Everlasting Love

64 2 0
                                    

Third Person's POV

Nang nawalan na ng malay si Dane ay mas lalo pa silang umiyak. Niyakap ng mama nila ang anak niya. Habang si Dale ay inaalalayan ang ina habang umiiyak rin.

Tinawag na nila ang doctor at sinabing wala na si Dane. Kaya agad inasikaso ang katawan nito para maayos na agad sa Funeral.

Naalala ni Dane ang sulat na ibingay ni Dale sakanya kaya agad niya itong kinuha sa bag at binasa ang para sakanya.

Letter:

Dale kapatid, kung nababasa mo na ang sulat na ito wala na siguro ako sa mundo. Dale huling hiling na lang oh, pakibigay ang sulat na isa kay James. Para sakanya kasi yun eh. Tsaka wag mong sasapakin pag ibibigay mo sakanya ah? HAHAHA yari ka sakin. Alam mo namang mahal ko yun kahit sinaktan niya ako. Wag mong papabayaan si mama ah? Alam mo namang ikaw na lang ang masasandalan niya. Wag kang pasaway sakanya ha! Kundi mumultuhin kita HAHAHA. Mag aral ng mabuti kapatid! Kapag may girlfriend ka na ipakilala mo sakin ah! Para pag hiniwalayan ka niya mumultuhin ko siya HAHAHA. Basta tandaan mo na nandito lang ako palagi sa inyo. Sasamahan ko kayo kahit wala na ako. Mahal na mahal ko kayo ni Mama.

-Dane 🖤

Nabasa ang papel dahil sa mga luha ni Dale. Tinago niya ang sulat ng ate niya at kinalma muna ang sarili bago mag paalam sa ina na may pupuntahan lang.

Kaya agad niyang pinuntahan ni Dane si James para ibigay ang sulat na gawa ng kanyang kapatid. Wala siyang balak suntukin o saktan ito kahit gusto niya dahil sa kahilingan ng kapatid.

Nang makapunta na si Dale sa bahay ni James ay agad niyang ibinigay ang sulat.

"Ano toh?" tanong ni James. "Sulat malamang. Wag kang tanga." pamimilosopo ni Dale. "Galing yan kay Dane. Wala na siya." malamig na sabi ni Dale kay James. Kitang kita sa mga mata ni James ang gulat at sakit.

Gulat dahil sa pagkawala ng babaeng mahal niya. At sakit dahil sa pagsisisi sa ginawang katarantaduhan rito.

Binuksan na ni James ang sulat at binasa ito.

Letter:

Mahal, ibinigay na siguro ni Dale sayo to noh? Sinapak ka ba mahal? Sabihin mo lang at mumultuhin ko iyon HAHAHA. Wag ka sanang magagalit kung tinawag kitang mahal ah? Huli na naman na eh. Wala ng mangungulit sayo. Yung sinabi ko sa park na sana ay pumunta ka sa libing ko ay sana gawin Kahit sa huling pagkakataon na lang James, sana tuparin mo ang hiling ko. Alam mo bang ang sakit ng ginawa mo sakin, pero kahit ganun mahal na mahal pa rin kita. Salamat dahil pinasaya mo ko at pinaramdam mo sakin lahat ng saya na pwede kong maramdaman nung tayo pa. Hindi ko pinagsisisihan na nakilala at minahal kita James. Maraming salamat sa lahat. Mahal na mahal kita.

-Dale 🖤

Agad sinarado ni James ang pintuan at duon na siya umiyak g umiyak. Desidido siyang pumunta sa burol ng pinakamamahal niyang babae.

Galit siya sa saril niya dahil sa ginawang kagaguhan rito. Kaya kahit sa huli man lang ay gagawin niya ang kagustuhan ni Dane.

~~~~~~~~~~

Libing na ni Dane. Ginawa nga ni James ang kagustuhan ng dalaga. Pumunta siya rito. Nang tinignan niya ang mukha ng mahal niya kabaong ay napaluhod ito habang umiiyak.

"Mahal na mahal kita Dane, Patawad Mahal."paulit ulit niyang sinabi habang humahagulgol.

Nilapitan siya ni Dale at pinatayo. Isinara na ang kabaong ni Dane kaya umiyak na lalo ang nanay ni Dane. Maging si James ay di pa rin tumitigil sa kakaiyak. Hinagis na nila ang mga puting rosas sa pababang kabaong ni Dane.

~~~~~~~~~~

Nakangiting pinagmamasdan ni Dane ang mga mahal niya sa buhay. Masaya siya dahil ginawa nga ni James ang kahilingan niyang pumunta ito sa kanyang libing. Isa isa niyang niyayakap ang mga ito kahit hindi niya na maramdaman ang mga katawan ng mga mahal niya. Pagkatapos ay sumama na siya sa liwanag ng nakangiti.

~~~~~
~The End~

Thank you for reading!~
GodBless! *mwah*

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon