Chapter 22

5.2K 104 1
                                    

Aya's POV

Bukas na ang birthday ni Mykiel kaya itong si Aizen ay excited na. Hindi ko nga alam kung natutulog ba siya o hindi.

"Wifey, what do you think? Magugustuhan ba ni Mykiel?" Tanong ni Aizen sa akin. Samantala kaming dalawa lang ang pumunta kasi pinaiwan ni Aizen si Mykiel sa bahay ng parents niya.

"Why don't you ask Myke before we go here?"

"I don't want to ruin my own surprise for him."

"And also he is turning 6 years old not 7 years old."

"I know. Pagbigyan mo na ang kagustuhan ko. Gusto ko lang maging masaya si Mykiel sa unang birthday niya na kasama ako."

"Ayaw ko makipagtalo pa sayo baka ngayon pa ako manganak."

"Huwag na muna, please... Malayo ang ospital dito, wifey."

Hindi na ako umimik pang muli. Tumingin sa paligid. Maganda dito at marunong pumili si Aizen ah.

"Sigurado akong magugustuhan ni Myke dito."

"Really? Okay, then. Dito na magbirthday si Mykiel."

Kinabukasan...

Nagising ako ng maaga dahil nagaasikaso na si Aizen. Ang aga pa at alam ko mamaya pa kami pupunta doon.

"Ugh, I want to sleep more." Pinikit ko na ulit ang mga mata ko para makatulog.

"Sorry kung nagising kita." Sabi niya nang nakatingin siya sa akin.

"It's okay. Matutulog na ulit ako." Sabi ko na nakapikit mata ko.

Napapasarap ang tulog ko noong may gumigising sa akin. Sino naman kaya ang iisturbo sa pagtulog ko?!

"Mommy, gising na po kayo." Narinig ko ang boses ni Mykiel kaya dumilat ako.

"Yes, baby boy?"

"I'm not a baby boy anymore, mommy. Magkakaroon na po ako ng dalawang kapatid."

"Sorry, big boy."

"Anyway, pinapagising po kayo ni daddy kasi may pupuntahan daw po tayo."

Oo nga pala ngayon na kami pupunta sa lugar kung saan magdidiriwang ng birthday si Mykiel.

"Happy birthday, big boy." Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Akala ko po kinalimutan mo na ang birthday ko." Ngumuso ang anak ko kaya natawa ako sa kanya.

"Bakit ko naman makakalimutan ang birthday ng pinakagwapo kong anak ah?"

"Kasi daddy hindi niya ako binabati pa po."

"Hindi pa matatapos ang araw, Myke. Baka mamaya babatiin ka ng daddy mo." Tumango siya sa akin bago ako bumangon sa kama.

Nang makarating na kami sa lugar ay tuwang tuwa si Mykiel kahit wala siyang alam kung bakit kami nandito ngayon.

"Get ready, guys. We're here already." Rinig kong sabi ni Aizen kaya napatingin ako sa kanya. May kausap pala siya sa telepono.

"Sino ang kausap mo?"

"Si Callie. Ang sabi kasi niya sa akin kahapon ay tawagan siya kung nandito na tayo."

Himala yata hindi na inaaway ni Callie si Aizen simulang kinasal kaming dalawa. Siguro noong sinabi niya sa akin na hindi niya aawayin si Aizen pag gwapo daw ang best man ni Aizen.

"Kagulat nga hindi na ako inaaway ni Callie."

"Ang sabi niya sa akin pag gwapo daw ang naging best man mo ay hindi ka na niya aawayin."

STATUS: Married With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon