Everlasting Love

63 1 0
                                    

Third Person's POV

Mabuti na lang ay nasalo ni Dale si Dane bago pa ito tuluyang bumagsak sa lupa. "Dane! Tangina gumising ka!"sabi ni Dale.

Nahinto sa paglalakad si James at lumingon pabalik. At nakita niya na nga si Dane na wala ng malay na hawak hawak ni Dale.

Pumunta agad siya rito at tinulungan si Dale papuntang hospital. Hindi na umangal pa si Dale dahil kailangan niya na talaga ng tulong. Nang nanduon na sila ay agad inasikaso si Dane ng mga nurse habang si Dale naman ay tinawagan na ang kanyang ina.

"Ma, nandito kami sa hospital. Hinimatay na naman si Dane" kalmadong sabi ni Dale sa ina. Pero sa loob niya ay sobra ang kabang nararamdaman niya.

"Sige sige pupunta ako" sabi ng ina at pinutol ang tawag.

Itinago ni Dale ang cellphone niya bago niya sinuntok si James. "Kasalanan mo tong hayop ka. Umalis ka na dito!" sigaw ni Dale kay James. Wala na siyang pake kung kabastusan ang ginawa niya kay James kahit tinulungan pa siya nito papuntang hospital.

Ayaw pa sanang umalis ni James pero ginawa niya dahil sa galit na si Dale. Gusto niya pa sanang hintayin ang pag gising ni Dane.

Nang magising na si Dane ay naroon ang mga doctor at nurse na kinakausap ang nanay niya. Habang si Dale naman ay tulala lang sa gilid.

Kahit hindi na ipakita ni Dale ay sa loob niya ay nag aalala at natatakot siya para sa kalagayan ng kapatid.

~~~~~~~~~~
Dane's POV

"Dale" tawag ko kay Dale. Agad pumunta si Dale sa tabi ko. "Wag kang magsalita. Magpahinga ka lang." at dahil nga sa panghihina ng katawan ko ay di na ako umangal. Hirap na ako magsalita. Para bang anytime ay mamamatay na ako. At nararamdaman ko iyon.

Nang matapos ng mag usap sila mama at yung mga doctor ay lumapit agad si mama sakin. Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.

"Mahal na mahal kita anak." sabi niya sakin. Nakita ko si Dale sa gilid na umiiyak na din. Hindi ako tanga kaya alam ko na ito.

"Mamamatay na ba ako?" tanong ko sakanila. Hindi sila sumagot at mas lalo lang lumakas ang iyak ni mama. Kaya maski ako ay umiyak na rin.

"Kung oo sabihin niyo saakin. May gusto pa po kasi akong gawin eh."

"Dale. Kunin mo naman yung mga art crafts ko sa bahay, dalhin mo dito." sabi ko sakanya. Tumango siya at umalis na.

~~~~~~~~~~
Dumating na si Dale dala dala ang mga pinakuha ko sakanya. Kaya eto ako ngayon ay nakaupo sa kama at busy sa pag gawa ng sulat para kay James at kay Dale.

Hinang hina ako kaya hindi na masyadong maganda ang sulat kamay ko.

Nang matapos ako ay binigay ko kay Dale ang dalawang sulat. Sinabi ko na wag niyang bubuksan at itago na muna. At buksan na lang kapag nawala na ko. Gusto pa nga sanang itapon ni Dale yun dahil kalokohan lang daw iyon pero pinipigilan ko siya.

Makalipas ng ilang araw ay pakiramdam ko sa sarili ko na suko na talaga ako. Hindi ko na kaya. Kaya pinatawag ko sila mama at Dale sa nurse.

"Ma? Dale? Pagod na po ako." nanghihina ako pero pinilit kong ngumiti para man lang hanggang sa huling pagkakataon ay makikita nila akong nakangiti sa harap nila at hindi lang sa picture frame na ilalagay sa ibabaw ng kabaong ko.

"Gusto ko na pong magpahinga." umiiyak na sila mama maging si Dale ay iyak na rin ng iyak.

Masakit isipin na iiwan ko ang mga mahal ko sa buhay na ganito kaaga. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Gusto ko pa silang makasama ng matagal. Pero wala na akong magagawa dahil ito na talaga ang deadline ko.

"Mahal na mahal ko kayo." huling sabi ko at tuluyan ng nawala. May konting luha pa na nasa pisngi ko.

~~~~~
Thank you for reading!~
GodBless! *mwah*

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon