Nasa venue na ng prom night nila si Lara. Hindi niya alam kung bakit hindi siya masaya na naroon siya.
Karamihan sa mga estudyante ay masaya at excited tuwing sasapit ang Prom. Pero si Lara ay hindi.
Kasalukuyan ng nagsasayaw ang ibang mga estudyante sa mabagal na tugtog. Habang si Lara naman ay nakaupo lamang at pinagmamasdan ang mga estudyanteng nagsasayawan.
"Bakit kasi wala siya rito eh" *pout. Sabi ni Lara. Ang tinutukoy niya ang long time crush niya. ^_^
Wala siyang balak na sumayaw dahil wala siyang gana at hindi niya rin gusto ang mga nagyayaya sa kanyang sumayaw.
Hindi naman sa pagmamaldita pero gusto niyang first dance niya ay si Luke, yung lalaking matagal niya ng gusto.
Siya lang ang magisa sa kanilang lamesa habang ang kanyang mga kaibigan ay nakikipag sayaw sa kanilang mga kapareha.
"Buti pa sila masaya" *sighs*
Sa kalagitnaan ng pagsasayaw ng mga estudyante ay may biglang dumating na binata na hingal na hingal.
Ang binatang ito ay si Luke. Ang kababata ni Lara at dalawang taon na rin siyang may gusto at umaasa sa binata.
Hindi alam ni Lara na nanduon ang binata, habang si Luke naman ay may hinahanap sa karagatan ng mga nag sasayawang mga estudyante.
Hindi mahanap ni Luke ang kanyang hinahanap, ngunit nang mapunta ang kanyang mga mata sa dalagang nag iisa sa lamesa ay natuwa siya, dahil wala man lang sumasayaw na kahit isa sa dalaga.
Hindi niya rin namang gugustuhin na may sumayaw sa dalaga dahil baka masuntok niya na lang iyon bigla. At dahil rin sa kagustuhan na siya lang ang sumayaw sa dalaga at wala ng iba.
Agad pinuntahan ni Luke si Lara. Tinakpan niya ang mapupungay na mata ng dalaga. Kaya naalarma si Lara. Hinawakan niya ang kamay na tumakip sa kanyang mga mata.
Nang matanggal niya ang kamay, agad siyang lumingon sa kanyang likuran. At duon nakita niya si Luke na may matatamis na ngiti sa kanyang labi.
Nagtaka si Lara kung bakit nanduon ang binata, dahil magkaiba sila ng paaralan na pinapasukan. Pero natigilan si Lara sa pag iisip nang magsalita si Luke na agad nag pabilis sa kanyang puso.
"Can I have this dance my beautiful lady?" sabi ni Luke na may matatamis na ngiti para kay Lara. Hindi na nakasagot si Lara dahil natulala na lang ito sa gwapong mukha ng binata.
"Ang gwapo niya OMG" kinikilig na sabi ni Lara sa isipan niya.
Hinila na ni Luke si Lara sa gitna ng mga nagsasayawang estudyante. Nagsimula na rin silang mag sayaw sa mabagal na tugtog.
Hindi alam ni Lara ang kanyang gagawin at saan ihahawak ang kanyang mga kamay. Napansin ito ni Luke at napangisi na lang siya sa inakto ng dalaga.
Nilagay ni Luke ang kanyang kanang kamay sa bewang ng dalaga at hinawakan ni Luke ang kaliwang kamay ni Lara para ilagay sa kanyang balikat. Habang ang kanang kamay ni Lara ay mahigpit niyang hinawakan.
Habang nag sasayaw ang dalawa tinanong na ni Lara ang mga tanong sa kanyang isipan bago siya yayain ng magsayaw ng binata.
"Bakit ka nandito Luke? Hindi ka naman taga rito diba? Bakit ka umattend sa party na toh?" tuloy tuloy na tanong ni Lara
"Simple lang yan Lara, nandito ako para sayo. Kahit hindi man ako estudyante rito pinilit ko pa rin na pumunta, dahil hindi ko kakayanin na may humawak sa bewang at mga kamay mo ng ganito." nakangiting sabi ni Luke
"Ako lang dapat, naiintindihan mo? Dahil akin ka Lara. Sa akin ka lang." pag papatuloy pa ni Luke habang nakatingin ng diretso sa mga mapupungay na mata ni Lara
Hindi alam ni Lara ang kanyang sasabihin sa sinabi ng binata. Nagulat rin siya sa sinabi nito. Dahil hindi ganito ang binata sa kanya, kung tutuusin nga ay hindi siya nito pinapansin. At kung kakausapin niya man ito ay maiikli lang ang sinasabi ng binata sa kanya.
Hindi siya sanay. Kaya ganun na lamang ang bilis ng tibok ng kanyang puso sa mga sinabi ng binata.
Natigilan si Lara sa pag iisip nang may naramdaman siyang malambot na labi sa kanyang kaliwang pisngi. Nagulat siyang napatingin sa binata, habang ito naman ay nakangiti lang sakanya.
"Ang lakas ng tibok ng puso ko Luke, hindi ko alam ang sasabihin ko sayo. Nahihiya ako." sabi ni Lara. Yumuko siya dahil sa nararamdamang hiya.
Hinawakan ni Luke ang baba ni Lara at tinaas ito para magtama ang kanilang mga mata.
"Wala ka dapat sabihin sakin o ikahiya dahil alam ko ang lahat. Lahat lahat na may gusto ka saakin, matagal na. Hindi ko pinapansin dahil nag hahanap ako ng tyempo at tamang panahon para umamin sayo. Kaya nung pinayagan na ako ni Tita ay agad na akong naghanda para sa pagkakataong ito. Kaya Lara hindi ako tumatanggap na sagot na hindi, dahil matagal ko itong hinintay. Matagal kitang hinintay. Kaya Lara akin ka na ngayon. Girlfriend na kita Lara" mahabang sabi ni Luke
"Oo Luke sayo lang ako, sayong sayo" naiiyak na sabi ni Lara.
~~~
Thank you for reading!~
GodBless! *mwah!*
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryMga stories ko po na bigla biglang pumapasok sa isip ko. HAHAHA Enjoy!