Chasing Venice

52 1 0
                                    

Narrator's POV

"Anak gising na" pag gigising ng ina kay Venice, gumising ka na jan uuwi na tayo diba may exam ka pa bukas"

"Hindi na ma, dito na lng ako babantayan ko na lang si Xavier, papakiusapan ko na lang yung teacher ko"

"Sige ikaw bahala"

Nung mag umaga na nagpaalam muna ang mag ina para umuwi sa kanila pero babalik agad.

Pagkarating ng mag ina sa kanilang bahay ay nagpahinga muna si Venice ng saglit habang gumagawa ng sulat para sa binata. Naligo muna siya ng mabilisan at namili ng kanyang susuotin.

Nang matapos ang dalaga agad siyang pumunta sa kanyang Ina na natutulog sa kwarto nito. Ginigising niya ito at tinanong kung sasama ngunit sinabi ng ina na mauna na siya at susunod na lang siya ruon.

Umoo na lang ang dalaga at nagpaalam na aalis na siya.

Nang makarating na siya sa ospital ay dumiretso na siya sa kwarto ng binata. Nagulat siya ng makita niya na gising na ang binata ngunit may kasama itong babae, si Penelope ang girlfriend ni Xavier.

Ang ngiti ng kanyang mga labi ng dumating siya sa ospital ay napalitan na lang bigla nang makita niya ang dalawa na sweet na sweet habang sinusubuan ni Penelope ng prutas si Xavier.

Napansin ni Xavier si Venice na nakatayo lang sa pintuan. Nagbago din ang expresyon ng binata ng makita ang dalaga, ang pagiging masaya kanina ay bigla itong sumeryoso ng makita ang dalaga.

Ng magtama ang paningin nila nagulat si Venice at pilit na ngumiti sa binata napatingin na din si Penelope kay Venice at nginitian lang din nito ng dalaga. Sinara niya na ang pinto nang hindi nagpapaalam sa dalawa.

Alam niyang kabastusan ang di pagpapaalam sa dalawa pero wala na siyang pake dahil baka makita pa ng binata ang kanyang mga luha.

Habang naglalakad palayo si Venice ay nag unahan ng pumatak ang mga luha na pinipigilan niya ng makita ang magkasintahan. Nang makarating siya sa tahimik na lugar sa ospital ay duon na siya umiyak ng umiyak. duon niya ibinuhos ang mga nararamdaman niyang sakit noong mga oras na iyon.

Nagtagal si Venice ng isang oras sa pag iiyak nang mapag pasyahan niya ng umalis at umuwi na lang. Di niya na ininda ang mga mata niyang namamaga dahil sa pag iyak.

Nang palabas na siya ng ospital nakita niya ang ina at ang kambal ni Xavier na papasok sa ospital.

"Oh hija nandito ka na pala, halika puntahan na natin si Xavier wala pa namang kasama yun duon" sabi ng ina ni Xavier, ngumiti si Venice ng pilit at pinasigla niya ang kanyang boses.

"Ay hindi na po kakagaling ko lang po duon at may kasama naman po si Xavier kaya hindi na ko tumuloy" pinipigilan niyang di pumiyok dahil nag babanta na naman ang kanyang mga luha.

"Ah ganun ba? San ka pupunta ngayon?" tanong ng ina ni Xavier.

"Uuwi na po ako tita, ay oo nga po pala pakibigay na lang po ito sa kanya di ko po kasi nabigay kanina eh"

Inabot niya ang sobre na naglalaman ng sulat na ginawa niya bago siya umalis sa kanyang bahay.

"Oo sige iaabot ko na lang ito sakanya. Mag iingat ka ha" sabi ng ina

"Opo salamat po" ngumiti si Venice bago siya umalis nginitian niya din ang kapatid ni Xavier.

~~~~~
Thank you for reading!~
GodBless! *mwah!*

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon