Pagkaalis ng mga bisita namin ay dumeretso na kami ni Aizen sa honeymoon. Pinaiwan na muna namin si Mykiel sa bahay ng magulang ni Aizen.
"How's my wife?" Lumingon ako kay Aizen. Ang saya ng ganito, hindi yung magtatago kami sa ibang tao dahil takot ako paghusgahan ng iba. Gusto ko kasi ipagsigawan sa iba ang isang Aizen Evergreen ay pagmamay ari ko. Masyado bang possessive? Ayaw ko kasi may kaagaw ako kay Aizen, kahit alam ko namang mahal talaga niya ako at hindi niya ako ipagpapalit sa iba. Magkahiwalay kami pero nagkabalikan rin. Kaya ito kasal na kami.
"Masaya dahil ikaw ang naging asawa at ama ng mga anak ko."
"I'm sure you will." Niyakap niya ako mula sa likod. "Are you hungry? Baka nagugutom na yung kambal."
"Ayan ka na naman, hubby. I'm fine at saka ayaw ko tumaba."
"Kahit tumaba ka pa ay ikaw lang ang babaeng mahal ko. Wala ng iba."
"Lalong tumatagal ay nagiging keso ka."
"Why? Masanay ka na dahil simula ngayon ay palagi magiging keso sayo, Aya."
"Ayaw kong dagain ah."
"Nah. Don't worry, maglalagay ako ng pusa sa bahay para walang daga makapasok sa loob." Tumingin ito sa akin. "Ilan ang gusto mo?"
"Na ano?" Tumingin na rin ako sa kanya. Inch apart ang mukha naming dalawa at malapit na maghalikan.
"Pusa. Imposible naman anak."
"Tumigil ka! Dalawa itong dinadala ko tapos may anak pa tayo sa Manila. And I don't like cats."
"Really? You don't like cats." Tumango ako sa kanya habang nakatingin sa dagat. Hindi ko pala nasabi nandito kami ngayon sa cruise. Ang ganda nga ng loob. May indoor pool tapos jacuzzi. "Anong gusto mong pet?"
"Dagdag alagain pa iyan, Aizen. Ikaw nga hirap na ako pets pa kaya."
"Ano? Bakit naman ako?"
"Mas pasaway ka pa sa anak mo."
"Huh? Kailan ako naging pasaway?" Pinaharapan na ako ni Aizen kaya nakatitig ako sa mga mata niya. "Hindi ako pasaway."
"Hindi daw. Huwag ako, Aizen. Huwag--" Hindi pinatapos ni Aizen ang sasabihin ko dahil siniil niya ako ng halik. Pinaghahampas ko siya sa braso. Napaungol ako noong kinagat ni Aizen ang labi ko. Ako na ang humiwalay dahil kailangan ko maghabol ng hangin. "Kainis ka!"
"Sorry na, wifey. Pero hindi naman talaga ako pasaway."
"Akala ko pa naman nagbago ka na dahil noong pagkakita ko sayo noon ay matured ka na."
"Ah, iyon ba? Pakitang gilas ko lang yun. Pero seryoso ako sa klase kaya nga may title akong suma cum laude." Hindi na ako umimik dahil kaya ako lamangan ni Aizen pag naging seryoso siya noon. Kahit akong nakuhang ganoon ay ayos lang sa akin dahil mahalaga ay nakagraduate ako. "Bati na tayo?"
"Okay."
"Anong okay? Okay na magenjoy tayo sa first night as husband and wife?"
"Tumigil ka, mister! Kita mo naman buntis ako tapos kung anu-ano ang iniisip mo." Hinawakan ko ang tyan ko na medyo halata na. "Hindi maitatanggi na buntis talaga ako."
"Ayos lang iyan. Gawin nating triplets or quadruplets-- Ow." Hinampas ko siya ng malakas sa braso. "Amazona ka na ah."
"Kainis ka. Anong triplets o quadruplets ang pinagsasabi mo?"
"Hindi ka na mabiro, Aya. Nagbibiro lang ako."
"Ewan ko sayo." Pumasok na ako sa loob dahil naiinis talaga ako kay Aizen. Pagkarating ko sa kwarto ay humiga na ako sa kama. Gusto ko matulog na dahil inaantok na ako.
Nagising ako ay gabi na pala. Napahaba yung tulog ko kanina hanggang may kumakatok sa pinto.
"Wait lang." Inaayos ko ang itsura ko ngayon.
"Ma'am, pinapupunta po kayo ni sir Aizen sa upper deck." Sabi ng crew sa akin.
"Ah, sige. Salamat."
Ano naman kaya ang kailangan ni Aizen sa akin? Pagkatapos niya akong asarin kanina.
Pagkarating ko sa upper deck ay may nakita akong pagkain. Naalala ko bigla hindi pala ako kumain kanina.
"Ano ito? Suhol?"
"Grabe naman. Hindi ito suhol. Gusto ko lang humingi ng sorry sa ginawa ko kanina at alam kong hindi ka pa kumakain. Kaya kain na muna tayo."
Alam kong hindi pumapayag si Aizen na hindi kami nagkaayos agad. Kaya siguro gumawa ng paraan para magkaayos kami. Napangiti ako dahil naappreciate ko ang effort na ginawa niya para sa akin.
"Talagang may ganiti ka pa nalalaman ah." Sabi ko at nagsimula na rin ako kumain.
"Siyempre. Ang gusto ko memorable ang honeymoon natin."
"Pinapatawad na kita, hubby. Basta huwag mo na uulitin ang ginawa mo kanina kung ayaw mo sa ibang kwarto ka matulog o kasama ng mga crews." Pagbanta ko sa kanya.
"Wifey naman. Walang ganyanan. Promise, hindi ko na uulitin ang ginawa ko kanina. Ayaw ko naman hindi kita katabi matulog."
2 months later...
Naging busy na si Aizen sa trabaho dahil marami daw siyang pasyente na kailangan tingnan. Nababagot na rin ako dito kaya magpasya ako bisitahin si Aizen kasi naman nasa klase pa si Mykiel kaya ako lang ang tao dito.
Nang makarating na ako sa clinic ni Aizen pero hindi ako sigurado kung nandito na siya ngayon.
"Gail, you shouldn't be here?" Kumunot ang ko noong narinig ko ang boses ni Aizen. May kausap siya.
"Why? My brother allowed to visit you but I can't. Unfair." Boses ng babaeng iyon ah.
"How long you've been here? Why aren't you with your brother?"
"Have you heard Enzo broke up with Vanessa?" Lalo tuloy kumunot ang noo ko noong marinig ko pangalan ni Enzo. Pinsan ni Aizen. Imposibleng babaero ang pinsang iyon.
"Not yet. I haven't talk with Enzo."
"I see. He already broke up with her because he said he loves someone else."
"Oh? I think I know her."
"Really? Who?"
"Aria Bailey. The woman he followed until here."
"What?! He is in love with ate Aria?!"
"You know her?"
"Yes, I met her twice. First when Enzo visited us in Sydney and second, on my birthday." May narinig akong tili. Tumitili yung kausap ni Aizen. "I like her for my brother."
Brother?! Kapatid pala ni Enzo ang kausap ni Aizen. Ibig sabihin pinsan din niya.
"Gail, stop squealing."
"I heard Enzo is coming here again but I don't know when."
Nakita ko ang pagbukas ng pinto at nagulat si Aizen pagkakita niya sa akin.
"Wifey?! Ano ang ginagawa mo dito?" Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. I pouted. "M-Mali ka ng iniisip."
"No, hindi iyon iniisip ko at narinig ko lahat na pinaguusapan niyo kanina."
"Kuya Aizen, who is she?"
"Ah Gail, si Aya. My wife."
"Your wife? So, Enzo told us you're married. It's really true."
"Yes. Bakit hindi ka naniwala kay Enzo?"
"I trusted my brother ever since. He is only my best friend."
"Then, you should." Nilagay niya ang kangang kamay sa ulo ng kausap niya at humarap sa akin. "Wifey, ito pala si Gail. Kakabatang kapatid ni Enzo."
"Nice to meet you." Nakangiti ako kay Gail. Ngayon ko lang kasi nakilala ang ibang relative ni Aizen.
"Nice to meet you too, ate Aya."
BINABASA MO ANG
STATUS: Married With My Ex
RomanceSTATUS: In A Relationship With My Step Brother book 2 Sobrang nasaktan si Aizen noong hindi nagpakita si Aya sa kanya. He thought Aya loves him pero mukhang nagkamali siya sa inakala niya. Umalis ng bansa si Aizen na may sama ng loob kay Aya. Unexpe...