Nandito na kami ngayon ni Mykiel sa bahay ni Aizen. Malaki ito pero nagiisa lang siyang nakatira. Tinawagan ko pa siya noon at tinulungan pa ako magayos ng mga gamit namin kahit ayaw ko pero ang kulit talaga ni Aizen. Hindi pa nga siya pumasok noong araw na iyon para makasama niya ng matagal ang anak namin. Ang sarap ngang pagmasdan yung dalawa habang naglalaro ng basketball sa likod. May mini court si Aizen dito at ang sabi niya pinalagay niya talaga iyon para makalaro sila ni Mykiel. Gusto rin ni Mykiel maglaro ng basketball, may pinagmanahan siya sa daddy niya.
"Good morning, wifey." Sabi ni Aizen habang abala ako sa pagluluto ng agahan namin.
"Ang aga mo naman. Alam kong napagod ka dahil kay Myke."
"I'm fine. May kailangan pa akong tapusin at may pasyente pa ako mamaya."
"Sobrang busy ng schedule mo ngayon ah." May pagaalala sa boses ko. Nagaalala kasi ako sa kalusugan ni Aizen kasi naman minsan hindi natutulog.
"Yeah. Ganyan talaga ang mga doctors. Minsan walang sariling oras."
"Here. Uminom ka na muna ng kape kasi mamaya pa ako papasok."
"Why? Bakasyon naman ni Mykiel ngayon."
"I know. Hindi naman patas kung ikaw lang palagi kasama ni Myke."
"For past 6 years ikaw palagi ang kasama niya. Gusto ko lang bumawi sa anak natin."
"Ayaw ko makipagtalo sayo, Aizen."
"Ayaw ko naman pumasok na may sama ng loob ka sa akin, Aya." Humarap siya sa akin habang hawak ang tasa ng kape. "Aayusin ko ang schedule ko ngayon buwan para magkaroon ng oras na makasama ko kayong dalawa. Gusto kong bumawi sa inyo."
Wala na akong magawa kaya tumango na lang ako sa kanya.
"Kung maaga ako nakauwi ngayon ay pagusapan natin ang kasal. Okay?"
"Hindi ba tayo sasabay uuwi?"
"It depend. Kung wala na akong pasyente makakauwi ako ng maaga."
"Okay. Naiintindihan ko naman kung gaano ka busy basta huwag mo lang hayaan ang sarili mo." Binigyan ko siya ng halik sa labi.
"Good morning, daddy and mommy." Gising na pala si Mykiel.
"Kain ka na, baby boy." Pinaupo ko na si Mykiel para makakain na pero nakita kong tumayo na si Aizen.
"Magaasikaso na ako." Sabi nito.
Sinundan ko na sa taas si Aizen sa kwarto pero nasa loob pa siya ng banyo dahil naliligo pa ito.
Pagkapunta ko sa ospital ay nakita ko si Aizen nagra-round ng mga pasyente niya ngayon. Ngayon lang kasi nakapasok kasi ang dami ko pang binilin kay Mykiel. Abala rin si Callie ngayon tapos ayaw naman ni Aizen kay Caleb.
"Ang gwapo talaga ni dr. Evergreen." Sabi ng isang babae.
"Yeah. Ang swerte ang magiging girlfriend niya." Sagot ng kasama nito.
Napangiti ako noong nilagpasan ko na sila. Maswerte naman talaga ako kay Aizen dahil mahal niya niya si Mykiel kahit noong wala pa siyang alam anak niya si Mykiel. Pagkapasok sa clinic ni Aizen ay ang tahimik dapat masanay na ako dahil palagi naman ganito dito lalo na't palaging busy si Aizen.
Bumuga ako ng hangin hanggang may narinig akong kumatok at binuksan na noon ang glass door.
"Hi." Sabi niya. Itong pinsan ni Aizen ay hindi marunong tyumempo na walang ginagawa si Aizen.
"Aizen isn't here."
"I know. Nagkita kami kanina bago ako pinapunta dito." Lumapit siya sa desk ko. "I haven't get your name yet."
"Aya. Aya Collins."
"Nice to meet you, Aya. I'm Enzo and I'm sure you know already I'm Aizen's cousin."
"Yes, he is."
"I'm glad." Mukhang nakahinga pa siya ng maluwag. "Ang balita ko ay ikakasal na kayong dalawa. Mukhang mauunahan pa niya ako but congrats."
"Hindi ba may fiancee ka?"
"Yep, I have."
"If you don't mind bakit ka pa humahabol sa ibang babae?"
"I don't really mind. Malalaman at malalaman rin naman ang iba ang tungkol dito." Umupo siya sa upuan sa harap ng desk ko. "Hindi ko rin alam kung bakit pero noong pagkakita ko sa kanya ay nahulog na ako sa kanya. Ang bait niyang babae."
Tumatango tango lang ako sa kanya.
"Ikaw... bakit si Aizen?"
"He is my classmate since elementary until high school. Ayaw ko talaga sa kanya dahil palagi niya ako pinagtritripan noon."
"Until you fell in love?"
"Hindi." Umiling pa ako ng ulo. "He is my first love. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya dahil palagi kami nagaawaysa tuwing nagkikita kami."
"Oh. The more you hate, the more you love. That's nice." May itsura ang pinsan ni Aizen na ito kaya siguro maraming babae ang magkakagusto sa kanya. Mabait daw, mukha naman. "You know, boto ako sayo para kay Aizen. Sa tuwing bumibisita kami dito ay palaging dumidikit sa akin si Aizen noong bata pa siya kaya hanggang ngayon ay close pa rin kami isa't isa."
Nakita kong pumasok si Aizen, mukhang tapos na siya magrounds ngayon at hinampas niya sa ulo ni Enzo ang hawak nitong records ng pasyente.
"Ow." Lumingon si Enzo sa likod niya. "What is that for?"
"Are you flirting my fiancee?"
"Ang brutal mo and I didn't flirt with your fiancee. Naguusap lang kaming dalawa at may mahal na akong iba kaya nga nandito ako sa Pilipinas ngayon."
"Kung hindi dahil sa kanya hindi mo iisipang umuwi kung saan ka nanggaling."
"Busy lang talaga ako sa trabaho. Mabuti nagawan ko ng paraan."
"Ano pala ang kailangan mo kung bakit nandito ka?"
"Malapit ka na rin naman ikasal, Aiz. Why we don't have a stag party?" Kumunot ang noo ko. Kung ako lang masusunod hindi ako papayag sa pumunta si Aizen sa ganyan.
"Thanks but no thanks."
"Come on! Minsan ka nga lang ikasal kaya pumayag ka na." Tumingin sa akin si Enzo.
"Fine by me, hubby. As long as you won't cheat on me."
"Oh, pumayag na si Aya kaya sumama ka na and invite your friends na sina Chuck, Buck at Luca."
"What?! Fine, alam kong marami ang pinagsamahan naming apat. And I should invite Alex as well."
"The more the merrier."
Nagpaalam na si Enzo dahil may gagawin pa daw siya.
"Sigurado ka bang pinapayagan mo ko pumunta sa ganoon?" Tanong ni Aizen.
"Yes. Basta hindi ka tumingin sa ibang babae kung meron man dinala ang mga kaibigan mo. Kilala ko rin sina Chuck, Aizen." I crossed my arms against my chest.
"I will. Ayaw ko naman umalis ka kasama si Mykiel. At mukhang magkakayaan rin si Callie para sa girls night out niyo."
"Hindi ako interesado sa ibang lalaki dahil ang gusto ko lang ang ama ng anak ko."
"Much better. Iyan ang gusto kong marinig galing sayo. At dahil wala na rin naman akong gagawin kaya saka maaga pa naman."
"Anong gusto mong gawin natin?"
"Pagusapan ang tungkol sa kasal."
Pinagusapan na nga namin ang tungkol sa kasal. Gaganapin ang kasal namin ni Aizen at beach wedding. Sa reception namin gusto ko simple pero ang gusto ni Aizen engrande dahil minsan lang daw ikasal ang tao. But in the end ako pa rin ang panalo. Wala pa nga lang mung kailan gaganapin.
"Aasikasuhin na muna natin ang mga kailangan sa kasal."
"Yes but before that kailangan mo muna asikasuhin ang schedule mo."
"I will. Tatapusin ko ang lahat na trabaho ko and by next week hanggang matapos ang buwan."
BINABASA MO ANG
STATUS: Married With My Ex
RomanceSTATUS: In A Relationship With My Step Brother book 2 Sobrang nasaktan si Aizen noong hindi nagpakita si Aya sa kanya. He thought Aya loves him pero mukhang nagkamali siya sa inakala niya. Umalis ng bansa si Aizen na may sama ng loob kay Aya. Unexpe...