Pagkahatid ko sa mag-ina ko ay hindi binibitawan ni Mykiel ang kamay ko. Ayaw kasi niyang umalis ako kahit ngayon lang kaya pumayag ako dahil gusto ko rin naman bumawi sa anak ko.
Pagkalabas ko sa kwarto ni Mykiel ay nakita ko si Aya nasa kusina abalang sa pagluluto.
"Ah, si Myke?"
"Ang sabi niya magpapalit lang daw siya muna. Ayaw nga niya magpatulong."
"Yeah. Ayaw na ayaw niya talaga magpatulong." Humarap na ulit siya sa niluluto niya. "Dito ka na kumain."
"Sure. Niyaya rin ako ng anak natin na dito matulog. Okay lang ba sayo?"
"Uh, oo naman. Kung gusto mo dito matulog para kay Myke, walang problema sa akin."
"At may isa pa pala akong gustong sabihin sayo." Nilapag na niya ang niluto niyang pagkain sa mesa kaya tinulungan ko siya sa pagayos.
"Ano naman iyon?"
"Kung ayos lang sa bahay na kayo tumira ni Mykiel. Magiging kumportable ako pagkasama ko kayo, hindi katulad nito na kayo lang ang magisa. Hindi natin alam kung masamang loob ang pumasok dito na hindi niyo alam."
"Salamat sa pagaalala pero ayos lang kami ni--"
"I don't want to hear a no as your answer, Aya. Kailangan niyo lumipat na kasama ako."
Nakita ko siyang bumuga ng hangin. Give up?
"Wala talaga akong laban sayo. Hanggang ngayon matigas pa rin ang ulo mo."
"Minahal mo naman." Tumango siya. Sumasang ayon talaga siya. "Pumapayag ka na ba ngayon?"
"Before I answer that may gusto akong tanungin sayo. Kailangan mong sagutin."
"Sure. What is it?"
"Ano naman ang balak mo ngayon alam mo na ang tungkol kay Myke? Tutuloy mo pa rin ba ang pagyaya sa akin ng kasal?"
"Talaga po? Magiging isang pamilya na po ba tayo?" Napalingon ako sa likuran. Nandito na pala si Mykiel.
"Yes, lad. Magiging isa na tayong pamilya kung pumayag ang mommy mo."
"Mommy, please... pumayag na po kayo, please."
"Baby boy, hindi pa nagtatanong ang daddy mo kaya wala pa akong desisyon."
"So, kung niyaya kitang magpakasal papayag ka na?" Ngumiti sa akin si Aya. Isa lang ba ang ibig sabihin niyan? Pumapayag siya?
"Depede." Natatawang sagot nito. Sumimangot ako doon.
"Anong depende?"
"Kumain na muna tayo dahil nagugutom na ako."
Umiiwas ba siya sa tanong ko? Siguro nga. Ayaw ko rin naman masira ang plano ko, no!
"Hey lad, gusto mo bang tumira sa kasama ko? Papayag na si mommy."
"Talaga po?"
"Yes, baby boy."
Napangiti ako sa sagot ni Aya. Pumayag na nga siya na tumira sila sa bahay kasama ko.
Nagsimula na rin kami kumakain at talagang hindi nakakasawa ang mga niluto ni Aya. Ang sarap. Shit. Pagkatapos kumain ay pumunta na si Mykiel sa kwarto niya. Gusto kong tulungan si Aya sa paghugas ng mga pinagkainan pero pinipigilan niya ako. Biglang tumunog ang phone kaya kumunot ang noo ko dahil sino naman ang tatawag sa akin sa ganitong oras? At hindi ako tumatanggap ng trabaho after work kahit kong kailangan nila ang isang magaling na doctor pero maraming doctor ang night shift. Pero nakita ko ang pangalan ni Enzo, ang pinsan ko sa father side.
BINABASA MO ANG
STATUS: Married With My Ex
RomanceSTATUS: In A Relationship With My Step Brother book 2 Sobrang nasaktan si Aizen noong hindi nagpakita si Aya sa kanya. He thought Aya loves him pero mukhang nagkamali siya sa inakala niya. Umalis ng bansa si Aizen na may sama ng loob kay Aya. Unexpe...