Niyakap ni Luke si Lara at niyakap din siya pabalik ng dalaga. At nang gabing iyon ay naging sila na ni Luke, ang lalaking matagal niya ng gusto.
Magkahawak kamay silang bumalik sa lamesa na inuupuan ni Lara. At dito nakita niya ang kanyang mga kaibigan na nakabalik na rin galing sa pagsasayaw.
Nanunuksong nakatingin ang mga kaibigan ni Lara sa kanilang mga kamay na magkahawak.
"Bakit?" natatawang sabi ni Lara nang makapunta na sa lamesa.
"Nakita lang naman namin girl, actually nga ay lahat ng tao ay dito ay nakita ang kasweetan ninyong dalawa" kinikilig na sabi ni Briana ang baklang kaibigan ni Lara.
"Oo nga Lara! Parang di kayo nakaramdam na umalis na ang mga tao sa paligid niyo. Kala niyo ata kayo lang ang tao kaya lahat kami ay nakita ang pinag gagawa niyo. Maging ang mga teachers natin ay nakita at kinikilig pa nga sila habang nakatingin sa inyo hahaha" sabi naman ni Andrea.
"Trueee! Kaya nga dahil dun may nag walk out eh tss" sabi ni Elisha
"Talaga? Sino naman yun?" nagtatakang tanong ni Lara sa kaibigan
"Walang iba kundi si Bryle kasama ang kanyang master na walang kwenta hahaha!"Elisha
Si Bryle ay ang ka schoolmate niyang may gusto sakanya matagal na, pero hindi naman niya ito pinapayagang manligaw kahit anong pilit nito sakanya. At ang master na tinutukoy ng mga kaibigan niya ay ang kaibigan ni Bryle na parang asong naka buntot rito.
Hindi na lang sumagot si Lara sa sinabi ng kaibigan.
"Mabuti naman kung ganun" sabi ni Luke "Dahil ngayon alam na nila may boyfriend na si Lara. At wala na dapat ang lalapit dito maliban sa inyo" dagdag ni Luke
Kinilig naman ang mga kaibigan sa pagiging protective ni Luke para sa kaibigan. Napangiti na lang si Lara dahil sa kilig.
Umupo na silang dalawa habang hawak hawak pa rin ang kamay ng isa't isa. "Sa susunod na taon ay dito na ako mag aaral, para mabantayan at makasama kita araw araw Lara. At para rin mabantayan ko ang mga nagtatangkang umagaw sayoo.."
~~~~~
~THE END~Thank you for reading!~
GodBless! *mwah!*
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryMga stories ko po na bigla biglang pumapasok sa isip ko. HAHAHA Enjoy!