yes po. Kakain ako para tumigil ka na maglagay ng pagkain sa plato ko. Hindi ko naman mauubos ang lahat na ito."

"Sorry, gusto ko lang  maging malusog ang kambal."

Mukhang pinaglilihian ko ang asawa ko kasi ayaw kong lumayo siya sa akin. Kung saan siya ay dapat nandoon rin ako. Alam kong ayaw niya ng ganoon dahil hindi siya makapagtrabaho kung sumusunod ako sa kanya. Pag wala kasi ang presensya niya ay umiiyak ako dahil sa hormones. Kainis nga, eh.

"Hey." Napatingin kami pareho ni Aizen sa nagsalita. Si Chuck. Nandito sa harapan namin yung tatlo pero napansin kong nakatingin si Luca kay Callie habang busy naman ang kaibigan ko kausap kay Alex. "Sa ating magkakaibigan ay ikaw ang unang nagkaroon ng asawa, Aizen. Congrats sa inyo."

"May problema ba, Luca?" Humarap naman siya sa akin noong tinanong ko siya.

"Nothing. Anyway, congrats sa inyong dalawa." Umalis na sa harapan namin si Luca.

"Ano nangyari sa kaibigan natin?" Tanong ni Buck.

"Heart broken yata." Sagot ni Aizen.

"Huh? Bakit mo naman nasabi iyan?" Takang tanong ni Chuck.

"Hindi niyo ba napansin may in love ang kaibigan natin. May gusto siya kay Callie." Pati ako ay napatingin kay Aizen. Weh? May gusto si Luca kay Callie?! Pero mukhang may gusto rin ang kaibigan ko kay Alex.

"Ate Aya." Biglang sumulpot sa likod namin si Nika. Umalis na rin si Chuck sa harapan namin. "Kuya Aiz. Congrats."

Ngumiti ako kay Nika.

"Isa pa iyon umalis. Ano problema ng mga kaibigan natin? Huwag mong sabihin parehong heart broken?" Natatawa si Aizen sa reaksyon ni Buck. Nakakatuwa naman kasi. "Napagiwanan na yata ako ah."

"It's better for you to find a girlfriend, Buck. Hindi ka bumabata at masaya kung kasama ka sa buhay."

Umalis na rin si Buck at sakto naman ang lapit sa amin ni Enzo.

"Congrats to the both of you. And sorry, I really need back in Australia."

"Akala ko hanggang New Year ka pa dito?" Tanong ni Aizen. Sumalubong na ang mga kilay nito.

"I want to but I can't. Nakaabot sa mga media ang nangyari sa dito. Maybe I should break up with Van because I don't want to ruin her fame and reputation."

"Mas mabuti pa."

"After nitong gulong pinasok ko ay babalik ako dito at baka yayain ko na si Aria magpakasal."

"Siguraduhin mong tuloy na sa simbahan ah." Natatawang sambit ni Aizen.

"Oo naman. Iimbitahin ko kayo sa kasal namin at papasyal ko kayo sa Australia."

"Hindi pa nga umoo kasal agad ang topic mo." Nakangiting sabi ko habang nag-peace sign. Humalakhak naman si Aizen.

"Excited na, wifey. At saka hindi na bumaba si Enzo kaya kailangan na niyang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya." Tumingin naman agad siya kay Enzo. "Kailan ang alis mo?"

"Tomorrow morning."

"Good. May announcement pa kasi ni Aya bago matapos ang reception."

Bumalik na si Enzo sa table niya. Tumayo na rin si Aizen para kunin ang atensyon ng mga bisita, tumingin naman silang lahat sa amin.

"First of all, I would like to say thank you for coming today to our wedding." Tumakbo papalapit sa amin si Mykiel kaya binuhat ni Aizen. "And second some announcement from me and my wife."

Ang tahimik ng mga bisita. Hinihintay nila ang announcement ni Aizen.

"We're having a babies.." Anunsyo ni Aizen.

"Babies?" Bulung-bulungan ng ibang bisita.

"Yes. Tama ang narinig niyo. Babies because it's a twins."

"Talaga po? Magkakaroon ako ng dalawang kapatid?"

"Yes, baby boy. Magiging kuya ka na."

"Yay!" Pumalakpak pa sa tuw si Mykiel. "I'm not a baby boy anymore, mommy."

"Then, we should call you big boy because you are a soon to be kuya." Sabi ni Aizen. Tumango si Mykiel. Talagang close ang dalawan ito.

Narinig ko yung ibang bisita nagsasabi ng congrats sa amin tapos yung iba naman pumapalakpak.

STATUS: Married With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon