Chapter 9

6.3K 136 2
                                    

Ito ang pinakayaw ko, eh. Ang sama ng tingin sa akin ni Callie para bang mangangaen ng buhay. Si Mykiel ay nasa kusina at kumakain ng agahan. Maaga kasi pumunta sa bahay si Callie ngayon noong sinabi ko sa kanya kagabi na sinabihan ako ni Aizen na mag day off na muna ako.

"Magsalita ka na, Aya."

"Ano ang gusto mong malaman?"

"Lahat. Pero siyempre ang gusto ko unahin kung sino ang ama ni Mykie." Napakagat ako ng lower lip ko. Sabi ko nga sasabihin ko sa kanya ang lahat na gusto niya malaman.

"Aizen."

"What?! Kailan nangyari iyan?!"

"Noong pumunta kami ni tito Caine sa states para sa graduation ni Aizen. After nang graduation niya ay pinasundan sa akin ni tito Caine si Aizen hanggang nakita kong huminto at pumasok siya sa isang bar."

"Lasing siya tapos may nangyari sa inyo?"

"Hindi siya lasing kaya naalala niya ang lahat. Tinanong niya ako kung bakit ako hindi nagparamdam sa kanya bago siya umalis."

"Akala ko siya ang nakipaghiwalay sayo."

"Sorry, I lied. Ako ang nanakit kay Aizen. Kaya hindi naging seryoso sa isang relasyon ngayon si Aizen."

"At ikaw hindi ka na pumapasok sa isang relasyon pagkatapos noon."

"Inamin niya sa akin kahapon na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ako."

"At naniniwala ka naman sa kanya? Paano na lang kung sinasabi lang niya iyon dahil may ideya na siya tungkol kay Mykie?"

"Wala siyang alam na siya ang ama ni Mykiel. Hinihintay niya ang DNA test result saka ko sa kanya sasabihin ang lahat. Pinaghahandaan ko ang pangyayaring iyon. Pinapaikot ko na nga para hindi siya makahalata pero bigo ako palagi. Hindi ko alam kung may ideya na siya noong tinanong niya ako sa buong pangalan ni Myke."

"Kung hindi ka lang kasi tanga. Bakit kasi Eizen ang pinangalan mo sa bata?"

"Dahil naalala ko sa kanya ang lahat. Si Myke ang bunga ng lahat, Callie."

"Pero mahal mo pa ba siya?"

"I don't know. Kung malaman na siya ang totoo ay gagawin ko ito para kay Myke dahil gusto kong bigyan ng isang pamilya ang anak ko."

"Ayaw ko man aminin pero naawa ako sa anak mo dahil lumalaki siyang walang ama. Isang beses nga habang susunduin ko siya ay nahuli kong inaaway siya ng ibang bata dahil wala daw siyang ama at hindi daw siya mahal nito." Namilog ang mga mata ko sa kwento ni Callie. "Pero hindi naman naniniwala si Mykie kung ano ang sinasabi ng ibang bata sa kanya."

"Hindi totoo iyan. Mahal ni Aizen si Myke. Tuwing magkasama ang dalawa ay kitang kita sa mukha ni Aizen ang saya at ganoon rin si Myke."

"May pagkasweet rin pala si Aizen." Tumango ako sa kanya.

"May pagkaseloso pero overprotective naman."

"Yeah, halata ngang seloso dahil may balak pang lumbuhin si Caleb noon." Naalala ko ang tungkol doon. Nagalit pa ako sa kanya noong inapakan niya ang paa ni Caleb na may injury dahil hindi naman kasi maganda ang ginawa. Childish.

"Alam ko rin naman mali ako dahil nasaktan ko siya pero nagawan pa rin niya akong mahalin." Wala na dahil tumulo na ang luha ko na kanina ko pang pinipigilan. "Ang akala ko nga ikakasal na siya pero half sister pala niya iyon at isang pagpapanggap lang."

"Pedophile pala iyang ama ng anak mo."

"Grabe ka. Hindi naman siguro."

"Mommy? Bakit po kayo umiiyak?" Nakatingala lang sa akin si Mykiel. Tapos na pala siya kumain ng agahan niya kaya pinunasan ko agad ang luha ko.

STATUS: Married With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon