Everlasting Love

144 2 1
                                    

Kasagsagan ng mid terms namin kaya heto ako't panay ang pagsusunog ng kilay para hinid bumagsak.

(A/N: Pano kung walang kilay? Ano pang susunugin dun. HAHAHA charing lang proceed.)

Ang corny mo author. Sa kalagitnaan ko sa pag aaral ay tumunog ang aking cellphone.

Natuwa ako dahil nakita ko na ikaw ang tumawag sakin. 'Mahal' ang nakalagay sa pangalan ng tumatawag. Kaya agad ko itong sinagot.

"Ayoko na. Sawa na ako"
ayan ang binungad niya saakin. Kaya agad napawi ang ngiti saaking labi. Ang excitement sa aking puso ay bigla na ring nawala dahil sa sinabi ng tumawag. Napalitan ito ng sakit at kirot.

"Ha? Mahal ano ba yang sinasabi mo haha? Pinagtitripan mo na naman ako eh" pinilit ko pang inisip na nagbibiro lang siya. Nagbabaka sakali na mawala ang sakit na nararamdaman ko sa aking puso.

"Wag mo na akong tawaging mahal. HINDI NA KITA MAHAL. Tumigil ka na." sabi niya at agad binaba ang telepono.

Hindi ako makaiyak. Nararamdaman ko lang na sobrang sakit sa loob ng dibdib ko. Para bang may libo libong mga karayom na tumutusok rito.

Hindi rin ako makahinga ng maayos kaya agad akong bumaba at pumuta sa kusina para uminom ng tubig.

Habang umiinom ako ay may natatapon pang tubig sa damit ko. Dahil sa pag nginig ng kamay ko. Pinagpapawisan na rin ako ng malamig at umiikot ang paningin ko. Kaya't nabitawan ko ang aking baso at agad itong nabasa. At ako naman ay tuluyan ng bumagsak sa sahig tulad ng basong basag at walang malay.

Nagising ako ng nasa hospital na kami. Nasa tabi ko si mama at ang nakakabata kong kapatid na lalaki na si Dale. Isang taon lang ang agwat namin sa isa't isa.

"Ma bat tayo nandito? Ano bang nangyari?" tanong ko. Hindi sila nagsalita at nanatili lang ang katahimikan saamin. "Labas muna ako. Bibili lang ako ng pagkain." sabi ni mama at agad siyang lumabas ng kwarto.

Kaya naiwan kami ng kapatid ko. "Ano bang nangyari Dale? Bat ba tayo nandito?" tanong ko sa kapatid ko.

"Si mama na lang ang bahalang magsabi sayo." sabi niya kaya naman tumahimik na lang ako.

"Dale wala na kami." sabi ko sa kapatid ko habang nakatulala sa kisama ng hospital. At pinipigilan ang pag luha.

"Bakit?" walang emosyon niyang sabi. "Ewan ko. Ayaw niya na daw." pinilit kong ngumiti sakanya kahit nag iinit na yung gilig ng mga mata ko.

Lumapit siya saakin at niyakap ako. "Hayaan mo Ate, nandito lang kami. Mahal na mahal ka namin kahit anong mangyari." sabi niya.

Kaya tuluyan ng bumuhos ang mga luhang pinipigilan ko kanina. Ngayon niya lang din akong tinawag na ate kaya nagulat ako.

May mga time talaga na kahit pilitin mong tumawa at ngumiti kapag niyakap ka at masabihan na nandiyan lang sila para sayo ay dun na talaga mabubuhos ang lahat ng luhang pinipigilan mo.

May mga dumating na mga doctor at sinabing kailangan kong matulog uli para makapag pahinga ng husto. Hindi na ako umangal dahil ramdam ko ang panghihina ng katawan ko.

~~~~
Thank you for reading!~
GodBless! *mwah!*

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon