Chapter 6

7.1K 175 1
                                    

Maaga akong nagising ngayon para magluto ng makakain namin ni Mykiel at magluluto ng pagkain ni Aizen. Ayos na rin ito para hindi ako pahirapan ni Aizen. Sa ginawa ko sa kanya noon ay baka paghirapan niya ako.

"Good morning, baby boy." Napansin ko kasi ang presensya ni Mykiel.

"Good morning, mommy." Umupo na si Mykiel sa upuan kaya nilapag ko na yung pancake na nililito ko.

"Baka gabi na kita kunin sa bahay ng tita Callie mo."

"Bakit po? May work po ulit kayo?"

"Yes, baby boy." Lumapit na ako sa mesa at umupo sa tabi ni Mykiel. "Para sayo rin naman ito, eh."

"I understand, mom. For my future." Ngumiti siya sa akin habang sumusubo ng pancake. Tumingin ako sa oras. Shit. Mahuhuli na ako sa unang araw ko.

"Myke, tatawagan ko na lang ang tito Caleb mo para hatid ka sa school mo mamaya bago siya pumasok."

"O-key, mommy."

Mabuti na lang marunong maunawa si Mykiel. Alam niyang para sa kanya ito kaya kailangan kong magtrabaho.

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako at tinawagan ko na muna si Caleb.

"Hey, Aya. Napatawag ka."

"Pwede favor, Caleb?"

"Sure. Ano iyon?"

"Pwede bang ikaw ang maghatid kay Myke sa school? Wala na kasi akong oras para hatid siya mamaya. Please..."

"You owe me this time, missy. Okay, bago ako pumasok hahatid ko siya sa school niya."

"Thank you, Caleb."

"Pero si Callie ang kukuha sa kanya mamaya ah. Marami kasi akong gagawin sa opisina."

"Okay. Thank you talaga."

Pagkatapos kong tawagan si Caleb ay nagasikaso na ko. Nagsuklay ng buhok at naglagay na rin ako ng lipstick.

"Myke, mamaya pupunta ang tito Caleb mo kaya kailangan maligo ka na bago siya pumunta dito ah. At mamayang paguwi mo si tita Callie naman ang kukuha sayo. Huwag ka rin papasok kung hindi si tito Caleb mo ang pumunta." Bilin ko sa anak ko. Kilala naman ni Mykiel ang mga kaibigan ko pero wala naman alam ang mga kaibigan ko kung sino ang ama ni Mykiel.

"Okay po, mommy."

"Alis na ako." Hinalikan ko sa pisngi ang anak ko.

"Ingat po."

Kinuha ko na yung baon para kay Aizen. Paalis na sana ako noong may narinig akong busina. Inposible si Caleb ito dahil mamaya pa ang pasok si Mykiel. Lumabas na ako pero laking gulat ko noong makita si Aizen.

"First day of work late na agad." Sabi niya.

"Sorry. Ang dami kasi akong binilin kay Mykiel."

"Wala ba siyang kasama?"

"Mamaya hahatid siya ni Caleb sa school niya." Biglang nagiba ang facial expression ni Aizen. Problema nito?

"Pasok ka na sa loob ng sasakyan. Sabay na tayo pumasok."

Wala na ako magawa kaya sumakay na ako sa passenger's seat.

"Heto pala yung pagkain mo para mamaya."

"Hawakan mo lang. Baka matapon kung sa likod ilalagay."

Pagkatapos noon ay awkward ulit dahil walang nagsasalita sa aming dalawa hanggang nakarating kami sa parking lot ng ospital.

STATUS: Married With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon