Narrator's POV
Nagising si Venice ng maaga at napagpasyahan na pumasok na lang sa eskwelahan. Naligo at nagbihis na siya. Di na siya kumain ng agahan dahil wala siyang gana kaya nag paalam na lang siya sa kanyang ina at umalis na agad ng kanilang bahay.
Pagdating sa eskwelahan ay dumiretso siya sa kanilang class room. Umupo agad siya at natulala na sa labas ng bintana.
Sa kalagitnaan ng kanyang pag katulala ay dumating ang kanyang kaibigan at nilapitan siya, sinabi ng kanyang kaibigan na pinapatawag daw siya ng kanilang teacher
Agad siyang kinabahan dahil naalala niya na bagsak na pala siya sa exam nito. Kaya pumunta agad siya at kinausap siya ng kanyang guro. Sinabi nito na bibigyan pa siya ng isang pagkakataon para makapag test. Nagpasalamat siya sa guro at sinabi niya na magtetest na siya dahil nakapag aral naman siya.
Nang matapos niya ang exam ay pinasa niya na to agad at sinabi ng kanyang guro na umuwi na siya dahil iyon din ang ginawa niya sa iba pang estudyante.
Nagpasalamat si Venice sa guro at pumunta siya kanilang classroom para makapag paalam sa kaibigan.
Nang makarating siya sa kanyang bahay ay agad siyang sinabihan ng ina na pupunta sila sa ospital nagbago ang kanyang mood at napilitan siyang magbihis.
Nang matapos siyang magbihis ay umalis na sila wala siyang gana na bumisita ulit sa binata dahil sa nararamdaman.
Hanggang sa makapunta sila sa kwarto ng binata ay dumiretso lang siya sa upuan na malayo sa kama ng binata.
Gising na ang binata at naghahanda na silang umalis dahil ididischarged na ito.
"Venice dito ka oh" sabi ng mama ni Xavier habang tinuturo ang upuan sa tabi ng binata. Napatingin si Xavier sa kanya, pero di pinansin ni Venice ang tingin ng binata at umiling na lang ng pilit sa ina ng binata.
Buong oras ay nasa malayo lang ang dalaga at tahimik na nakatingin sa kanyang cellphone.
Nang maghapon na ay dun na pinayagang umalis ang binata kaya umalis muna ang ina nilang pareho para asikasuhin ang mga bills ng binata kaya dalawa lang silang natira ruon.
Tumayo si Venice at lumapit sa binata, "Anong gusto mo? gusto mo ba ng prutas?" tanong ni Venice, umoo na lang ang binata at sinimulan na ni Venice na maghiwa ng mansanas at balatan ng ponkan ang binata.
Ng itatapon na ni Venice ang balat ng ponkan napansin niya ang pamilyar na sobre na nasa basurahan.
Ngumiti ng mapait si Venice at biglang kumirot ang kanyang puso at kahit anong oras ay maiiyak na siya.
"Hindi mo pala binasa" sabi niya kay Xavier na nakangiti ng pilit, naguluhan si Xavier sa sinabi ng dalaga.
"Sige mag ccr lang ako." sabi ng dalaga at agad na siyang lumabas ng kwarto ng hindi na hinintay ang sasabihin ng binata.
Pumunta siya ng cr at dun umiyak ng tahimik.
~~~~~
Thank you for reading!~
GodBless! *mwah!*
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Cerita PendekMga stories ko po na bigla biglang pumapasok sa isip ko. HAHAHA Enjoy!