Third Person's POV
Umalis na ang doctor at nakabalik na rin ang ina nila Dane at Dale.
"Ma kelan mo sasabihin sakanya?" tanong ni Dale sa ina. "Hindi ko alam Dale. Wag muna ngayon." sabi ng ina.
"Kelan pa? Pag malapit na siyang mawala?!" Dale. "Hindi sa ganun! Basta wag na muna ngayon! Hind ko pa kaya!" sigaw pabalik ng ina.
"Ma! Kailangan na nating sabihin kay Dane! Baka magalit pa saatin yan kapag hindi mo agad sinabi. At may karapatan din niyang malaman dahil buhay niya yan ma! Buhay niya!"
"Alam ko! May problema pa si Dane ngayon Dale! Kaya mas mabuti pang wag na muna nating sabihin ang tungkol sa sakit niya!"
~~~~~~~~~~
Dane's POV"M-may sakit ako ma?" nagulat sila ng magsalita ako. "A-anong sakit ko? Ma? Dale?" hindi sila nakapag salita agad. At lumapit muna sila saakin at hinawakan ang aking kamay.
"Anak. Hindi naman malala ang sakit mo, huwag kang mag alala." sabi sakin ni mama ng nakangiti pero may umaagos na luha sa pisngi niya. "Hindi Dane! Malala na ang sakit mo. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang natin to nalaman pero Dane may problema sa puso mo. May butas. At habang tumatagal daw ay lalaki daw yang butas sa puso mo sabi ng Doctor. A-at..."
"At ano Dale?" tanong ko sa kapatid ko habang umiiyak na.
"At maaari mong ikamatay." tuluyan na akong nanlumo at mas lalo pang umiyak. Bakit sunod sunod na mga problema ang dumadating sakin ngayon?
Una si James, yung boyfriend kong mang iiwan pero hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin. Tapos ngayon yung sakit ko? Ano pa kaya ang susunod? Ang pagkamatay ko?
"Ma, gusto ko pong makita si James." sabi ko kay mama habang umiiyak. "Ano?! Bakit ka pa makikipag kita sa gagong yun?!" sabi naman ni Dale saakin. Naiintindihan ko siya. Galit siya kay James dahil sa ginawa niyang pag gagago saakin.
"Dale kahit ngayon lang. Please" umiiyak na sabi ko sakanya at hinahawakan ang kamay niya.
"Kelan?" tanong niya sakin. "Bukas Dale, bukas" sabi ko sakanya. "Sige. Pero sasama ako."
Kaya tinext ko agad si James.
Ako:
"James kita tayo please, bukas kahit sandali lang sa Park sa subdivision namin. 5pm. Please Dale kahit ngayon lang. Kahit ngayon na lang."
~~~kinabukasan~~~
Kahit hindi nag reply si James ay umaasa pa rin ako ng pupunta siya.
Kaya nang malapit na mag 5pm ay nagbihis na ako at naglagay lang ng liptint para hindi gaano kahalata ang pamumutla ko.
Nasa park na kami ni Dale at hinihintay ko na lang si James. Naka upo ako sa swing habang si Dale ay naka upo din sa slide.
Ilang minuto pa lang ay nakita ko na si James. Kaya tumakbo na ako sakanya para yakapin siya. Laking tuwa ko ng dumating siya kaya di ko na napigilan ang pagyakap ko sakanya.
Niyaya ko siyang umupo sa swing. "Kamusta ka?" tanong ko pero di niya yun sinagot.
"Bilisan mo na Dane." malamig na sabi niya saakin. Nakita ko si Dale na papalapit samin at tumayo sa gilid ko. Masama na ang mga tingin niya kay James.
"May sakit ako James." sabi ko sakanya. "Oh ano ngayon?" sagot niya sakin.
"Aba gago" aamba na sana si Dale ng suntok pero pinigilan ko siya. "Sa puso ang sakit ko. Malapit na siguro akong mawala" naiiyak na sabi ko. Pero pinipigilan ko ang luha ko.
"Kung ayan lang naman ang sasabihin mo ang mabuti pang umalis na ko. Inaaksaya mo lang ang oras ko Dane" sabi niya sabay tayo sa swing. Kaya hindi na rin nakapagtimpi pa ang kapatid ko ay sinuntok niya si James. "Napaka gago mo! Wala kang kwenta" susuntukin na sana pabalik ni James si Dale pero pumagitna ako.
"Tama na." nanghihinang sambit ko sakanila. Maski ang pagsigaw ay di ko na magawa. Umalis na agad si James dun pero hindi pa siya nakakalayo ay nagsalita na ko.
"Mahal na mahal kita James. Sana pumunta ka sa libing ko kapag nawala na ako." ayun ang huli kong sabihin sakanya bago ako mawalan ng malay.
~~~~
Thank you for reading!~
GodBless! *mwah!*
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryMga stories ko po na bigla biglang pumapasok sa isip ko. HAHAHA Enjoy!